QZ's POV:
"QZ, nakahanda na ang almusal, nasa walk in closet mo na nga pala ang uniform na gagamitin mo."
Ngumiti lang ako kay Ate Jeng bilang sagot. Isa sa mga kasambahay. Nakakatuwa sila sa totoo lang, maasikaso at alam na ang gagawin kahit hindi ko na sabihin.
Nagpakilala silang lahat sa akin pagkalabas na pagkalabas ko ng kwarto ko. Medyo nagulat pa nga ako dahil saktong paglabas ko ay sinabi nila ang pangalan ng bawat isa habang maayos silang kahahelera.
Mabuti na lang at mabilis akong magmemorya.
Hindi ko nga akalaing magkakatunog at magkakahawig ang mga pangalan ng labing dalawang kasambahay. Sina Ate Beng, Deng, Feng, Jeng, Meng, Peng, Ring, Sing, Ting, Ving, Wing, at si Ying. At ngayon ay kanya kanya sila sa iba't ibang gawain dito sa bahay.
Ang limang guards ay halos ganun din. Sina Bong, Dong, Jong, Pong at Wong. Sabi nila ay magkakamag-anak sila at nakasanayan na sa kanilang pamilya ang mag pangalan ng ganoon.
"QZ, pinapabigay ng Papa mo.. incase daw na kailanganin mo.."
Ngintian ko lang din si Tito Mike bilang sagot at tinanggap ang dagger. Baka nga magamit ko ito.
Nagsimula na kaming kumain ng breakfast habang ang iba ay nagkwekwentuhan. Tulad nga ng sabi ko kagabi, gusto ko pantay pantay kaming lahat dito, nawala na din ang ilangan ng iba na ikinatuwa ko.
5 minutes passed. Natapos na ako at tumayo na ng tuluyan sa upuan.
"QZ, nandito ang lahat ng kailangan mo para sa school. Schedule at iba pang requirements kung kailangan."
Nakakatuwwa talaga sila, sabay sabay pa talaga sila nang sabihin iyon.
"Salamat Twelve.. pakilagay na lang muna sa sala.."
Sabi ko na lang at dumiretso na ako sa kwarto ko para maligo at gawin ang iba pang ginagawa ng ibang estudyante bago pumasok.
Yeah, It's monday at 9:00 am pa ang pasok ko.
Thinking na makakapasok na ako sa isang university, magagawa ko na ang nagagawa ng ibang student. Kakaibang kaba ang nararamdaman ko. Ano kaya ang mangyayari mamaya?
Dahil sa pag-iisip namalayan ko na patapos na pala akong maligo. 20 minutes I guess? Bumaba na ako at ready na lahat ng gamit ko. Kinuha ko na din ang brown envelop na nasa sala then nilagay sa bag ko.
I glanced at the mirror while grabbing my things. New uniform, new black shoes, bag and school supplies. This is it.
"See you QZ and keep safe" the twelve
I just smiled at them then dumiretso na ako sa garage kung saan naandon si Tito Mike.
"Are you ready?"
"Yes"
Hilton University. Hope they would like me though gusto ko mapag-isa lagi.
Habang nasa byahe chineck ko yung phone ko hoping na nakatanggap ako ng messages kina Mama. And tama nga ako..
Take care anak huh? Just enjoy your first day. Be nice and friendly. -Mama
Nice? Okay lang, but being friendly? I don't think so.. Hindi kasi ako sanay um-approach depende na lang kung close sa family, at least alam ko na mapagkakatiwalaan.
Keep safe Queen. We love you.
-papaI missed them, my Mama, my Papa.. sigh I'll do my best para hindi sila mabigo.
BINABASA MO ANG
Stare
FantasyLumaki si Zerine sa isang tahanan na ang tanging kasama ay ang kanyang magulang at ang babaeng kapatid. Malayo sa lungsod at nasa kalagitnaan ng kagubatan. Nagdesisyon ang kanyang magulang na pag-aralin siya ng kolehiyo sa lungsod. Mahirap man pero...