19th Door

5.7K 303 102
                                    

"Confession is always weakness. The grave soul keeps its own secrets, and takes its own punishment in silence."


-Dorothy Dix

***

MAXINE

Pakiramdam ko'y binubuksan ang dibdib ko nang biglang bumukas ang pintuan ng elevator. Mas lalong nadagdagan ang takot ko dahil iniwan kami nina Andreas at Simond. Parang nalagasan kami ng depensa dahil walang lalaking haharang sa mga kutsilyo o balang dadapo saamin kung sakali.

Nakakapit ako sa braso ni Angelyn habang si Bella'y gayundin. Naririnig ang kinakabahang paghangos ng huli habang palabas kami sa elevator. Si Angelyn ay tahimik at tila pilit nilalabanan ang takot.

Dahan-dahan. Puno ng pag-iingat. Nanginginig kaming humakbang papasok sa madilim na open floor ng 19th. Wala ni isang ilaw sa loob. Tanging ang liwanag mula sa labas ang nagsisilbing ilaw naming tatlo.

"Angelyn, I'm scared." Nangangatal na sambit ni Bella na mahigpit ang pagkakakapit sa kanang braso ni Angelyn.

"Takot din ako. Lahat tayo takot." Nagpatuloy sa paglalakad si Angelyn. Ganoon din ako. Pare-parehas kaming takot sa kung anong posibleng kahantungan ng sagot namin. Ganito pala ang pakiramdam kapag nasa ganitong nakakagimbal na sitwasyon at parehong matatakutin din ang mga kasama mo.

It felt like no one can save us. Hopeless.

"Just imagine na nasa Korean TV Series tayo na 'Bad Guys' at tayo ang detective na si Oh Gu-tak. Tatlong Oh Gu-tak. We will solve this mystery." Muling pagpapalakas ng loob ni Angelyn saamin habang dahan-dahan kaming pumapasok sa madilim na open space ng 19th floor.

"Angelyn naman. Hindi ito K-Drama setting. Totoong horror ito! Totoong-totoo!" Bulalas ni Bella na halos yugyugin ang braso ng kaibigan. Humihikbi na ito. "Marami pa kaming pangarap ni Daryl. Marami pa kaming kailangang ayusin."

"Oo! Alam kong magpapakasal pa kayo ng nobyo mong si Daryl. Kaya nga kailangan nating lumusot dito! Takot din ako! Pero walang magagawa ang takot natin sa ganitong sitwasyon." Untag ni Angelyn. May bahagyang panginginig sa boses nito. Ramdam ko na rin ang malamig na pawis sa braso niya.

"This is real. I wish this is fucking unreal, but this is real!" Anas ng paiyak nang si Bella habang lumalayo kami sa mismong elevator.

Tama siya. Imposibleng panaginip ang lahat ng natunghayan namin. Totoong-totoo. Isang makatotohanang bangungot!

Pakiramdam ko'y katapusan ko na. Pakiram ko'y sa ilang nalalabing saglit ay babawian na ako ng buhay. Wala akong gagawin kundi sumama sa daloy ng kapalaran. Ang dibdib ko'y puno ng pangamba at takot.

Naglalaro sa utak ko ang nakaraan habang unti-unting binabalot ng mas malaking posibilidad na katapusan ko na talaga.

Pero.

Sa isang sulok ng utak at puso ko, may nag-uudyok saaking magpatuloy. 'Yong isang katiting ng pag-asa na nakakubli sa sandamukal na pangamba, na baka kaya pang lusutan ng swerte ang trahedyang ito.

Baka hindi pa.

I'll take the chance. No matter what. Even if chance is the fool's name for fate.

I still have Angelyn and Bella to hold on to. They're my friends. Tested and proven. Hopefully. We can survive this.

Matagal ko nang kaibigan sina Bella at Angelyn. Simula grade school ay kami na ang magkabarkada. Magkakapitbahay kami. Pare-parehas kami ng school na pinasukan simula grade school, high school at college. Kahit na sa internship ay parehas naming pinili ang Montellano Online Shopping.

30 DoorsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon