"Life is all about losing friends, the people you know. So, just that you get better at finding the ones worth suffering for."
―Mohit Kaushik***
HALIYA
Madilim na sa labas. Sa hinuha ko'y malalim na ang gabi. Nagsisisi akong sumama ako sa mga boss ko. Alam kong mali ang sagot pero gaya ng dati, nakuha ako sa tingin ni boss Michonne. 'Yong tinging parang pagmamay-ari niya ang buhay at kaluluwa ko kaya kailangan ko siyang sundin.
Araw-araw ko talagang sinusumpa itong boss ko. Araw-araw ko siyang kinakalbo at sinasampal sa isip ko. Ang sarap manampal ng boss!
Sinubukan kong humakbang para hanapin sina Miss Michonne at Miss Ryanne. Laking gulat ko nang mauntog ako sa isang matigas na bagay. A fiber glass. Umikot ako, para tanawin kung nasaan ako.
I extended my arms to touch a solid object and find where exactly I am standing. Nakapa ko ang isa pang tila pader na fiber glass sa likuran ko.
I'm in a cage? A box? A box made of glass. Nakakulong ako!
Naputol ang binabalak kong basagin ang glass box nang marinig ko ang sunod-sunod na kalabog sa magkabila kong panig. Pagkatapos no'n ay narinig ko ang malakas na boses ni Miss Michonne.
"Help! Get me out of here!" She cried then slammed the fiber glass with her wrist. Nang maaninag ko ito sa gawing kanan ko'y nakakulong din ito sa isang glass box.
What the hell is happening? Oh the hell! Anong na namang pakulo ito ng mastermind? Nagsimulang manlamig ang katawan ko. Ang mga buhok ko sa batok ay nagsitayuan na. Pinagpapawisan ako kahit sobrang lamig.
"Lord, please help us. Please help us." Dinig ko namang sumamo ng mabait na boss na si Miss Ryanne. She's always been good to me. Kalat din sa floor ang kabaitan nito sa mga empleyado niya. She didn't deserve this.
Biglang bumukas ang mga ilaw sa floor na iyon. Hindi ko alam kung saang floor kami naroon. Hindi ko rin alam kung papaano kami nagawang ikulong sa magkakahiwalay na box. Basta ang natatandaan ko pagkasarang-pagkasara ng elevator ay mabilis itong bumagsak pababa. Nang tumigil ito sa pagbagsak ay saka naman umulan ng usok sa loob ng elevator. Hula ko'y sleeping gas iyon.
Then we just woke up inside a cage; like lab rats ready to be skinned.
Nakapatong ang mga boxes kung saan kami nakakulong sa tatlong malalaking inclined plane metals. May nakakabit na malalaking kadena sa harap at likod ng box kung saan kami naroon. Mukhang hihilain kami paatras o paabante. Sa harap ay isang malaking LED monitor na may nakaflash na marka ng kamatayan. Napansin kong sa bandang likuran namin, sa dulo ng malaking plane metal ay may isang malaking rectangular pool.
I knew where we are.
"Boss, w-were on the 18th floor! Nasa excutive suites tayo!" Bulalas ko nang mapansin ko ang istruktura ng buong floor set-up. "Tignan niyo, nasa likod 'yong swimming pool! 18th floor lang ang may ganyang kalaking swimming pool sa buong MOS tower."
My voice echoed in the corners of the room. Mabuti na lang at mga may butas ang boxes kung saan kami naroroon. Nakakahinga pa kami at nagkakarinigan.
"What does this suppose to mean? Anong binabalak saatin ng killer?" Tulirong tanong ni Miss Michonne. Nilingon din nito ang pool na nasa likuran kung saan konektado ang tila runway metal na pinapatungan ng mga boxes.
Natigilan ako sa naisip. Nadoble ang kaba ko nang mapagtanto ang mga posibleng mangyari. "M-maybe the chains would pull us forward or backwards boss? If we're pulled forward, we're safe. P-pero kapag nahila tayo paatras, b-bagbagsak tayo sa swimming pool at posibleng lunurin diyan?"
BINABASA MO ANG
30 Doors
Mystery / ThrillerWhen a mysterious mailer sends a puzzle to Vladimir, a talented operations manager of an e-commerce company, he is doomed to answer riddles, assemble puzzles, and play a bloody game to get to the safe ground. But with his past haunting him every dea...