Chapter Sixteen
BRYLE's POV
"So totoo pala. Aalis ka na talaga?" Bahagya akong nagulat mula sa pag aayos ng mga gamit ko sa loob ng faculty pagkarinig kay Ronie. Nakapasok na pala sya pero hindi ko man lang namalayan.
"Biglaan yata?" Kunot noong dagdag pa nya.
"Pare nandyan na si ate Bless. Alam mo naman na temporary lang talaga yung pag i stay ko dito di ba? Bakit? Namimis mo na ba ako agad?" Natatawa kong biro sa kanya.
"Lul! Hindi noh,ayos nga yon eh mawawalan na ko ng karibal sa kagwapuhan dito" Ganting biro nya sa akin.
"Ganun? Di ko alam na may competition pala satin pare?"
"Biro lang,pero seryoso na talaga. Bakit ba nagmamadali ka. I mean nobody wants you out here. You can still stay. Saka mukha namang na enjoy mo talaga tong school year na to so bak--"
"I need to go Ronie.."
Bigla syang natigilan pagkarinig sa boses ko..hindi ko alam kung naramdaman ba nya yung lungkot sa boses ko o nanunuot lang talaga yun sa lamig pag pinakinggan.
"Minsan hindi porket kailangan natin gawin ang isang bagay eh nangangahulugan na rin yun na yun na yung gusto nating mangyari. Minsan ang kailangan ay ang pinakaayaw at iniiwasan. Hindi ko alam ang dahilan mo Bryle pero kahit na ano pa man yun.sana maging masaya ka..sana nga yan ang tama."
This time ako naman yung tuluyan ng napatigil sa ginagawa ko at tuluyan ng nahulog sa malalim na pag iisip.
"I need to leave!" Mahinang bulong ko pero narinig pa rin pala nya ko.
"Leave her? Don't look surprise na alam ko Bryle. Yes i knew it.. When? Well, since the day I saw you look at her."
Napailing na lang ako sa sinabi nya,wala ng dahilan pa para magdeny pa ako.
"Ito ang tama.."
"Ayan sige,convince mo pa yung sarili mo ha,mukang kulang pa eh. O sya pare..may klase pa ko..goodluck sayo at bilang huling payo lang, wag kang tumawa kung hindi mo kaya...mukha ka kasing tanga. Okay?" Nakangiti na nyang sabi bago tuluyang tumalikod at lumabas ng faculty.
Tuluyan na ngang nawala yung pekeng ngiti ko at natutulalang napaisip.
"You're wrong Ronie
I am just dont look stupid because I am actually stupid."---
"Sir Bryle..."
Natigilan ako sa paglakad papunta sa sasakyan ko pagkarinig sa boses ni Acin. Humugot muna ako ng malalim na hininga bago sya hinarap--- sila ni Choi na kasama pala nya.
"May problema ba Ms. Cruz?" Seryoso kong tanong sa kanila kahit pa nga may ideya na ako sa kung anong gusto nilang sabihin.
"Bakit Sir?"
"Anong bakit?"
Kita ko ang ginawa nyang mariin na pagkagat sa labi nya matapos ilang beses na nagbuga ng hangin. Habang si Choi ay nanatiling walang reaksyon ang mukha.
"Nawawala si Rie."
Hindi ko alam kung paano ko natago ang pag aalala sa mukha ko. O kung nagtagumpay nga ba akong itago yun. Peron sa nakitang reaksyon ni Cin palagay ko ay mukhang nagtagumpay akong ipakita ang ekspresyong tila wala akong pakialam."Wala man lang kayong sasabihin? Titigan nyo na lang ba kami? Nawawala si Rie and yet umaarte kayo na parang walang pakialam? Anong problema Sir Bryle? Anong nangyari sa pinag usapan natin nung nakaraan? Ano--"
"I'm leaving---"
"Yes we heard! Okay lang sana kung sa pagtuturo lang kayo aalis. Alam na namin yun. Pero hindi! Aalis kayo hindi lang sa eskwelahan pero sa bansa. You're leaving the country without saying anything. Wala kayong obligasyon sa amin. Pero sa kanya...
She is waiting for you. Kahit bigyan mo man lang sana sya ng katangga tanggap na paliwanag. Mahal mo---"
BINABASA MO ANG
CONFESSION TO A STRANGER (COMPLETED)
Ficción GeneralSimple lang naman ang gusto ni Rie sa buhay,ang makatapos ng pag-aaral,makapagtrabaho at magpakasal sa lalaking pinakamamahal nya...but then,may mga bagay talaga sigurong hangga't pinaplano mo,hindi natutupad...because the man of her dreams DIED...