Chapter Four
Two years earlier...
BRYLE'S POV
Naglalakad na ko pauwi galing sa bahay ni tita Lana nang biglang lumakas yung buhos ng ulan.
Weird...pero sa halip mainis ay natuwa pa ko.
Bigla ko kasing naalala yung lolo ko.
Sabi nya,pag bigla daw umulan at wala kang dalang payong o wala kang masilungan,i enjoy mo na lang daw yung ulan,mas maganda na daw yun,kesa mainis ka pa at isiping ang malas mo.
Nakakatawa noh?Gustong gusto nya ang ulan,kaya naman kahit wala na sya,basta bumuhos ang ulan,naalala ko sya.
Yap!He passed away just last year.
Brain cancer,matagal din syang nakipaglaban sa cancer.Hanggang sa huli hindi sya sumuko.Hanggang sa huli lumaban sya.
After he died,mula sa pagiging pediatric nurse,nag undergo ako ng special training para maging oncology nurse.
Nakita ko kung gaano nahirapan ang lolo ko kaya naman ginusto kong lumipat sa mga taong sa tingin ko mas makakatulong ako,
Lumaki ako sa lolo ko,kaya naman,malaking impluwensya sa desisyon ko ang bawat sasabihin nya.
Isa sya sa mga sumuporta sa'kin ng sabihin ko na gusto ko maging nurse.,
nasa hanay kasi ng engineering ang pamilya ko kaya naman medyo tumutol yung tatay ko na mag iba ako ng propesyon,but,thanks to my lolo,kasi hinayaan nya ko sa gusto ko,tinulungan nya ko na matupad kung anuman ang gusto ko.ang sabi nya pa...
"Hindi naman kayo ang mag aaral,at maghihirap kaya pabayaan nyo na ang apo ko sa gusto nya!!"
Astig diba?!
Kaya sobra man akong nalungkot sa pagkawala nya. Masaya na rin ako,marami naman akong natutunan mula sa kanya at alam ko,masaya na sya kung san man sya naroon.
Nagpatuloy na lang ako sa paglakad,medyo humina na rin naman yung patak ng ulan pagdaan ko sa may park malapit sa bahay ng tita ko.
Walang gaanong tao sa daan,kung meron man,nagmamadali silang makasilong para hindi mabasa ng ulan..yung iba,napapatingin pa sa gawi ko,siguro nagtataka kung bakit parang nageenjoy pa kong mabasa ng ulan.
Tumigil ako saglit sa may tapat ng park..
Nakakatuwa kasing alalahanin yung kabataan naming magpipinsan dito kasama si lolo wes.
"Hay,ang bilis talaga ng panahon" Yun na lang ang nasabi ko.Dederetso na sana ko pauwi when someone caught my eyes.
I saw a girl sitting in one of the bench there,,yung katabi nung malaking puno ng narra..
Nageenjoy din ba syang mabasa ng ulan??
Nacurious ako kaya lumapit ako ng konti sa kanya.
Damn! The girl is crying.
Nakatingin lang sya ng deretso pero parang wala naman talagang tinitingnan,parang wala naman dun yung isip nya.
I decided to talk to her. I don't know,pero I have this feeling na nagsasabi na, this girl needs me!
Hindi naman sa nagpapaka super hero ako o kung anuman,pero,basta...
BINABASA MO ANG
CONFESSION TO A STRANGER (COMPLETED)
General FictionSimple lang naman ang gusto ni Rie sa buhay,ang makatapos ng pag-aaral,makapagtrabaho at magpakasal sa lalaking pinakamamahal nya...but then,may mga bagay talaga sigurong hangga't pinaplano mo,hindi natutupad...because the man of her dreams DIED...