10th Door

5K 309 57
                                    

"Isn't it sad that so often it takes facing death to appreciate life and each other fully?"

-Esther Earl

*** 

My legs were weakened by the unbearable exhaustion. My body was a mold of trembling container that carries my empty soul. My heart, torn and shredded into pieces, almost never beating. My mind was a cage of thoughts, those of the nostalgic flavors, of happy memories and sad ones.

I knew I will no longer survive tomorrow. I was already weak.

Just one more kill. Just Larryson; then I can go. Mariin kong bulong sa sarili habang papasok ng exit door.

Good thing at pagpasok ko ng 10th floor ay bumungad saakin ang isang malaking stockroom. Isa ito sa stock room ng MOS kung saan nanggagaling ang office supplies ng buong building.

Mabilis kong ginalugad ang buong room. Kaagad kong nahagilap ang isang malaking berdeng bote ng alcohol. Napalunok ako nang sumagi sa isip ko kung gaano kahapdi ang idudulot no'n sa balat ko.

Mahigpit ang pagkakahawak ko doon habang sinusuri ang buong corner ng medical supplies. Natagpuan ko sa isang malaking kahon na nasa ilalim ng isang cabinet ang malaking rolyo ng benda.

Bumuga ako ng hangin mula sa aking baga bago ko hinablot iyon at kaagad na hinubad ang nakaririmarim kong kasuotang puno na ng dugo. Halos mapaigtad ako sa kirot ng sugat ko sa balikat at likuran.

Binuksan ko ang alcohol at muling huminga ng malalim bago ko kinagat ang handle ng hawak kong espada.

Sa isang mabilis na iglap, ibinuhos ko sa aking sugatang bahagi ang isang buong bote ng alcohol. Pakiramdam ko'y mangingisay na ako sa sobrang sakit. Dumiin ang mga ngipin ko sa espada at halos maluha ako habang tinitiis ang sakit.

Dahil sa matinding training na binigay ng Infinite, mabilis kong nabendahan ang sugat ko. Balot na balot sa benda ang pang-itaas kong katawan.

Palayo na ako mula sa medical supplies nang sumalubong saakin ang isang bulto ng katawang matagal ko nang gustong gilitan --si Larryson.

Blanko ang mukha nito. Hindi ko mawari kung ano ang nilalaman ng dibdib nito. Sumandal ito sa kabinet na nasa kanan ko. Tahimik na nagmasid.

Umigting ang panga ko. Humigpit ang hawak ko sa katana habang humahakbang siya palapit saakin. 

Wala itong dala ngunit napansin kong may nakasukbit an baril sa kanyang tagiliran. Namumugto ang mga mata niya. Malamlam ang titig ng gwapong mukha nito. Humahapyaw sa isipan ko ang mga oras na ako lang ang nagmamay-ari ng atensyon niya.

"Satana..." he called. I heard the sadness in his voice. No sound of anger. Just grief.

"Now you feel the pain. The same pain you made me feel when you let Kid die." I hissed. Napahawak ako sa kabinet na nasa kanang bahagi. Mahigpit pa rin ang pagkakapulupot ng kaliwang kamay ko sa espada.

"Yes. I feel the pain. All the deaths. All the pain added up and I'm now a mold of sorrow." His jaw tightened. His teeth seemingly clenched. His grip on the wooded cabinet with pressure.

"You deserve it. You made us kill everyone. You killed everyone."

"I hope your happy. Kahit na alam mong nakakulong ako sa isang tungkuling hindi ko matakasan."

30 DoorsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon