Chapter Twenty Eight
"Im willing to let her go,if she would just let me and if that's what will make her happy. I will do it,im gonna let her."
Napahugot na lang ako ng malalim na hininga mula sa nararamdaman kong tila mabigat na bagay na nakadagan sa dibdib ko.
Hindi ko maiwasan na paulit ulit na maalala yung huling beses na nakausap ko sya...si Arthur.
Hindi ko akalain na may mga taong handa pa rin magparaya para sa taong mahal nila. Handang kumawala sa isang relasyong itinuturing mong buhay mo na. Yung tipong alam mong hindi mo makakaya pero para sa kanya,para sa taong mahal mo,gagawa ka ng paraan para maging posible ang imposible.
Totoo nga kaya na magiging masaya ka basta makita mo lang na masaya yung taong mahal mo? Siguro pero hanggang kelan? Sasaya ka nga ba talaga kahit parang dinudukot yung puso mo palabas ng dibdib mo? Yung pakiramdam na parang wala ka naman talagang buhay dahil yung nag iisang bagay na bumubuhay sayo eh hinayaan mong mawala.
"If she choose to be with you again... I'll let her. I will...so don't you ever let her go..again."
Mariin kong ipinikit ang mata ko pagkarinig ng boses nya sa isip ko.
If she choose to be with me?
Am i even included to her choice?
Gusto kong umasa. Gusto kong maniwala..pero may parte ng pagkatao ko na nagsasabing. Tama na kasi ang sobrang hope,nakakaadik na daw,na baka kahit ihampas pa sa akin ngayon yung katotohanan hindi ko na mapaniwalan sa sobrang hope na meron ako.
"Sir,kailangan na po natin pumasok sa loob."
Wala na,tama na...
Ilang sandali pa kong nanatili sa kinauupuan ko. Ayoko man aminin pero naghihintay pa rin ako...umaasa.
Kahit konting panahon pa.
"Sir? May hinihintay po ba kayo?"
Mukhang takang taka na yung kasama ko dahil hindi pa rin ako kumikilos sa kinauupuan ko.
So,this is goodbye?
Mapait na napangiti na lang ako at nagsimula ng maglakad.
Ramdam ko yung bigat ng bawat hakbang ko na tila ba may malalaking batong nakatali sa magkabilang dulo nito.
Tuloy tuloy lang ako sa paglakad habang nasa unahan yung kasama ko,pero bigla rin akong natigilan nang may maramdaman akong mga kamay na humawak sa kamay ko.
Parang nagbutil butil yung pawis ko sa kaba,halos mabilang ko din yung ginawa kong paghinga.
Pero imposible diba?
Nang tumigil ako sa paglakad,mas lalong humigpit yung hawak nya sakin,dahan dahan kong nakagat yung ibabang labi ko,hindi ko alam pero parang gusto ko umiyak.
"Don't leave yet."
Tuluyan na akong napaharap sa kanya at pakapang hinawakan yung balikat nya.
"You're here."
Hindi pa rin makapaniwalang sabi ko.
"Bryle. I'm sorry!"
Im sorry?
No! Wala syang dapat ipag sorry,wala syang kasalanan
"I should've listen to you before judging you, I should have tried to understand you, I should've not been act selfishly. I'm sorry." Her voice started to broke. I can feel her tears flowing down as I touch her face.
I wanted to say that it's fine that it is not her fault,that everything is okay that I am not angry nor disappointed with her that I
I love her...but my lips seems to be glued to each other that I can't even utter a single word."Art told me everything. I'm sorry bryle,nagkamali ako,mas inisip ko lang ang sarili ko at kung paano at gaano ako nasaktan,itinanim ko sa isip ko na ako lang ang nasasaktan,na ako lang ang nahihirapan,ni hindi ko naisip na pakinggan ka,na baka hindi naman talaga lahat ng bagay tungkol lang sa sakit na nararamdaman ko,na baka may ibang tao pang higit na nasasakatan kaysa sa akin." Mas lalo pang lumakas yung iyak nya habang sinasabi nya sakin ang mga bagay na yun. Hindi ko alam kung gaano karaming tao ba ang maaring nakatingin sa amin ngayon,kung nakatabi man lang ba kami o kung nasang parte ba kami ng airport,sa isip ko wala na kong pakialam,ang importante,nandito sya..kaya naman pilit kong hinagilap ang boses ko para makapagsalita.
"Hindi mo kasalanan na nasaktan kita,na sinara mo ang sarili mo sa anumang paliwanag na meron ako,na masaktan mo ko,kahit isa man lang sa mga yun wag na wag mong isisi sa sarili mo." Sinubukan kong punasan yung luha nya sa mata.
"Shhh, Stop crying okay? Kung anuman ang nangyari noon,sa tingin ko,ako dapat ang humingi ng tawad sayo,and Rie,I am sorry,I really do. If I could've just turn back time I would,hindi para hindi ako masaktan,kundi para hindi ka masaktan, para hindi na nangyari yung mga bagay na nagpahirap sayo,para wala ng masamang ala ala na pwedeng balikan...if i could've just do that,i'll assure you, I will."
"Bryle..." Marahang paghawak sa mukha ko ang naramdaman ko pagkatapos nyang tawagin ang pangalan ko, hindi ko namalayan na may ilang luha pa ring kumawala sa pagpipigil kong wag umiyak.
"Rie,let's start things over again. Let's make our new memories..let---"
"No bryle. I am not here to stop you from leaving.." Daig ko pa ang natuka ng ahas sa narinig.
Ang hope nga daw,nakakaadik...
"I am here to let you go. I am here for closure. Yun kasi yung wala,yung hindi natin naibigay sa isa't isa. Kaya paulit ulit na bumabalik yung sakit. Tama si Arthur. Hindi sya ang kailangan ko para maghilom,because whom I need is you to heal completely,para tuluyan ng magsara yung sugat...it takes a lot of time for our wounds to bleed but in the end,after all of this,we can finally give each other the forgiveness that we've waiting for..let go Bryle."
Wala na...
Ang sakit. Hindi ko maipaliwanag yung sakit. Hindi ko akalain na maaari ka pa rin palang mabuhay sa kabila ng ganitong kasakit na pakiramdam.
Let go bryle...
And now. It felt like I lose her again.
BINABASA MO ANG
CONFESSION TO A STRANGER (COMPLETED)
General FictionSimple lang naman ang gusto ni Rie sa buhay,ang makatapos ng pag-aaral,makapagtrabaho at magpakasal sa lalaking pinakamamahal nya...but then,may mga bagay talaga sigurong hangga't pinaplano mo,hindi natutupad...because the man of her dreams DIED...