Closure

766 29 3
                                    


Chapter 10
Closure

Si Paul.

"Sabi ko na nga ba pupunta ka e, sabi ko na. Di mo ko matiis." masayang bati niya at saka ako niyakap ng mahigpit.

Ngumiti ako ng bahagya at saka ako umayos ng pagkakaupo. Mas maayos na ang itsura niya ngayon kaysa kanina.

"Naisip ko kasi na kailangan kitang puntahan. May gusto akong sabihin." Panimula ko. Mabigat na mabigat pa rin ang dibdib ko.

Nakatingin lang siya sakin na tila naghihintay sa susunod kong sasabihin.

"Alam mo hindi ko pinagsisisihan na nakilala kita. Kasi kung di dahil sayo, hindi ako magiging ganito katigas." I said as I smiled a little.

"Masaya din ako na nakilala kita Fall. Ikaw ang pinaka perfect na girlfriend sa buong mundo." Nakangiting sagot niya.

Humugot ako ng isang malalim na hininga bago muling magsalita.

"Paul, gusto ko lang tapusin na ng tuluyan ang lahat ng namamagitan satin. Para mawala na ang lahat ng why's at what ifs sa isip ko. Pagod na kong umiyak gabi-gabi at paulit ulit na itanong sa sarili ko kung bakit nangyari lahat ng ito. Paul gusto ko nang maging masaya ulit. Please just.. Let me go.."

Unti-unting nawala ang ngiti sa labi niya. Napalitan iyon ng magkahalong takot at lungkot.

"Fall, iingatan na kita. Itong relasyon natin. Pangako yan, hinding hindi na ulit kita sasaktan. Please hon.. Ayusin natin to.." namumuo na ang luha sa mga mata niya.

Imbis na maging masaya dahil babalik na siya sakin, kabaligtaran nun ang naramdaman ko. Nasasaktan ako, sa isiping kahit anong sorry niya hindi na kayang buuin nun ang puso ko.

"H-hindi na maibabalik yung dati kahit anong gawin mo. Nasaktan na ko ng sobra at nasira na ang relasyon na iningatan ko noon. Kahit anong sabihin mo hindi na magagamot niyan ang sugat sa puso ko." Tuluyan nang bumagsak ang mga luha sa mata ko.

"Hindi Fall.. Aayusin natin to, hindi mo ko pwedeng iwan ng ganito. Mahal na mahal kita Fall, nagkamali ako.. I'm sorry."

Hinawakan niya ang dalawang kamay ko at hinagkan iyon. Naalala kong lagi niyang ginagawa iyon dati. Mas lalong umagos ang mga luha sa mata ko. Tila walang katapusan ang pagbuhos nito.

Minsan nahiling ko pa na sana panaginip na lang ang lahat. Sana hindi totoong niloko niya ko. Sana masaya pa rin kami at magkasama. Sana di ko nalang nalaman ng lahat. Sana hindi na lang ako nasasaktan ngayon. At sana hindi ko siya nakikitang umiiyak ngayon sa harapan ko. Dahil wala ng mas sasakit pa sa makita mong umiiyak ang mahal mo dahil sayo.

Tumayo na ako mula sa aking pagkakaupo at nagpasya ng magpaalam. Hindi ko na kayang makita siyang ganito. Baka di ako makapagpigil at may magawa pa akong hindi dapat.

Tama lang ito, tama lang na tapusin ko na ang paghihirap ko. This is the end.

"I'm sorry Paul.. Pero tapos na tayo at hinding-hindi na ko babalik sayo kahit kailan."

Nagulat ako ng lumuhod siya sa harapan ko. Kitang kita ko sa mga mata niya na ayaw niya kong mawala sa kanya ng tuluyan.

Unti-unting naglalaho ang galit na nararamdaman ko at napapalitan ng awa para sa kanya.

Gusto ko na siyang itayo at sabihing wag na siyang umiyak dahil nasasaktan din ako.

Nakayuko lang siya habang nakaluhod sa harap ko. Bahagya pang yumuyugyog ang mga balikat niya dahil sa labis na pag-iyak.

Hanggang ngayon ba mahal ko pa rin talaga siya? O naaawa lang ako?

Pero kahit ano pa yun, ang alam ko lang ayokong may taong nasasaktan dahil sakin.

Ihahakbang ko na ang mga paa ko. Ayoko nang ganito, hindi ko kayang makita siyang nagdurusa kahit binasag na niya ko.

"Baby?!"

Narinig kong sigaw nang isang pamilyar na boses. Napahinto ako at napalingon sa pinanggagalingan ng boses.

"Baby, Fall."

°°°°°°°°°°°
©iamnsc

When The Badboy Falls (BTS Kim Seok Jin Fanfic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon