Chapter twelve - when you heard the unheard feelings
BRYLE'S POV
"Ui Ronie balita ko may pinalabas ka ng classroom mo kanina?" Nakangiti kong tanong sa kanya.
"Paano mo naman nalaman?eh di ko naman sya pinapunta ng faculty ah."
Kunot noong tanong nya sa'kin.Lalo naman akong natawa sa reaksyon nya,halata kasing mainit ang ulo at napagbalingan lang yung kawawang estudyante nya kanina.
" Nakita ko si Ms. Cruz kaninaand she's crying a river."
Parang naguilty naman sya sa ginawa nya pero hindi na lang nya ko pinansin.
Nakita ko naman talaga si Acin kanina pero kung paano ko nalaman yung nangyari,yun eh dahil ang lakas ng pagkukwento nito kay Rie malapit sa may comfort room. Ang sabi nya napalabas daw sya ng classroom dahil nakatulog sya. Saktong mainit pa naman yung ulo ni Ronie kanina pang umaga.
Iyak ng iyak si Acin habang kinocomfort ni Rie na sa palagay ko eh nagpaalam lang para mag cr.
Well anyway,kinailangan ko na pumunta sa next class ko kaya di ko na din natapos yung kwento nya pero mukhang di naman na pinalaki pa ni Ronie dahil di na pala sila umabot pa sa faculty.
"Sir Bryle!" Napatigil ako sa plano kong pagsunod kay ronie sa faculty dahil sa tawag na yun.
"O Ceian. Bakit?"
Hindi sya nagsalita at tiningnan lang nya ko,biglang parang nanlamig yung pakiramdam ko dahil sa tingin na yun.
"Ah Ceian,m-may problema ba?"
Parang bigla naman syang nagising at nahihiyang ngumiti sa'kin. " Wala naman sir Bryle,eto na nga po pala yung quiz namin,nakaalphabetical na rin po iyan." Pagkabigay sa'kin nung mga papel nagpaalam n sya sa'kin pero bago yun tiningnan nya ulit ako na para bang may nalalaman syang sekreto ko.
CEIAN'S POV
Hindi ko masisisi si Sir Bryle kung nagtataka man sya sa ginawa kong pagtitig sa kanya. Pero hindi rin nya ako masisisi kung ganoon man ang maging reaksyon ko matapos ng nakita ko last friday.
Oo na sige na,eto na! Kasi naman nagulat lang talaga ko na makita sya dun with rie by his side. I mean,close pala sila? Oo napansin ko na yun nung akwe,na parang iba nga yung closeness nila pero akala ko naman na ganun sya sa lahat...argh,ang dami ko pang ligoy,curious ba kayo kung sino tong mga taong sinasabi ko?eto na talaga..
Flashback
"Ui Choi,nasaan na ba si rie?" Kulit ko sa kanya,ang tagal na kasi mula nung nagpaalam si Rie na kukunin yung gitara nya nakatulog na nga din si mang Gustin eh.
Hinintay ko sumagot si Choi pero wala akong nakuhang response. Tulog na din yata.
Nagaalala na ako kay Rie that's why I decided na sundan na lang siya. Hindi ganun karami yung nainom ko kaya makakaya ko pang maglakad.
Maingay pa rin sa loob pagpasok ko,maingat akong nagpunta sa may backstage,magugulo na kasi yung tao sa loob,pero wala namang nag aaway.
"Ayam mo para kang yung teasher ko!" Baluktot na sabi ni rie.
"Anong teasher?" Takang tanong naman nung kausap nya.
Nakarating na ko sa may backstage pero di ako tuluyang pumasok kahit na nakita ko na si Rie,hindi naman kasi sya nag iisa.
"Huwag mo kashi ako tawanan,hindi mo alam kung gaano ako naiinis na naging sya pa yung taong yun."
"That stranger I met a couple of years ago."
BINABASA MO ANG
CONFESSION TO A STRANGER (COMPLETED)
Ficción GeneralSimple lang naman ang gusto ni Rie sa buhay,ang makatapos ng pag-aaral,makapagtrabaho at magpakasal sa lalaking pinakamamahal nya...but then,may mga bagay talaga sigurong hangga't pinaplano mo,hindi natutupad...because the man of her dreams DIED...