Chapter Twenty Six- A day with you

127 5 0
                                    

Chapter Twenty Six - A day with you

Dahan dahan akong lumakad palapit sa balon,bahagya pa kong kinakabahan sa pag iisip na baka naligaw na dito si sadako.

Siguro naman takot sya sa liwanag diba? Natatawa ko na lang na sabi.

Nakaabot na ko sa balon at tahimik na umupo sa gilid nun. Hindi naman kasi nakakatakot dun dahil hindi yun kasinglalim ng mga karaniwang balon na tirahan ni sadako,sobrang babaw lang nun na halos tanaw na tanaw mo na yung mga baryang iniitsa ng mga taong humihiling dito.

Napagkatuwaan kong bilangin yung mga pisong nahulog sa kahoy na nakapagitna sa balon,hindi naman yun ganun karami pero alam kong imposible para sakin na bilangin yun,pero dahil naiinip ako sa paghihintay na dumating yung kasama ko,sinimulan ko pa ring bilangin yung mga yun.

Nalilibang na nga ako ng magulat ako sa tunog ng barya na nalaglag sa loob ng balon.

"You're counting those coins again. " Naiiling na sabi nya.

"And you had another wish again." Nakangiti ko namang balik sa kanya.

"Care to tell me what it is this time?" Dagdag ko pa.

Nagkibit lang sya ng balikat at inalalayan akong bumaba mula sa pagkakaupo.

"You're late."

"I'm sorry,matagal ka bang naghintay?"

"It's okay. Naenjoy ko naman yung sarili ko. By the way,where are we going now?"

"You'll see,just relax."

"Art... I hate surprises you know."

"Just this one Rie,just this one."

Tuluyan na nya kong hinatak palayo sa balon at inakay pasakay sa sasakyan nya.

Nagkwentuhan lang kami ng kung anu ano habang nasa byahe. Hindi ko alam kung saan kami pupunta at hindi na rin naman ako nangulit pa. Hinayaan ko na lang sya na magdrive habang nakikinig at paminsan minsang sumasagot sa mga biro ko.

"Nagblush on pa ko,magbabalat lang pala ko ng patatas."

"What?"

"Sabi kasi yun ni Lotti sa princess sarah eh,hindi mo alam yun?" Natatawa kong tanong.

Hindi talaga ko makamove on sa ginawang dubbing na yun na nakatag sakin sa facebook,puro kalokohan lang naman pero benta pa rin talaga yun sakin.

Mukhang natuwa rin naman si Art base na rin sa lakas ng tawa nya habang nagdadrive.

"We're here!"

Masyado yata akong nalibang sa pagkukwento kaya hindi ko namalayan na nakatigil na pala yung sasakyan namin.

"Art?"

"Yes?"

"We're here."

"Yes,right,nandito na tayo."

"Art!!"

Napasigaw na ako sa sobrang confusion,at sa hindi pagseryoso sakin ni Art.

Natatawa naman nyang hinila na lang yung kamay ko papasok sa lugar na yun..

"Arthur, it's good to see you pare."

Natatawang tinapik lang ni Art sa balikat yung lalaking bumati sa kanya,bago bumaling sakin.

"Remember her?"

"Canarie? Wow,it's been how many years?Six? Seven? Ang tagal nyong hindi pumunta ah.  Kumusta?" Natatawang pansin nya sakin sabay lahad ng kamay.

CONFESSION TO A STRANGER (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon