11th Door

5K 297 91
                                    

Be careful when you cast out your demons that you don't throw away the best of yourself.

Friedrich Nietzsche

***

This was definitely a suicide. Going against the Infinite was suicide.

But I will make it meaningful if it's the case.

Nagpagulong-gulong ako sa semento para makaiwas sa sunod-sunod na pag-atake ni Mildred.

Naalaa kong halos sabay kaming nakapasok sa Infinite noon at lagi kaming pinagtatapat sa sparring. Lagi niya akong nauungusan sa sword combat. Malakas siya. Maabilidad.

Nag-aral ito ng mixed martial arts at wushu sa isang kilalang assassin institute sa Tokyo. Ang pagiging mahirap nito sa mata ng lipunan ay bahagi lamang ng pagpapanggap niya. It was all for a show.

A wolf must hide in constant under a sheep's clothing by wearing it more convincingly. Mildred was one of Infinite's asset. I was always second best.

Mataas ang naging pagtalon nito sa ere with both her hands holding the mighty blade. Nanlaki ang mga mata ko nang hindi ko halos mabasa ang susunod na galaw ng espada.

Gumulong ako pakaliwa with my katana's blade consistently covering my back. Dumapo ang espada ni Mildred sa espada ko. Malakas ang pagkakahampas no'n kaya ramdam na ramdam ko ang pagdampi ng patalim ng sarili kong espada sa kanang braso ko kung saan nakamarka ang infinity symbol.

Napadaing ako sa sakit. I ducked down and rolled my body with my head going first. Pero huli na nang muling matapyasan ng patalim ni Mildred ang likuran ko.

Napasigaw ako sa sobrang kirot. Pakiramdam ko'y binalatan ang buong likod ko.

Pagtayo ko'y dumaloy ang masaganang dugo mula sa balikat at likod ko hanggang sa mga binti ko pababa sa semento.

I was loosing too much blood. Hindi ko pa napupuruhan ang impaktang si Mildred. Kaya ko pa, bulong ko sa sarili.

"You're always behid me, Satana. Hinding-hindi mo ako matatalo." Mayabang na sambit ng babae ba nagsinula na namang humakbang palapit saakin.

Mas bumilis ang takbo ng mga paa nito habang hawak ang parehong kamay nito ang duguang espada. Napaluhod ako na tila susuko na sa kalaban pero hindi iyon naging dahilan para tumigil si Mildred.

I will never be beheaded no matter what.

Ilang metro bago tuluyang makalapit si Mildred ay ipinahid ko ang aking espada sa bumahang dugo sa paanan ko. I gathered as much blood as I can.

Then.

As Mildred ran for a kill, I created a forward slash to splatter the blood on my sword towards her face, specifically her eyes.

It was a chance I was not allowed to miss. I did it. Nabuhusan ng ilang patak ng dugo ang mga mata ng babae dahilan para hindi nito makita kaagad ang ang mga galaw ko.

Sa isang mabilis na iglap, nagpadausdos ako palapit sa hindi makakitang kalaban at buong lakas na itinarak ang espada sa lalamunan nito. Lumabas ang duguang dulo ng patalim sa ulo ni Mildred.

30 DoorsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon