Chapter 14: DL

11 0 0
                                    

QZ's POV:

"Are you sure you don't have any problem?"

"Yes Ma. I'll hang up na po. May bibilhin lang po ako sa labas, some materials to do my assignment."




"Okay Queen, take care okay? I love you."


"I love you too."








Hindi ko piniling sabihin kina Mama ang mga nalaman ko. It's not that easy.




"QZ ayaw mo ba talagang magpahatid? delikado mag commute ngayon. Alam mo naman ang panahon."


I just smiled at Ate Jeng as an answer.
They are all standing in front of me pagkababang pagkababa ko ng hagdan. With those worried faces, including Butler Mike.




"I can manage myself so don't worry. I know how to handle some self defense. Gusto ko rin pong maranasan ang ibang ginagawa ng isang pangkaraniwang mamamayan and also to try new things."


"Pero QZ hindi tayo sigurado kung anong naghihintay sa'yo sa la----"



"Maaari ka ng umalis. Basta't huwag mo lamang kalilimutan ang mga payo namin, bumalik ka bago mag ala sais at huwag na huwag kang magtitiwala sa iba. May tiwala kami sa'yo at alam naming kaya mo na. Now go." Butler Mike immediately cut her off at biglang sinabi ang mga malalalim na katagang tinuran niya.






I gave them a warm smile habang pinapakita ang dagger na pinadala ni Daddy.




"Kapag may nagkamaling magtangka, meron akong panangga." I said while waving my dagger.





Bago makalabas tinanaw muna ako ng limang guards at sabay sabay na nag bow. Hmm so weird.







Bukas na ang deadline ng assignment namin pero wala pa rin akong nagagawa ni isang guhit.






It's just 3:00 in the afternoon. Wala kasi kaming klase ngayong hapon because of the meeting in the faculty.







Kaya umuwi muna ako at nagpaalam na gusto kong lumabas mag-isa. Walang hatid, walang sundo, walang kasama, ako lang.










Oh I miss this. Spend my time through myself is heaven. Well this is me, before.










Hindi naman ako masyadong nahirapan maghanap ng jeep dahil nadadaanan namin iyon minsan kung saan pwedeng mag-abang.










Yun nga lang hindi ako mapakali sa loob habang nakasakay, masikip kasi at naiilang ako dahil sa mga tingin na ibinibigay nila sa akin.







"Miss paki abot naman ng bayad" napalingon ako sa kanan ko at nakita ang isang babaeng nakataas ang kilay sa akin.






Kinuha ko na lang ang bayad niya at doon ko napagtanto na hindi pa pala ako nakakabayad.





This is so embarrassing. I can feel my shyness cause I can't even manage to ask. Tss.








"Amh.. m-agkano po ang bayad papuntabg mall?" I asked the girl beside me at mukha naman siyang nairita. Wrong move QZ.









"10 pesos miss. Ngayon ka lang ba nakasakay ng jeep?" She asked while staring at me. I can see the bitterness in her eyes but why? Ano bang ginawa ko? Hindi ko nga siya kilala eh.





StareTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon