Chapter one - We meet again...Stranger
"RRRRIIIIIIEEEE!!!"
Aray naman! Ang aga aga ang ingay ingay!
Napatakip na lang ako ng tenga.Makabasag eardrums si mudra ko.
"Aba!6:30 na. Anong oras ba ang klase mo ha? Malayo layo pa ang byahe mo kaya't bumangon ka na dyan!kung bakit kasi magdamag nagbababad sa computer tong batang to!" Sunod sunod na sermon ng nanay ko.
Patay!!6:30 na pala! Lagot na!
Dun palang ako tuluyang bumangon. Natense ako eh. One hour away pa kasi yung byahe pa-university galing dito sa lugar namin.
Ang bilis bilis ko na nagbihis. Sa bus na nga lang ako nagsuklay eh.Dun ko na lang din pinatuyo yung buhok ko (libre hairdry) bago i-hair net.
Pero laking inis ko nang pagdating ko sa school ay may maalala ako.
Shit! Nakalimutan ko yung I.D ko. Mahigpit pa naman yung guard pag monday. Kainis naman! Teka nga. Tetext ko na lang si Acin.
[To acin:
Inang,dalan mo naman ako ng i.d,hiram mo ko kay £hai,dito ko sa may shed..please,di ako makapasok eh.]
Mabuti na lang at nagreply naman agad sya.
[From Acin:
Okay.Wait me there.]
Tumayo na ko at nagpunta malapit sa may gate pero dun sa parteng matatakpan ako ng puno baka kasi makita ako nung guard at magkahinala pa sa balak kong pandadaya ng I.D ko.
"Ah miss,yung panyo mo nalaglag."
May biglang nag abot sa'kin ng panyo ko. Nakakahiya dahil nagpapulot pa ko.
"Thank y--"
Tuloy tuloy na yung lalaki na nakapulot sa panyo ko papasok sa school hindi na tuloy ako nakapagthank you. Mukha namang nagmamadali sya eh.
Pero bigla rin akong natigilan. Parang pamilyar kasi sa'kin yung boses nya. Parang--
"HOY RIE!!!"
"AY PALAKA!!!Bwiset! Nanggugulat dapat?"
Bigla na lang kasi sumulpot si Acin sa harap ko.
"Kanina pa kaya ako dito. Inaantok ka pa yata eh. O eto na! Kay EJ ko yan hiniram. Tara na! Baka dumating na yung bagong Clinical Instructor natin today. Ay wait! Nagpakita ka na ba sa guard?"
"Hindi pa. Wala nga kasi akong I.D!"
"Good! Buti na lang. Baka kasi magtaka yung best friend mong guard. Alam mo naman mainit mata nun sayo baka.."
"Ano na naman?"
"Baka may pagnanasa sayo kaya ganun." Natatawang nag peace sign pa sya sa akin bago ako hinatak papasok.
"Kaiba!Di bale nalang teh! Kilabutan ka nga."
---
Pagdating namin sa room. Tahimik na yung mga classmate namin na bihirang mangyari lalo na at wala naman kaming nakitang tao sa harap. Nagtuloy tuloy na lang kami sa pwesto namin.
"Anong meron?bakit ang tahimik nyo?" Takang tanong ni Acin.
"Oo nga!bagong buhay lang?" Na agad ko namang sinang ayunan habang umaayos sa pag upo.
"Dumating na yung bagong C.I sa Oncology." Mahinang paliwanag ni Ayena na ang tinutukoy ay yung bagong instructor na pumalit kay Mrs. Valdez sa pagtururo ng Oncology o yung mga topic na may kinalaman sa Cancer.
BINABASA MO ANG
CONFESSION TO A STRANGER (COMPLETED)
General FictionSimple lang naman ang gusto ni Rie sa buhay,ang makatapos ng pag-aaral,makapagtrabaho at magpakasal sa lalaking pinakamamahal nya...but then,may mga bagay talaga sigurong hangga't pinaplano mo,hindi natutupad...because the man of her dreams DIED...