Chapter Three - Don't know what will happen

603 18 1
                                    

Chapter Three -  Don't know what will happen

Choi's POV

Maaga pa lang nasa school na ko. Coding kasi ng kotse ko kaya nagcommute lang ako papasok. Actually,pareho lang kaming taga Overland ni Rie, yun ang tawag sa subdivision sa lugar namin. Kaso nasa bungad lang yung sa'min,sya naman medyo nasa may bandang dulo pa. At sa pagkakilala ko sa kanya sure ako hindi pa yun nakaayos. Late laging gumising kaya imposibleng magkasabay kami papasok.

Kaklase ko na si Rie Elementary pa lang kami. Hanggang ngayon na nasa fourth year na kami sa college ay magkasama pa rin kami. Parehong Nursing kasi ang kinuha namin.

Yeah! Pati course sa college pareho kami pero unlike her reason, I really don't like nursing at first,well i just chose it para makaiwas sa mga course na may math!

I really sucks in computation kaya hindi pwede ang kursong tulad ng engineering o kaya naman accountancy sa akin. Ayaw ko din naman ng mga luto-luto,magsaing nga lang nasusunog ko pa kaya iwas din ako sa ganung course.

Just like her,hindi rin ako yung tipong nag na-number one sa class. But still,i am one of the best,mas magaling pa nga ako kay rie eh,yabang noh? Pero di ko yun babawiin. 

Everybody seems to like me in class, ewan ko ba,parang I have this charm na nakakaakit sa iba,feeling nila sobrang mabait ako! Pero kung alam lang nila.

Lihim akong napatawa sa huling naisip.

Pagdating ko sa school ako pa lang yung tao. Expected ko na yun.Palagi naman ganun yung nangyayari. Kung may award nga lang ng pagiging maagang pumasok siguradong sa akin na yun mapupunta.

Pumunta na lang ako sa lagi kong inuupuan sa gilid ng room and started to type messages on my phone.

Mahilig akong makipagtextmate. Mga fling fling ganun.Nakakaaliw lang kasi. Mabilis na lumilipas yung oras ko pag ganun. Mabilis kasi akong mabored.

Busy pa rin ako sa pagtetext ng may biglang umagaw ng cellphone ko.

"Sinong katext mo ha?aga-aga e!"

Peste naman o!Si Lhai lang pala kasunod kong dumating. Isa sa tropa,and the strongest one. Kababaeng tao ang lakas lakas,hindi naman mataba or malaki ang katawan. Pero infairness malaki ang 'hinaharap nya' ha!

Ugali na nyang agawin yung bagay na hawak ko, yan ang pang asar nya sakin. Sinubukan ko ulit agawin sa kanya yung phone ko.Nagsisimula na kasi sya basahin yung mga messages ko.

"Hi babes!Good morning?---ang corny naman,iww lang!"

Inis na nailagay ko na lang yung palad ko sa mukha ko.

Nakikibasa na nga lang eh,palibhasa ang tangkad din kaya malakas loob mang asar nito,alam nya kasi hindi ko basta basta makukuha yun.

"O ayan na nga! Ang cocorny naman ng laman. Ano ba yan!" Asar nya pa sa akin.

Kinuha ko na yung cellphone ko,baka magbago pa yumg isip nya eh. Umupo na rin naman sya sa pwesto nya dun lang sa may harapan ng pwesto ko.

"Tayo pa lang ba?" Biglang tanong nya.

"May nakita kang iba?"

"Sungit!"

"Morning! bili tayong pagkain! Nagugutom ako e!"

And that's E.J! Kadarating lang pagkain agad.

But no!She's not fat.Kung tutuusin payat lang sya,hindi ko alam kung saan nya nilalagay yung kinakain nya. By the way,isa rin sya sa tropa.

Wala pa si Acin at si Kim,as well as Ayena,mas lalong wala pa si Rie.

Nagsisimula ng dumami yung tao sa room. Malapit na rin kasi magsimula yung klase.

CONFESSION TO A STRANGER (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon