Chapter 19: End of Training

15 0 0
                                    

QZ's POV:





plaaannnnnnkkkkkk





Splaaaaaaassshhhh





Wooosssshhhhhhhh






Boooggssshhhhhhhhh






Bangggggggggggggggg








Shiiiiiiinnnnggggggg
















Hindi ko alam kung ilang oras na akong nakikipagbuno sa mga nilalang na hindi ko alam kung ano at sino. They're invisible.







Hindi ko rin iniinda ang pagod, kahit gusto ko ng maglupasay sa sahig at mahiga hindi ko magawa, tuloy lang ako sa pakikipaglaban gamit ang natutunan ko sa step 1 at gamit ang mga napili kong weapon. Dagger, Bow and Arrow at Pistol Gun. Kakaiba ang power ng mga weapon na ito, di ko mapigilang humanga. Patagal ng patagal, palakas ng palakas ang enerhiya ng mga weapon ko at ewan ko ba kung guni guni ko lang pero parang pati ako ay patindi ng patindi ang lakas.






May tatama sanang fire bullet sa likod ko pero dahil naramdaman ko kaagad ang init noon kaagad akong nag bend sabay tumbling. Ngayon ko lang talaga napagtanto kung para saan yung nakakapagod na stretching kuno kanina.







Grabe, hindi ba sila nauubos? Ang dami ko ng napatay sa kanila, hindi ko na mabilang. Nadagdagan din ang thrill dahil sa kalagitnaan ng laban, biglang nagdilim ang lahat. Invisible na nga yung mga kalaban ko lalo ko pang hindi nakita. Ngayon ang ginagamit kong technique ay ang reflexes ko at matinding pakiramdam sa paligid.






Aaminin ko, nahirapan ako noong una pero nung tumagal nasanay na din ang katawan ko, kailangan eh, kung matatalo ako dito mapupunta lang sa wala ang lahat.






Isang circular motion ang ginawa ko habang pinapaulanan ng arrow ang bawat paligid, gamit ang mentality umangat ako sa ere sabay gamit ng pistol gun sa kalaban na alam kong aatake sa akin. Napangisi ako ng wala sa oras ng maramdamang bumagsak ang lahat ng kalaban na natamaan ko.















Dahil iilan na lang ang bala ng dalawa kong aramas, kailangan ko pang mag concentrate ng mabuti para makagawa ng panibagong mga bala, na gawa sa sarili kong enerhiya. Isa din yon sa mga natutunan ko ngayon, kaya kong makagawa ng isang bagay gamit ang enerhiya ko. Ngayon naiintindihan ko na, hindi din ako pangkaraniwan. Kagaya din ako ng mga taong nag-aaral dito, may kakaibang kapangyarihan. Pero sa ngayon yun pa lang ang nalalaman ko, hindi ko pa alam kung anong kabuuan ng lakas ko. Ginamitan ko sila ng combat dahil wala rin naman akong choice. Mamaya pa maglo loading ang mga bala ko.






Yumukod ako ng maramdamang may aatake sabay sipa ng paikot sa mga nilalang na alam kong nakapalibot sa akin. Pagtayo ko nagbend ako ng kaunti sabay suntok sa likod.






Walang katapusang pag-atake ang ginagawa nila kaya walang katapusang pag depensa rin ang ginagawa ko.






Para na akong bagong ligo dahil sa pawis na namumutawi sa buo kong katawan. Pero tuloy pa rin ang laban.






Hindi ako titigil, hangga't hindi sila tumitigil. I'm tired but i don't wanna give up. Kung kailan nandito na ako? A big no no.




















Naramdaman kong puno na naman ang arrow at bala ko kaya ginamit ko ulit ito para mas mapadali ang pag-ubos sa kanila. Nararamdaman kong paunti na sila ng paunti.






StareTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon