QZ's POV:
"Maligayang pagdating Ms. Queen Zerine."
Medyo nagulat ako bago pumasok sa bahay na titirhan ko ngayon habang nandito ako sa Manila.
Isang dosenang kasambahay ang sumalubong sa akin habang sabay sabay akong binati. Nakapagtataka dahil lahat sila nakayuko.
Ayoko lang nung sinabi nila, masyadong pormal.
Mukhang wala yata silang balak tingnan ako dahil mga nakayuko pa din sila hanggang ngayon.
Sa labas naman bago kami makapasok ng gate limang guards ang naandoon at tila nagbabantay at inaabangan ang aming pagdating.
"Hiling ni Ms. Queen na QZ na lang ang itawag natin sa kanya at huwag siyang i-po. Ahh QZ tara na sa loob nang makapagpahinga ka at malayo layo din ang naging byahe."
Napatingin naman ako kay Butler Mike matapos niya yung sabihin. Tama siya, ayoko kasi nung ituturing ako na parang ang taas taas ko sa kanila, gusto ko patas lang ang lahat.
Tumango na lang ako sa kanya bilang sagot."Magpapahinga muna ako sandali. Maybe around 7:00 pm bababa ako to discuss some matters bago kumain ng dinner."
Sabi ko sa kanilang lahat pati na rin sa mga bodyguards na nasa likod na pala namin. Nakakapagod kasi ang byahe, 6:00 in the morning kami umalis kanina then dumating kami dito 5:48 pm na. Halos 12 hours.
"Ano kayang itsura niya? Bawal naman kasi tayong tumingin"
"Syempre maganda, boses pa lang parang anghel na, kaya lang medyo nakakatakot siya magsalita, ma awtoridad"
"Pero mukhang mabait.. "
Napakunot na lang ang noo ko sa mga narinig ko sa ibang kasambahay habang patuloy akong naglalakad patungo sa kwarto ko.
Bawal tumingin? At bakit naman? At nambola pa huh?
Sigh
Pinagmasdan ko na lang ang buong bahay, wala pang isang araw nami miss ko na sila Mama.
Too big, but fine.
May mga kasama naman ako kaya okay na rin to. Hindi ako masyadong maiinip.
Pagkapasok ko sa kwarto ko na sinabi ni Butler Mike kanina, namangha agad ako, light blue and cyan ang kulay ng lahat.
I just caught myself smiling from what I'm seeing.
Alam na alam talaga nina Mama kung ano ang mga favorite ko. Nakuha ng atensyon ko ang tatlong pinto..
I went to the first door which is the walk in closet, it's completely arranged. Clothes, dresses, shirt, skirt, jogger etc. even the shoes. Iba't ibang brand and style.
The second door is the library. Just Oh Em.. lahat ng books na gusto ko nandito. Academics, Action, Fantasy, Vampires.. etc. Also there's a huge study table.
And the last door is the comfort room.
Just a great room.
Namalayan ko na lang ang sarili kong papunta sa bilog na malaking kama upang mahiga. My favorite shape, hmm.. I'll take a quick nap. Just a minute.
Zzz..
Kriinnnnnngggggggggggg
Krriiiiiiinnnnggggggggggggg
BINABASA MO ANG
Stare
FantasyLumaki si Zerine sa isang tahanan na ang tanging kasama ay ang kanyang magulang at ang babaeng kapatid. Malayo sa lungsod at nasa kalagitnaan ng kagubatan. Nagdesisyon ang kanyang magulang na pag-aralin siya ng kolehiyo sa lungsod. Mahirap man pero...