28th Door

10.7K 389 97
                                    

"Three may keep a secret, if two of them are dead." ―Benjamin Franklin

***

Based from what has happened, it made me want to forget what I've seen in the movies. In the movies and TV, they always talk about the eyes. 'If someone can't look to you straight, they are lying.' That might be true for some people, but it must be remembered that there are some who are scared or nervous, not because they are lying.

Tila walang buhay ang mga gusaling nakapaligid sa MOS tower. It's as if tye entire Avenue and neoghboring avenues from where this building stands have been shut down instantly.

There is no help. We tried to get one. Many times. Pero parang dead end ang lahat. It's like we're trapped inside a psycho's game and we're all his players. Wala kaming dapat gawin kundi sumunod para mabuhay.

This is real. It is starting to sink in! It is fucking real! Halos manikip ang dibdib ko sa pag-amin na totoong nangyayari ang lahat. Ano itong pinasok ko?

Para na akong baliw. Hindi ko na alam kung ano ang realidad sa hindi. Hindi ko na matimpla ang tamang emosyon sa normal na sitwasyon! This is so instant!

I have to survive it though. I have to...

I have to find each individual's baseline for truthfulness. Kailangan ko silang makausap isa-isa. Pero paano ko mahuhuli ang killer sa grupong ito kung alam niyang ako mismo ang naghahanap sa kaniya at alam niyang siya mismo ang hinahanap? I need to do some research about each individual. I need to get an access to the HR's database. But how?

Nilibot ko ang aking paningin nang makarating kami sa 28th floor -ang isa sa tatlong dining and recreational floors ng Montellano Towers. May isang malaking cafeteria sa floor na sakop ang halos kalahati ng 28th. Nasa kanang bahagi ang gym at sa kaliwa naman nito ang dalawang paikot na kiosk kung saan may mga nakahilerang units ng computer. Ang ilan sa mga 'yon ay inokopa na ng ilang mga empleyado. Marahil ay nagbabakasakaling makahingi ng saklolo sa kung sinomang nasa labas.

I even saw Thrina writing 'SOS' on the window pane with a bottle of tomato sauce. It's a desperate move.

Sino sa mga empleyadong ito ang konektado sa '1b2f3l4e'?

I only have the files of the interns and my sales agents. Una sa listahan, Deedrae Schreave, 18, college intern na wala pang isang buwan dito sa MOS. She gears up like a rock star dahil lagi itong nakaleather jacket. She's a part-timer at lagi siyang wala sa opisina. It could be possible na kaya siya lagi sa labas ng opisina ay para pagplanuhan ang lahat ng ito. I caught her once peeping on my laptop which gives me one reason para pagdudahan siya.

Rielle Sison, Minalyn Itoshiki, Nyl Carosa -these are my interns. Rielle has been marked 'X' kaninang sinagot ko ang pangalan niya. Pero hindi pa rin nawawala ang pagdududa ko sa kanya. Minalyn has been acting weird lately. Kahit kanina'y parang alam niya ang mga nangyayari. Her reaction was not consistent since day one. Or talagang gano'n lang siya? Nyl Carosa, she's the aloof type. Wala akong alam sa kanya bukod sa isa siyang intern. She likes wearing clothes bigger than her actual size. Lagi kong nakikita ang tatlong ito na nag-uusap sa isang sulok at kapag naaabutan ko sila'y bigla silang tumatahimik.

Pagbaling ko sa may diner kung saan may bakanteng pwesto ng concessionaire, napansin kong abala sa pagsisilbi ng pagkain ang janitress na si Mildred Cortez. Nasa early twenties ang edad nito. Mapagpakumbaba at magalang. Lagi kong nakakasalamuha si Mildred. Mabait siya at alam kong hindi nito kayang gumawa ng masama sa kampa. She's definitely not a suspect. Kung may isa sa mga taong gusto kong mailigtas sa pagkakataong ganito, isa si Mildred sa mga iyon.

30 DoorsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon