7th Door

5.2K 303 24
                                    

Many people will walk in and out of your life, but only true friends will leave footprints in your heart.

Eleanor Roosevelt 

***

RIELLE

The gunman almost got me! Halos mahimatay ako sa sobrang kaba lalo na nang sumabog sa harapan namin ang ulo ni Miss Ryanne.

Nakakaloka! Parang hindi ko na kaya. Hindi ko alam kung pusa ako sa past life ko o sadyang swerte lang ako dahil umabot ako sa 7th floor. I survived twenty three floors! 

All those that happened for the past four days. Was those part of the perfectly plotted massacre na hindi ko mawari kung ano ang dahilan? Ayokong gambalain pa ang iba tungkol sa naiisip kong baka naipit kami sa gitna ng isang business war o mafia wars dahil baka nag-isip na naman ako ng kawirduhan. Mina wouldn't like it. Everyone on this floor wouldn't be pleased. Magmumukha akong baliw sa mga teorya ko --as usual.

But sometimes, if not always, my guts are true. Maraming beses ko nang napatunayang ang kutob ko ay almost accurate. 

Halo-halo ang laman ng isip ko habang hinahabol namin pababa sa seventh floor si Larry --ang killer na siyang may pakana ng lahat. Pero sigurado ako, hindi lang siya ang killer. Hindi lang sina Mildred, Maddie at Satana. Someone more powerful was behind this.

The whole set-up --the puzzles, subways, secret doors, riddles. Everything was created by not just five people but many. Kaya naniniwala akong may sindikato sa likod ng mga kaganapan. 

But to what extent?

Papaano nila naatim na pumatay ng halos limampong katao? Hindi kaya terorismo ang nasa likod nito? 

Gulong-gulo ako!

"Stay five meters behind!" Malakas na sigaw ni Andreas na tila naalerto at sinapian ng isang sinaunang assassin. Hindi naman ito ganito sa mga naunang floors. Naalerto lang siya kanina nang namatay si Miss Ryanne. Mukhang matagal na siyang nagpipigil na ipakita ang tunay niyang pagkatao --isa iyon ay ang pagiging alerto at maliksi niya. 

Hindi nakinig sa kaniya si Zyril, isa pang misteryosong babae. Bumaba hanggang sa paanan ng hagdanan si Zyril habang si Andreas ay hindi mapakaling ikinalat ang tingin. His knuckles were hardly gathered together. Mukhang doon niya inipon ang lahat ng gigil niya sa katawan. 

"Why are we even looking for Larryson here? Hindi ba't sa plenum galing ang bala? He's definitely upstairs!" Dinig kong giit ni Mina. Nakahawak pa rin ito sa braso ko na tila takot na takot sa muntikan ko nang pagkamatay. 

Narinig ko namang sumagot si Vladimir mula sa likuran namin. "We only have less than sixty-eight hours to get down. Satana mentioned that we must get to the ground before we ran out of time."

"Tama si Vlad, we're not running after Larryson. We are running to beat the time. If he gets on the way, there is nothing better we can do but kill him." Andreas agreed. Humakbang ito papasok sa seventh floor habang nakawarning sign pa rin ang kaliwang palad nito. 

Nagbago ang aura ng mga tao sa paligid. Maliban sa kaibigan kong si Mina na poker face lagi, naging mas seryoso ang kanina'y war freak na si Andreas. Tila naging isang ahente naman ng NBI si Zyril pati na rin si Vlad. 

Had they been this way since this massacre started?

"Let's keep going. Watch each other's back while Zyril and I try to figure out how to get to the ground before all of us turn into specks of dust here." Untag ni Andreas na patuloy sa pagmamasid sa paligid. 

30 DoorsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon