First Met, First Quarrel

1.1K 49 4
                                    

Chapter Three
First Met, First Quarrel

°Sa hindi inaasahang pagtatagpo ng mga mundo..°
~Tadhana©Updd

Still Kein Zavier

"Mga baboy!" narinig kong sigaw ng isang babae kasabay ng pagbuhos nito ng malamig na tubig, na sumaboy sa mukha ko.

"Damn!" gulat ko syang hinarap.

"Ano bang problema mo?!" tanung ko.

Nakatitig lang siya samin ng kasama kong chic, na tinangay ko pa mula sa bar na pinanggalingan nito. Tumalikod siya at deretsong naglakad, na parang walang nangyari.

"Ano yun?" tanong ko at saka tumingin sa kasama ko. Nagkibit-balikat lang siya at muling kumapit sa leeg ko.

"Baka, isa lang yun sa mga stalker mo babe." sagot niya.

Aktong hahalikan na niya ulit ako kaso nawala na yung gana ko dahil sa babae na yun kaya hinawi ko lang siya at sinundan yung sira ulong babaeng sumira ng gabi ko. She'll pay for this!

"Babe, wait!" habol nung chic sakin.

"Di pa tayo tapos!" sigaw niya. Pinagsasabi nun? Babe daw? Di ko nga siya kilala.

Narinig ko pang napasigaw siya sa inis pero dinedma ko lang siya. Binilisan ko ang lakad ko at naabutan ko din sya sa wakas.

"Hoy babae!" sigaw ko. Agad naman niya kong nilingon, yet nagulat ako ng makita ko ang mga luha sa mata nito.

Umiiyak ba sya?!

Parang nawala bigla yung inis na nararamdaman ko at napalitan yun ng awa. Teka, ako naawa sa babae? Bago yun ah. Tss!

"Miss okay ka la-" tanong ko na agad niyang pinutol.

"Oo... Sorry naabala ko kayo, akala ko kasi ikaw yung kakilala ko. Sorry talaga!" Nagvow pa sya bago tuluyang tumalikod at maglakad palayo.

Pero mabilis akong natinag at hinabol sya. Okay lang sya, yet ako hindi okay dahil sinira nya ang gabi ko! And I will make sure that she will pay me for that!

"Hoy babae!"

Hinawakan ko yung braso nya at hinarap sakin. Napasobra yata yung hila ko dahil sobrang lapit na namin sa isa't-isa kaya naman mas nakita ko na yung itsura nya, and I can say that she's just a typical type of a nerd girl.

Naka'eye glasses sya, at nakapusod ng bun yung buhok nya. Yung suot naman nya, maluwag na white printed shirt at fitted jeans na tinernuhan ng boots. Out of nowhere, napansin ko din na siya lang yata ang babaeng nakita ko na maganda pa din kahit umiiyak. O baka naman dahil yun sa masyado syang plain, at walang syang make up na kumakalat unlike ng recent girls na naidate ko?

Teka, ano ba tong mga iniisip ko? Agad akong nagbawi ng tingin, then I cleared my throat.

"Sa tingin mo ganun lang yun? Alam mo ba kung anong ginawa mo?" Inis na tanung ko sa kanya. Di ko yata kayang palampasin yung pagsira nya ng gabi ko, maling tao ang nilapitan nya.

"Nagsorry na ko diba?!" sigaw niya. At pinunasan ang ilang luhang naglalandas sa mukha niya. Naging tigre na ang maamong pusa kanina?

"Hindi kasi ako tumatanggap ng sorry 'lang'. You have to pay me for this." I said pointing out the word 'this' then I smirked a little.

Hinawi nya yung kamay kong nakahawak pa rin sa braso nya at bahagyang napataas yung kilay nya.

"E anong gusto mo?!" bulyaw nya sa mukha ko, tingin ko malapit ng maubos yung pasensya nya.

Umiral nanaman ang kademonyohan sa utak ko, at mas napangiti sa naisip ko. Here's the consequence for annoying me and for ruining my beautiful night.

"Kiss me, then you're free to go." An evil smile formed into my lips. It's not like she's my type, yet gusto ko lang syang asarin para makaganti ako sa ginawa nya.

Inangat niya ang tingin niya sa gwapo kong mukha pababa sa katawan ko na parang sinusuri ako. Then, muling ibinalik sa mukha ko.

At saka kumunot ang noo niya.

"A-anong sinabi mo?!" mataray na sigaw niya sakin. Bahagya akong napaatras.

"I'm giving you a free kiss, miss." Pabuyong ani ko as I bite my lips.

I saw her eyes got widened. Then parang may imaginary na usok na lumabas sa butas ng ilong at tenga nya. I bet galit na sya sakin.

Goosebumps. Thats my first time na makaramdam ng ganun sa babae. Ewan ko kung bakit pero parang kinakabahan ako sa sasabihin nya. Napaatras ako at napatitig sa mga mata niya. Mukha kasi siyang gutom na tigreng lalapain na ko anytime.

"Excuse me? Hoy bastos na lalake, hindi kita type!" Pinagdikit pa nito ang mga labi nito na tila nagpipigil ng inis.

"Bat di mo na lang balikan yung girlfriend mo at sa kanya ka humingi ng kiss?! Ganyan ba talaga kayong mga lalaki, malingat lang kaming mga babae nakahanap na kayo agad ng bago?!" Nanlilisik yung mga mata nya habang nagsasalita.

Napailing-iling ako habang nilalagay ang parehong kamay ko sa bulsa ng pants ko. This nerdy girl is unbelievable!

"W-what? Ako hindi mo type? Stop denying, at sinong girlfriend?!" Napatawa ako ng mahina. Hindi daw nya ko type? I mean, who will refuse a gorgeous guy like me?

Masyado bang mataas ang grado ng salamin nito at di nya maaaninag kung gaano kaperfect ang kaharap nya? It's Still, the living deity.

"Bingi ka ba? Sabi ko you.are.not.my.type! At hindi kita kilala! Wala akong balak pumatol sa mayabang at feelingerong gaya mo! Kaya pwede ba umalis ka sa daraanan ko?!" Halos mabingi ako sa malakas na bulyaw nito sakin.

Napaawang pa ng bahagya ang bibig ko sa sinabi nito.

"Ano kamo? Ako mayabang at feeler pa? Wow! So, anong tawag mo sa sarili mo? Baliw na nakawala sa mental, na bigla na lang lalapit sa di nya kakilala at mambubuhos ng tubig?! You freak nerd!" Ganting bulyaw ko. Paanong hindi ako maaasar sa pinagsasabi nya? Sya na nga itong nakaabala, sya pa 'tong may naglakas ng loob na insultuhin ako!

Nakita kong namula ang mukha nya at nahihiyang nag-iwas ng tingin. This girl is really getting into my nerves, maging mood ko sira na din dahil sa kanya. And for the consequence, I took off my polo shirt at hinagis yun sa mukha nya.

"Aba talagang bastos ka no?!" Gulat na sigaw nya. Akala nya siguro kung anu na yung hinagis ko sa kanya. Pasalamat na lang sya at di ako nananakit ng babae ng aktwal.

"Thats the least you can do for ruining my night. Siguraduhin mong isasauli mo yan sakin ng malinis." Inis na ani ko at matalim na tiningnan ko sya. Bago tuluyang umalis, hinagis ko sa kanya ang calling card ko. I bet she's a good catcher dahil agad na nasalo nya yun while giving me a "what will i do with this" look.

"Stupid, natural paano mo ibabalik sakin yan?" Napailing ako at tuluyan ng naglakad palayo.

I didn't even bother to look at her reaction. Baka kumontra pa sya at di na ko makapagpigil na patulan sya. Narinig kong napa'tsk pa ito pero hinayaan ko nalang.

Somehow wala na kong narinig mula sa kanya habang mabagal akong naglalakad palayo sa kinatatayuan nya. Naramdaman ko na lang na naglalakad na rin ito palayo sakin by hearing her footsteps. Marahil ay tinanggap na lang nya yun kaysa makipagtalo pa.

I definitely still can't believe na sinira lang ng isang freaking nerd ang gabi ko. Kung sino man sya, sisiguraduhin kong papatunayan ko sa kanya na nagkamali sya ng tingin sakin. Still is Still. No one can say no to me. Even that unknown girl.

She'll pay for this.

||||||||||
Hi! Enjoy reading! :)

When The Badboy Falls (BTS Kim Seok Jin Fanfic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon