23rd Door

6.3K 296 63
                                    

Suspicion always haunts the guilty mind. -William Shakespeare
***

Rapid gasping. Repeatedly. Nervously. Nonstopping like the world never spare a second to let me suffer. Walang riddle, o puzzle o mathematical equation ang bumungad saakin sa main door ng 23rd floor.

Naabutan kong nakaupo sa lobby ang magkaibigang sina Rielle at Minalyn. Tila hindi nila ako napansin nang buksan ko ang main door at pumasok sa mismong stock area ng MOS.

Ang 23rd floor ang isa sa mga stock floor ng Montellano Towers. Paminsan-minsan napapadpad ako sa lugar na 'to para mag-update ng weekly inventory. This floor is the undergarments storage.

"Tang ina mo!" Isang malakas na sigaw ang bumungad saakin pagpasok ko sa stock room. Boses 'yon ng operations manager na si Sykyoe. Mukhang nagkakainitan ang lalaki at si Larryson.

Naabutan kong nagpupunas ng dugo mula sa pumutok na labi si Larryson. Nakaharang sa harap nito si Andreas at Simond habang si Sykyoe ay halos yakapin na nina Kid, Nathan at ng ilan sa mga naroon. Hirap pigilan ng mga ito ang lalaki dahil malaki ang pangangatawan nito at may katangkaran.

"Guys! Stop it! Ano ba kasing nangyari?" Michonne managed to control her voice pero halata pa rin ang panginginig sa boses nito. Pumagitna na ito sa dalawang nag-aaway na lalaki.

"You asked that brute boss! Pamilyado siyang tao pero may gana pa siyang landiin si Maddie!" Pasigaw na sambit ni Sykyoe. Tinangka uli nitong sugurin si Larryson pero kaagad naman siyang napigilan ng mga nakapalibot sa kanya.

Larryson moved away from the crowd. Mukhang kalmado lang ito at hindi sanay sa eskandalo kaya nagboluntaryo na itong lumayo. Sinundan ito nila Andreas at Thrina.

"Syk, ano ba? Itigil mo na 'to!" Awat naman ni Maddie sa lalaki. Maluha-luha na ang babae habang nakaharap kay Sykyoe.

"You tell him Madz! Akala ko ba okay tayo? We've been secretly dating for three months! Tapos ngayon malalaman kong nakikipaglandian ka sa may asawa? What the hell! Siya ba ang dahilan kaya ayaw mong maging public ang pagdi-date natin?"

"Stop it Syk!" Bulyaw ni Maddie sa ayaw paawat na lalaki.

"Masarap ba siya? Masarap ba?" Tinangkang lumapit ng lalaki kay Maddie. Nanlilisik ang mga mata nito at tila galit na galit.

Ilang pulgada pa lang ang layo lalaki mula kay Maddie ay mabilis nang lumipad ang palad nito padapo sa mukha ni Syk. Isang malutong na sampal ang gumimbal sa mga nakasaksi. Walang nakaimik ilang segundo pagkatapos ng eksena.

"I missed my favorite TV drama last night. But look what we got." Napahagikgik pa si Satana sa likuran ko na tila natutuwa sa mga pangyayari. "Ang lutong ng sampal. Parang chicharon. Eto kasing si Sykyoe, medyo aanga-anga. Obvious namang ginagamit lang siya ni Maddie dahil sa pera niya. Assuming masyado."

Nilingon ko si Satana na nakangisi pa habang pinapanood sina Maddie at Sykyoe. Nahila na nina Nathan si Sykyoe palayo kay Maddie habang ang huli'y nagtungo na sa isang sulok para pakalmahin ang sarili.

"Maddie just cheated on someone who was so willing to do anything for her. She actually cheated on herself out of true loyalty." Satana uttered habang inaayos ang sarili sa likuran ko. Tumabi naman sa kanya si Athena na tila interesado sa topic.

"So, sa tingin mo hindi talaga sasagutin ni Maddie si Syk? Kawawa naman si sir Syk, mukhang loyal pa naman siya." Siniko ng nurse si Satana.

"I could use a chitchat right now nurse Athena. Why don't we find a perfect place para sa session natin? Doon tayo sa mga lingerie." Mukhang nakahanap ng makakachismisan si Satana. Hinila nito ang nurse sa bandang stock bay ng undergarments for women.

30 DoorsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon