Chapter 1: Leaving

36 3 0
                                    

"Ready ka na anak? Sigurado ako magugustuhan mo dun.."

Tiningnan ko lang sina Mama at Papa.. sigurado na ba talaga sila na gusto nilang gawin to?

I used to be alone..

At ayokong makisalamuha sa mga tao.. maiingay.

Mula 4 years old kasi hindi ako pumapasok sa school.

Just home schooled.. isa pa masyadong strict ang parents ko..

"Baby QZ hu-huwag mo naman kaming titigan.. nakakakaba anak.."

Umiwas na lang ako ng tingin sa kanila..

Isa pa yan, hindi ko alam kung anong meron sa tuwing tititig ako sa mga mata nila. Well I just wanna ask them through my stare but.. natatakot sila.

Even my naughty younger sis.

Tss. And that QZ.. I hate calling me Queen especially that Zerine.. too girly.. kaya sabi ko QZ na lang para hindi masyadong mahaba.

Queen Zerine (unfortunately)  Villamor is my name.17 years of age. First year college na and I will taking up Business Ad.

At ngayon, pwede na akong pumasok sa school/university. Dahil sa desisyon nina Mama.

It's not that I don't wanna be here, actually I love to be here, to be ALONE.

Mas nakakapag-isip ako ng maayos tungkol sa mga bagay bagay especially sa mga pinag-aaralan ko.

Kaya siguro marunong ako kumilatis ng mga sitwasyon, personality ng isang tao at mga pangyayari na madali lang naman solusyunan pag may problema..






"Anak, napag-isipan lang kasi namin ng Papa mo na malaki ka na, you're turning 18 right? Gusto naming matuto ka na tumayo sa sarili mong mga paa, just enjoy the life without us.. susuportahan ka namin sa lahat ng gusto mo, at sa lahat ng pangarap mo. Isa pa, madaming panahon na ang lumipas na nandito ka lang, well we just wanna make sure na ligtas ka.. kayo ni princess. May mga bagay kasi anak na mahirap intindihin sa ngayon.. we are doing this for the both of you.. for the good sake of our family."

Hearing those words by my Mama, nakakagaan ng loob.

I know their reason but I know, may iba pang dahilan.

Mga bagay na mahirap intindihin? Mahirap lang kapag walang idea.

Nginitian ko lang sila while grabbing my things.

"I understand."

Sumagot naman sila through their sweet smile. I'll miss my parents, especially Princess.. my little sis. Though she's so naughty and noisy..

"We will miss you Queen Zerine.. just this time Queen.. aalis ka na kaya pagbigyan mo na si Papa na tawagin ka sa TUNAY mong pangalan, anyway that Hilton University.. best friend ko ang may-ari noon and naayos ko na lahat ng dapat ayusin, you just need to attend the class. Be careful okay? Always remember that "we love you" okay? Just call us kapag may problema.. and here.. gold card for your financial goods"



My Papa. Hindi halatang isa siyang maaalalahanin at mapagmahal dahil sa kanyang aura. Sa unang tingin para siyang snob at walang pakialam sa iba but he's not. He's the best Dad ever.

"And here pa.. a crystalize wallet.. may laman yan for emergency in case kailangan mo ng cash.. I love you Baby Zerine, we love you.. please take care huh?"


sigh


Parang ayoko na umalis tuloy dahil sa magagandang mata ni Mama na malapit ng tumulo ang luha.. my Mama.. ang talkative kong Mama. Pero kahit sobrang daldal niya, lahat naman  ng sinasabi niya may sense.. and hindi siya nagkulang samin. Napakabait niya and she's the best cook.



"Don't mind me Baby, first time ka kasing mawawalay sa amin kaya hindi ako sanay.."

"Waaahhhhhhhhhhhhhhhhh Ate!!!!!!!!!! Don't leave me!!! Your goddess sister needs you!!!!!"



Napangiwi na lang kaming tatlo nina Mama nang marinig ang napakalakas na sigaw ng kapatid ko. Princess Zerane. Goddess huh? Well, she's beautiful.. kahit 14 pa lang hindi halata.. masyadong dalaga na ang itsura na parang 18 pero ang attitude daig pa ang kinder. She's naughty, noisy and childish. Pero mahal ko yan.

Thinking na aalis ako ngayon, sa nakalakihan kong lugar, at iiwan ang pamilyang mahal na mahal ko, sumasakit ang dibdib ko. Ang hirap umalis pero kailangan.


Cause I need to. Cause it's for my good sake.

Kailangan kong matutunan ang iba pang bagay, ang iba pang pamumuhay na hindi ko pa nararanasan.

Kahit lumipat pa ako ng tirahan at kahit malayo sa pamilya ko, gagawin ko para sa ikabubuti.

I'll take this opportunity though it's complicated.


"Don't worry, I'll be back. Christmas break I think? Well, I just wanna say na kailangan mong maging matatag ngayon para kina Mama cause Ate need to study, okay? For now, isipin mong mabuti ang mga bagay na alam mong tama. Even though malayo ako, may modern technologies naman para sa communication right? Like this phone, and other apps. i love you little sis. Don't be a cry baby na cause you're a big girl na. And Ma, Pa.. be careful po. I love you."

Pagkasabi ko noon ay sinalubong nila ako ng mahihigpit na yakap.

Ilang minuto pa ang lumipas, tiningnan ko muna ang bahay namin saka tumalikod at naglakad na palayo.

Our house is in the middle of the forest. Weird right? But wonderful.

Halos lahat ng view ay maganda at masarap langhapin ang sariwang hangin na humahaplos sa balat ko ngayong ako'y nakasakay na isang bisikleta.

May susundo daw sa akin paglabas ko ng gubat sabi ni Papa.

I just need to follow the right direction of this map which is so easy.

1 hour passed. Nakalabas na nga ako at tumambad sa akin ang isang Lambo at isang lalaki na sa tingin ko nasa late 40's na.

"Magandang araw Queen Zerine, ako po ang inyong magiging butler. Huwag kayong mag-alala dahil hindi lamang ako ang makakasama niyo kundi marami pa, lalo na sa bahay na titirhan niyo. "



Tiningnan ko siya na parang sinisigurado ko kung tama ba ang pagkadinig ko. Seriously? Madami akong makakasama? My parents knew that I want to be ALONE. Akala ko pa naman mag-isa na lang akong gagawa ng lahat.

"Ahh pa-pasensya na po Ms. Queen.. napag-utusan lang po ako ni Sir King.. hu-huwag po kayong mag-alala dahil maaari po kayong mapag-isa kung gugustuhin ninyo. Nandito lamang po ako at ang iba kong kasama para sa inyong kaligtasan dahil delikado po sa Maynila."

Mahabang paliwanag niya habang hindi mapakali sa kakaiwas ng tingin sa akin.


Pati ba siya natatakot sa titig ko?

Sigh

"It's okay. I understand po. Anyway, just call me QZ na lang po para madali, ayoko po kasi masyadong pormal and .. huwag niyo na po akong i-po dahil hindi naman kailangan. Mas matanda ka pa din po sa akin.."


Pagkasabi ko noon ay gulat na nakatingin siya sa akin. Bakit naman kaya?

"A-akala ko ay galit kayo.. kung iyon ang gusto mo, masusunod QZ.. maaari na ba tayong umalis?"

Napangiti na lang ako sa kanya.
Ngunit sa kabila noon ay lungkot.

Hindi ko bibiguin ang pamilya ko.

At sa huling pagkakataon, pinagmasdan ko ang daan na pinanggalingan ko.



"Maaari na po."

----

A/N: Hope you like it po. ^____^

StareTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon