Chapter 4: Instant Popular

19 0 0
                                    

QZ's POV:

"Hey, dito ka na lang umupo.. may nakaupo na kasi diyan, err absent lang."

Tiningnan ko yung babae sa harapan ko habang kinakausap ako.. she's pretty, kind, fashionista? Hmm I think she's not pretending..

"Ahh.. okay If ayaw mo.. o-okay lang. But I just wanna say na wala pang nagtatangka umupo sa upuan ni King Ice.. err sorry"

Lalong napakunot ang noo ko sa sinabi at reaksyon niya. Seriously? Pati siya natatakot kapag tinititigan ko?

Sigh

Wait.. King Ice? Absent?
tuluyan na nag sink-in sa utak ko lahat ng sinabi niya..  may nakaupo dito pero absent lang, and base sa reaksyon niya,  parang natatakot silang umupo dito sa kinauupuan ko.. so ako pa lang ang nakakaupo dito bukod sa totoong nakaupo dito? Tss.


Kinuha ko na lang ang gamit ko at tumayo.. ngayon ko lang napansin na nakatingin na sakin ang lahat kanina pa.. nahihiya ako. Tss.

Hindi ko na lang sila pinansin at umupo na sa tabi ng babae na kumausap sakin kanina.

Ano bang sasabihin ko? Tss.

"I didn't know."

Sabi ko na lang tapos tinuon ko na ulit yung atensyon ko sa libro, medyo naiilang ako dahil ramdam ko na nakatingin pa rin sila sakin lalo na tong katabi ko.

Nilingon ko siya at.. bakit ganyan ang reaksyon niya? Gulat na gulat tapos nakanganga pa..

Napansin siguro niyang nagtataka ako kaya umiwas siya ng tingin at nagsulat na ulit. Weird, siguro di niya ine expect na uupo ako sa tabi niya.

Pinapagawa sila ng essay ni Ma'am Mercado. Our English teacher, sabi ko kanina pwede din naman akong gumawa kahit di ko napag-aralan yung mga lessons na na discuss na.. kaya lang ayaw niya pumayag.

Binasa ko na lang yung librong binigay niya. Madali lang naman pala yung mga na lesson na nila..

"Amh.. hihi I'm Yanna nga pala.."

Nilingon ko siya at, nahihiya siyang nakatingin sakin habang nakalahad ang kanang kamay.

Yanna hmm.. gusto ko mag-isa lagi. But mukha siyang makulit, baka lagi siyang sumunod at yun ang ayokong mangyari.. Ayoko kasi ng maingay, sayang lang yung kadaldalan niya pag kasama niya ako dahil di ko din naman pagtutuunan masyado ng pansin. Assuming ko rin noh? Wala pa ngang sinasabi eh, pero mukhang dun din yun pupunta.

Baka naman isipin niya ang rude ko. Ibababa na sana niya yung kamay niya but hinawakan ko to at nakipag shake hands.

"QZ"

"i thought hindi mo ko papansinin, hihi nakakatakot ka kasing tumingin.. anyway change
topic .. diba Queen Zerine is your name?"

She's noisy, parang si Princess lang.. and what did she said? Nakakatakot akong tumingin?  sigh

"I don't wanna called by that name.. "

Halata naman siguro na hindi ako interesado makipag-usap right?

"Okay. So QZ, tell me about yourself, you know we're friends na so we have to get to know each other dapat diba? Hihi"

Ang kulit. friends? Hindi ako interesado but hindi ko siya matiis. aish!

"May essay kayong ginagawa diba? just focus on your work and stop talking."

Pout

Oh Em.. she's cute.. Tss.

"Stop pouting."

"psh! Sige na nga mamaya na lang kita kakausapin, ang tahimik mo kasi, mukhang ayawmo makipag-usap.. anyway sabay tayo mag lunch mamaya okay?"

StareTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon