Chapter Twenty Seven
We had the right love at the wrong time
Yun yung linya ng isang sikat na lumang kanta na karaniwan kong naririnig kapag nagkakahiway ang dalawang taong nagmamahalan dahilan na rin sa mga iba't ibang napakaraming rason na maaari natin isipin. Pero sa kabila nito naisip mo ba na baka naman it is or it was really not the time that is wrong but it's the opposite,it maybe the person. The love that is being talking about all through out your relationship. Baka naman kasi hindi talaga kayo para sa isa't isa. Kaya kahit anong tamang oras pa ang hanapin mo hindi mo yun makitakita dahil baka wala naman talagang tamang oras para sa inyo. Maaaring tamang tao ang meron at syang masasabi mong para sayo.
And I am not the right person for her.
Mapait akong napangiti sa naisip ko.
Love...sino nga bang nakakaalam kung ano ang tamang depinisyon ng salitang yan,pwede na ba tayong makuntento sa mga salitang Love is just pag-ibig? Love is just pagibig? Nakakatawa pero anong sagot ang makukuha mo sa mga salitang yun,sa huli parang nanatili pa rin yung tanong sa karamihan..walang sagot,walang tama,walang depinisyon."Kuya,are you sure about this? I thought you and Arthur alread---"
"Let's go?" Putol ko sa sasabihin pa nya.
"Kuya!!"
Napapagod na napalingon na ko sa gawi nya,ramdam ko na nakatitig lang sya sakin habang nakataas ang kilay tulad ng madalas nyang ginagawa.
Ang kulit talaga.
"Bianx,nag-usap na kami,kaya nga aalis ako diba?"
"Kaya aalis ka? Yun yung pinag usapan nyo? God kuya! Rie's getting married and that's all your gonna do? Leave?"
Tila nanlalaki ang matang sabi nya sa'kin.
"Why? Do you expect me to fight for her?"
"Dahil yun yung alam kong dapat mong ginagawa!"
"Ang tao lumalaban dahil gusto nyang manalo,dahil gusto nyang sumaya,at dahil may dahilan para lumaban sya. Bianx,she already made her choice,and it's him over me.. I can't blame her. I am not blaming her. Ano pa nga bang ipaglalaban nya pabalik? Para sakin? Wala Bianca,wala naman diba? I am accepting my defeat so you better do the same."
"Bulag ka lang kuya. Hindi ka tanga."
"Bulag nga ako,pero may pakiramdam pa rin naman ako,alam ko kung may dapat pa ba kong ipaglaban,at kung wala na. I can easily accept it just as long she is happy."
"Ugh! I hate you brother,if you wanna leave,leave alone!!!"
Naiinis na sabi na lang ng kapatid ko kasabay ng mga yabag ng paa nya palayo.
Napahugot na lang ako ng malalim na hininga bago nagpaalalay na sumakay na sa kotse na maghahatid sa akin sa airport.
And so I guess I am gonna leave alone.
---
"He's what Bianca?"
Sandaling natigilan ako mula sa paghahanap ng damit na hinihiram ni Acin sa akin pagkarinig sa pangalang sinabi nya.
Bakit tumatawag sa kanya yung kapatid ni Bryle?
"Saan daw sya pupunta?Ha? Ngayon na?Hindi ka sasama?"
Tuluyan na kong napatigil sa ginagawa ko at napatingin sa gawi ni Acin. Bawat reaction nya nagreregister sa utak ko.
BINABASA MO ANG
CONFESSION TO A STRANGER (COMPLETED)
General FictionSimple lang naman ang gusto ni Rie sa buhay,ang makatapos ng pag-aaral,makapagtrabaho at magpakasal sa lalaking pinakamamahal nya...but then,may mga bagay talaga sigurong hangga't pinaplano mo,hindi natutupad...because the man of her dreams DIED...