Chapter 17: The Start

15 0 0
                                    

QZ's POV:






Inilibot ko ang aking paningin sa buong paligid. Puro puti ang nakikita ko, tila nasa isa akong kawalan na hindi alam kung anong patutunguhan.








Naglakad ako ng ilang metro ngunit ni isang tuldok ay wala akong makita kundi kaputian.








Dahil sa usapan namin ni Xycllo, ito ang aking magiging unang hakbang upang hasain kung ano ang aking angking kakayahan.








Ang thinking process. Isang pagsusulit na patungkol sa mga kaso, pangyayari at suliranin na dapat lutasin. Sa totoong buhay, higit pa rito ang aking makakaharap kaya mas mabuting maging handa.








"Sa gitna, isang tuwid. Sa kaliwa isang baluktot at sa kanan, isang baku-bako. Anong daan ang iyong tatahakin? Tandaan, dito nakasalalay ang iyong kapalaran. Pag-ingatan at pag-isipan ang magiging desisyon."







Isang malambing na boses ang aking narinig, matapos siyang magsalita, tatlong daan ang biglang lumantad sa aking harapan.







Buong buhay ko, ngayon ako nakaramdam ng kakaibang kaba, yung tipong mabilis at malakas ang aking tibok ng puso. Siguro dahil sa hindi ko alam kung anong sagot.. naguguluhan ako.








"Don't let your fear ruin you."









Isang bulong ang nakapagpakalma sa akin. Kung sino man siya, salamat sa kanya. Kumalma ako kahit papaano.









Sa gitna, isang tuwid na daan. Kung ikukumpara sa dalawang daan, ito ang pinaka perpekto, tuwid at patag ang daan na ito, mayroong maaliwalas na paligid, patag na damo at mga halaman tulad ng naggagandahang bulaklak.
Ngunit iba ang aking kutob, may nag-iintay na panganib kung ito ang aking pipiliin. Don't judge a book by its cover, sabi nga nila.








Sa kaliwa naman, isang baluktot na daan. Walang espesyal na makikita dito. Isang pangkaraniwang daan na baluktot. Ngunit.. iba rin ang aking kutob..








At ngayon, ang kanan na daan ang aking pinagtuonan. Kung titingnan, isang baku-bako na kung tawagin ay rough road. Nakakapangilabot ang paligid. Isang madilim na halos hindi na makita kung ano ang dulo.. ngunit.. sa tatlong daan na nasa harapan ko, sa kanan na daan na ito ko naramdaman ang kapayapaan.








I'll choose the right way.









Tinungo ko ang daan na papunta sa kanan. Pagtapak na pagtapak ko pa lamang sa unang baku-bakong kinalalagyan ng daan ay hindi ko napigilan ang pagtaas ng aking mga balahibo. Idagdag pa ang kakaibang lamig na nararamdaman ko.







Ngunit hindi ako nagpasindak. Tinuloy ko ang aking tinatahak. May mga naririnig akong mga huni ng kakaibang hayop ngunit di ko iniinda. Diretso lang ang aking lakad.








"I'm innocent Mommy. Please don't do this."








Isang nagmamakaawang bata ang nakita ko di kalayuan sa kinatatayuan ko. Makikita rin ang kanilang tirahan malapit dito. Ngunit, ang nakagigimbal na pangyayari ay ang pagbitin ng patiwarik sa bata habang nilalatigo. Napakuyom ako sa kamao ko.. tatakbo na sana ako upang tulungan ang bata pero.. naalala kong hindi ito ang tamang oras para magpadala sa emosyon.







Bakit niya ginagawa iyon sa bata?








"You liar! Siguro naman sa pagkakataong ito magtatanda ka na! Hindi kita pinakalaki upang maging magnanakaw!"








StareTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon