"Self defense. Bukod sa paggamit ng utak, importante din kung paano pro protektahan ng isang indibidwal ang kanyang sarili. Hindi lang matalino ang mga kalaban, tuso din ang mga ito at magagaling sa combat. Kaya ka nandito upang magsanay, sinasabi ko sa iyo, sa oras na magsimula, wala ng atrasan. Kaya ka nagkaroon ng diet plan nitong nakaraang araw ay para sa iyong kalusugan. Alam kong may kakayahan ka, nagawa mo ang thinking process, pwes magagawa mo din ang combat challenge. Hindi basta basta ito, kung ikukumpara sa ibang pagsasanay ng mga tao, mas matindi ang gagawing training pagdating dito. Paano, handa ka na ba?"
Hinimay himay ko sa aking isip ang lahat ng kanyang sinabi. Pagpasok na pagpasok ko pa lamang sa black room, iba't ibang gamit kaagad ang nakita ko. Gamit pang laban, kung titingnan, parang susugod sa gyera ang magsasanay sa dami ng dapat pag-aralan. I don't know if I can do this. Simpleng self defense lang ang kaya ko, hindi ko pa nararanasan ang mag training ng ganito kabigat.
Tiningnan ko ang paligid ngunit wala akong nakitang ibang tao. Ako lang. Maybe the speaker again. Boses lalaki ang nagsalita kanina. Ngunit, paano nga ba ako magsisimula?
"Don't doubt yourself, just trust it. If I were you, pupuntahan ko na ang level one which is the stretching, may manual kung paano gagawin ang mga steps. But, mag-iingat ka sa bandang gitna ng level, may mga imaginary na kalaban ang susulpot. Be aware QZ. Paano, kailangan mo ng simulan."
Napahinga ako ng malalim. Great, tingnan ko pa lang ang level one na sinasabi, nalulula na ako. Ang daming kailangan gawin. Baka pagkatapos ko dito, hindi ko na magawa yung level two. Aish! Don't doubt yourself nga QZ!
Naglakad ako patungo sa pinaka unang level. Pinakiramdaman ko ang paligid, baka kasi may sumulpot agad.
Well wala namang kakaiba dito. Hinawakan ko yung manual at binuklat, first step, squat and bend your neck upward, raise your arms straightly. Do it for 3 hours. Rule: do not let your nerves break.
Nanlaki ang mga mata ko sa nabasa ko. Seriously? Step 1 ba talaga ito? Nakakamatay. Aish nakalimutan kong hindi nga pala normal ang mga estudyante dito. Pambi....hira.
Sa halip na magreklamo pa. Ginawa ko na lang. Huminga muna ako ng malalim habang dahan dahang ginagawa ang first step.
Shit. dahil sa posisyon ko ngayon, kitang kita ko ang timer sa itaas. Nakakasampung minuto pa lang ako. Gusto ko ng maglupasay. Pambi!
Pero kailangan kong sumunod sa rule.Konti na lang QZ.. konti na lang oh shit! wag please. Nararamdaman kong unti unti ng bumababa yung mga kamay ko, nanginginig na rin yung mga tuhod ko. Tumutulo na rin yung pawis ko sa noo papuntang leeg. Pambi talaga! First step pa lang ubos na ang lakas ko.
10
9
8
7
6
5
4
3
2
1...
Oh.. thank God natapos din pero hindi ako pwedeng bumagsak. Kahit gustung-gusto ko na humiga hindi pwede. Rule: do not let your nerves break.
Dahan dahan kong ibinaba yung mga kamay ko, iginalaw ko yung leeg ko at shit! Kailangan ko ng makakapitan para hindi ako matumba, nanginginig na yung mga tuhod ko sa sobrang ngalay.
BINABASA MO ANG
Stare
פנטזיהLumaki si Zerine sa isang tahanan na ang tanging kasama ay ang kanyang magulang at ang babaeng kapatid. Malayo sa lungsod at nasa kalagitnaan ng kagubatan. Nagdesisyon ang kanyang magulang na pag-aralin siya ng kolehiyo sa lungsod. Mahirap man pero...