QZ's POV:
"I w-ant m-ore.." pagkasabi ko noon nilagyan ulit ni Xycllo ng kanin ang plato ko. Nandito pala kami sa clinic ng H.U. Sa sobrang laki napagkamalan ko pang hospital. Nakaka walong tasa na ako ng kanin pero pakiramdam ko gutom na gutom pa ako. Para akong hindi kumain ng ilang taon.
Nakaka isang galon na rin ako ng tubig. Grabe ang takaw takaw ko ngayon.
Dahil masakit ang katawan ko, si Xycllo ang nag-aasikaso sa akin. Sinusubuan niya ako at pinapainom ng tubig. Nahihiya pa ako noong una pero dahil wala akong lakas hindi na ako nag-inarte. Hindi naman kasi ako bingi para hindi marinig yung binulong niya kanina. Bulong lang yun sa tenga ko, kaya hindi narinig ng mga kasama namin. Hayy Ang sarap kumain.
"Gosh QZ. You have no idea kung gaano kami natakot nung nahimatay ka sa huling stage."
Pagkatapos na pagkatapos kong kumain. Yan agad ang bungad sa akin ni Yanna. Nandito din pala silang lahat, si Zayn, Louise, Niall at Liam. Kanina ko pa napapansin na yakap yakap ni Louise si Yanna. What did I missed? Hmm..
Dahil nahihirapan akong magsalita, sinenyas ko na ituloy ang kwento niya.
"Nasa stage ka kung saan pinakamahirap dahil ang tanging kalaban mo ay ang iyong sarili. Halos lahat ng H.U. students dumaan na diyan, pero 7% lang ang nakakaligtas. Kaya yung iba, hindi pinapasama yung stage 3 which is very unfair but walang magagawa kasi nga they're scared. Pero.. may tiwala kami sa'yo. We know na kaya mong lampasan ang lahat ng iyon. Ang nakakagulat nga lang, nagawa mo siya sa loob ng tatlong araw lang which is very rare kasi tatlong linggo ang itinatagal ng iba para matapos ang stages."
Another revelation. God, thank you cause I'm still alive. Pero, totoo ba iyon? I did it in just 3 days? Ibig sabihin tatlong araw lang akong nag training? pero bakit pakiramdam ko ilang taon akong nakakulong sa black room.
"Because your strength is unique." Si Xycllo ang sumagot ng tanong sa isip ko.
"Yeah tama si ZX. Kakaiba ang lakas mo kumpara sa amin kaya hindi nakapagtataka na matapos mo ito ng maaga." Louise said.
BINABASA MO ANG
Stare
FantasyLumaki si Zerine sa isang tahanan na ang tanging kasama ay ang kanyang magulang at ang babaeng kapatid. Malayo sa lungsod at nasa kalagitnaan ng kagubatan. Nagdesisyon ang kanyang magulang na pag-aralin siya ng kolehiyo sa lungsod. Mahirap man pero...