Prologue

24.3K 826 103
                                    


I've been thinking about her. Karen.

Kahit na matagal na ang panahon ng trahedya, hindi pa rin mawala sa utak ko ang mukha niya, ang ngiti niya at ang amoy niya. The mystery in her just captivated me.

She's the mystery I loved to love...

Kahit na bihira itong magkwento tungkol sa pamilya niya, I still trusted her... and loved her.

I miss her.

Naputol ang pagmumuni-muni ko sa notification email. Nang ituon ko ang aking atensyon ay bumalandra saakin ang Employee Engagement Team ng Montellano Online Shopping.

Nabuwisit ako sa laman ng e-mail ko. Puro mga pakulo galing sa employee engagement. Another riddle was sent by the team. Buburahin ko na sana ang email na 'yon nang bigla na lang itong bumukas at tumambad saakin ang isang riddle about death. Isang marka ng bungong may nakatusok na dalawang espada ang nasa itaas ng riddle. The image is quite intriguing, so, I took time to read the e-mail.

In LRT 1 Central Terminal Station, a body was found dead inside the ladies rest room.
There are six suspects identified "Minalyn", "Andreas", "Haliya", "Ryanne, "Thrina" and "Rielle".

1b2f3l4e --that's the murderer's name left by the victim written on the mirror.

Solve the mystery name before everything ends! Your timer starts now.

Pagkatapos kong basahin ang riddle na pinadala sa mga empleyado ng kompanyang pinagtatrabahuan ko, bigla na lang nagpop-out ang isang malaking timer sa monitor ng hawak kong MacBook. 168 hours in red bold font.

Napakunot ako ng noo. What the hell? Pagkurap ko'y biglang nagkaroon ng electric short circuit na dahilan ng pag-flicker ng mga fluorescent lamps sa dingding. Naalala ko ang pinanood ko kamakailan na horror film na Annabelle.

Napatili ang ilan sa mga babaeng empleyado sa 31st floor ng Montellano Towers. Ilang segundo din na patay sindi ang ilaw sa opisina. Biglang tumigil ang pag-andap ng mga ilaw. Maski ako'y napakapit sa handle ng kinauupuan kong swivel chair. If this was a kind of prank, the prankster was doing really well!

Natigilan ang lahat!

What the heck is going on?

Halos magtinginan ang mga naroon. 'Yong iba'y napatayo na sa kani-kanilang cubicle.

"Vlad, anong nangyari?" tanong saakin ni Natas, ang isa naming junior sales associate.

Hindi ako nakasagot kaagad sa sobrang gulat.

"Calm down everyone! Tumawag na ako sa facilities office. May inaayos lang daw sila East wing ng 30th floor," biglang singit ng boss naming si Mrs. De Guzman, may kaliitan ito kaya kinailangang tumayo ng iba para makita siya sa pintuan ng kanyang opisina. "Now get back to work and pretend as if nothing happ-"

Hindi na natapos ng ginang ang kanyang sasabihin dahil sa biglaang pagyanig ng gusali. Lumindol ng malakas at halos matumba ako sa kinauupuan. Mabuti na lang at napakapit ako sa pinakamalapit na cabinet na nasa loob ng aking cubicle.

Kasali na ito sa kapalpakan ng maintenance?

Tumigil din kaagad ang lindol matapos magsibagsakan ng mga kagamitan sa buong 31st. Hindi tumigil sa pagtili ang mga kababaihan lalo na nang biglang mamatay ang mga ilaw at tumunog ang alarm bells sa bawat sulok ng building.

Shit! Something's wrong!

Naisaloob ko habang pinipilit tumayo ng diretso. Nakabukas pa rin ang hawak kong laptop at naroon pa rin ang tumatakbong timer --167:53:06 hours.

This isn't serious! Anong kalokohan 'to? Naisaloob ko. I was almost convinced to this joke. Almost!

The timer moved to the upper left pane of my computer. Sumulpot sa gitna no'n ang marka ng bungong may dalawang espadang nakatusok. Sa ibaba no'n ay naulit ang huling linya ng riddle kanina 'Solve the mystery name before everything ends!'.

Right at that moment, as the clock continued ticking, I know right from my guts that something wrong was going to happen.

###

30 DoorsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon