Uwi ka na baby

767 37 2
                                    

Chapter 14
Uwi ka na baby!

His POV:

"Not here." I said as I kiss her forehead.

Sabi kasi nila Rlyn, at the rest of royals, it shows respect daw at sweet kapag sa forehead kinikiss ng guy ang babae.

Kitang-kita ko yung pamumula ng mukha niya.

"Cute mo." Sabi ko sabay kurot sa ilong niya.

Hinawakan ko yung kamay niya at nagsimula ng magdrive. Hindi naman siya pumalag at nagpatangay lang sa agos. Siyempre sa gwapo kong 'to!

"Ang sarap!" Ani ko habang kumain ng balut.

Nasa isang restaurant kami, kung saan bukod tanging nagtitinda ng balut. Iba-ibang klase ng luto ng itlog ang nasa menu nila. Marahil ay mahilig sa itlog ang owner nito.

"Ten pm na." she said. Naglalakad na kami ngayon sa garden ng mismong restaurant. Kakaunti lang ang tao run, at may ilang mga pailaw na nagsisilbing design sa mga halaman sa paligid.

"Gusto mo ng umuwi?" tanong ko. Sa pagkakasabi nya kasi, parang gusto nya ng matapos ang gabing 'to.

"Hindi naman." Sagot niya. Tapos ay huminto ito sa paglalakad.

"Edi mamaya na." nakatinging sagot ko. Feeling ko kasi, nabibitin ako sa oras na magkasama kami.

"E anong gagawin natin dito?" Iginiya ko sya patungo sa isang malapit na bench na pang dalawang tao at naupo dun.

"Ano bang gusto mong gawin?" nakangiting tanong ko sa kanya. Habang tinatapik ang maliit na espasyo sa tabi ko.

"Ikaw?" Aniya pagraa'y alangang naupo sa tabi ko.

"Gusto mo ituloy na natin?" Ani ko habang tila may binabalak na masama sa mga titig ko sa kanya.

"Alin?" tanong niya na parang bahagyang namutla.

"Yung-...." putol na sabi ko saka bahagyang dumukwang at nag-pout.

٩(๛ ˘ ³˘)۶

"Pakk!" Mabilis itong napaatras at binatukan ako.

"Manyak!" sigaw niya sabay tumayo at nagwalk-out.

∑( ̄□ ̄;)

Agad ko naman siyang hinabol. Habang pinipigil ang sarili kong matawa sa reaksyon nya.

"Joke lang naman e."

"Heh!" Mas binilisan nya pa ang lakad nya na halos tumakbo na.

"Babyyyy!" Huminto ako at sumigaw na parang walang pakialam sa tao sa paligid ko. Eh sa napapagod na ko sa kakahabol e.

Humarap siya sakin at sumimangot. Nakita kong nagbablush nanaman siya kaya napasmirk ako.

"Umuwi na tayo." Tumalikod ulit siya at naglakad na.

Ngunit mabilis akong humarang sa daraanan nya bago ngumiti ng nakakaloko. "Kiss muna?"

"Gusto mo ng mamamatay?" Banta nya pero balewala iyon sakin. Nakita kong pinagtitinginan na kami ng mga tao sa paligid pero wala akong pakielam.

"Sa pagmamahal mo?" Buyo ko pa sa kanya. Kaya mas lalo pa itong namula.

"Uuwi na lang ako mag-isa!" inis na sabi niya. At saka tumalikod ulit.

Napangiti ako at wala akong balak na tigilan sya. Ang cute niya kasi mainis.

"Maraming rapies sa daan." Pananakot ko dito habang prenteng naglalakad ng mabagal.

"Hindi nakakatuwa!" Bulyaw nya at nanlilisik ang matang hinarap akong muli.

"Sige pauuwiin na kita sa isang kundisyon." Napangisi ako.

"Ano?!" Napapakuno't noong tanong nya.

"Sabihin mo muna.. Uwi na tayo baby.." Todo ngiti at parang batang ani ko bago muling lumapit sa kanya.

"Ha?!" Tila naistatwa ito sa kinatatayuan nya na parang gulat na gulat sa sinabi ko. Bakit ba? Yun gusto ko eh.

"Ehehe.. Sasabihin niya na.." Buyo ko sabay dutdut sa tagiliran niya.

"Gusto mo ng mamatay?" Banta niya at saka napalitan ng panlilisik ang kaninang gulat na mata nya.

"Sungit naman." Napapapout na reklamo ko.

"Psh.." Pinagsalikop nito ang kamay nito bago nakakunot noong nag-isip sandali.

"Ayaw niyang sabihin." Tila nagtatampong bulong ko.

"Para kang bata!" Bulyaw na aniya pero nakikita kong pinipigilan lang nito ang mga ngiti nya.

"Para kang may dalaw!" Sagot ko habang mas lalong humahaba ang nguso ko.

"Oo na! Uwi na tayo baby. Kulit mo!" Biglang sabi niya at agad na nag-iwas ng tingin.

Napangiti ako at agad na ngumiti na tila nanalo ako ng brand new car sa isang raffle pagkarinig sa nagtataray na boses nito kahit alam kong pinipigil lang nito ang mapangiti.

"Yes baby!" Tumikhim muna ako bago ko hinawakan ang kamay niya. Hindi naman sya nag complain kaya mas lalo ko yung ikinatuwa. Sabay na kaming naglalakad nang muli akong magsalita.

"Fall?" Malambing na tawag ko sa pangalan nito.

Napasulyap naman sya ng tingin habang napaiwas naman ako dahil pakiramdam ko, ang awkward sabihin pag nakaharap sa kanya.

"Pwede sabihin mo ulit yung sweet version? Hehehe" Natatawang ani ko.

"Gusto mo na mamatay?" Bulyaw nito kaya naman mas lalo akong natawa.

"Sabi na yan ang sasabihin mo!" Pigil ang paghalakhak ko habang napapahigpit ang hawak ko sa kamay nito.

°
Kahit tahimik lang ito sa buong byahe, alam kong masaya din sya gaya ko ngayong gabi. Napapansin ko kasing paminsan minsan ay napapangiti ito pero agad itong nag iiwas ng tingin.

Pagkaraan ng ilang minutong byahe narating din namin ang mismong tapat ng gate nila. Agad akong dumukwang para tanggalin ang seatbelt nito. Bahagya pa itong napatulala sa mga mata kong nakatitig lang sa mga mata nya habang inuunlock ko ang seatbelt nya.
I can see pure innocence in her eyes.

"Fall. . ." Bulong ko habang hindi pa rin humihiwalay sa tulalang mga mata nito. Ngumiti ako ng mapagawi sa manipis ngunit mapula nitong labi ang mga mata ko, bago muling magpatuloy sa pagsasalita.

". . .goodnight."





©iamnsc

When The Badboy Falls (BTS Kim Seok Jin Fanfic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon