Is it too late?

741 29 3
                                    

Chapter 21
Is it too late?

His:

Malakas na suntok ang tumama sa mukha nito kaya agad siyang tumumba. Agad naman siyang dinaluhan ng babaeng kasama niya. Kitang kita ang pag-aalala sa mukha nito.

"Ano bang problema mo?!" sigaw sakin nung babae.

"Yang gago na yan! Sira-ulo yan e!" sigaw ko.

"Quennie, tama na yan." Awat ni Paul sa babaeng kasama niya.

"Ano bang ginawa sayo ng asawa ko?" tanong ng babaeng nagngangalang Queenie.

"Asawa? Wow. Kelan pa?" I smirked. Nanggigil talaga ko sa lalaking to. Lakas ng loob makipagbalikan kay Fall noon, e may asawa na pala siya at buntis pa.

Sa pagkakatanda ko buwan pa lang ang nakakalipas mula noong lumuhod siya kay Fall at magmakaawang bumalik to sa kanya. Anong balak niya? Lolokohin nanaman niya si Fall? No way!

"S-sino ka ba?" tanung ulit ni Quennie.

Imbis na sagutin siya ay itinuon ko ang pansin ko sa gunggong si Paul na nakahawak sa pumutok na nguso niya ngayon. Nilapitan ko siya at hinawakan sa kuwelyo.

"Wag na wag mo nang lalapitan pa si Fall at magmamakaawa ulit na balikan ka niya! Dahil kapag inulit mo pa yun baka hindi na ko makapagpigil.. Ako na ang mag-aalaga sa kanya simula ngayon at hinding hindi ko siya sasaktan na kagaya ng ginawa mo!"

Hanggang ngayon ay nanginginig pa ang kamao ko sa sobrang galit. Kung pwede lang ay puruhan ko na siya ngayon pero nakakaawa naman ang mag-ina niya.

"Pss! Aalagaan? Nagpapatawa ka ba? Yung mama mo nga naghihingalo na ngayon at di mo maalagaan e. Anong sinasabi mong aalagaan mo si Fall? Ulul!" sigaw niya sakin.

Saglit akong natigilan sa narinig.

"Anong sabi mo?" gulat na tanong ko.

"Bakit di mo siya puntahan sa ospital ngayon? Ikaw si Still Kein Zavier hindi ba? Sikat ka na ngayon sa ospital bilang anak ni Elisa Zavier. Ang nag-iisang anak niya pero itinakwil siya! Puntahan mo baka sakaling abutan mo pa siyang buhay!" He smirked.

Nabitawan ko ang kwelyo nito at hindi makapaniwalang tiningnan ito.  Tinalikuran ko sya bago patakbong umalis sa lugar na yon. Wala na kong panahon kung totoo nga ang sinasabi niya. Tinawagan ko agad si Dad at tinanong sa kanya ang tungkol kay Mom.

Nung una ay hindi siya nakasagot pero nagpumilit ako at ibinigay niya sakin ang location ng hospital.

Ayon sa kanya ay mahigpit na ipinagbilin ni Mama sa kanya na wag sabihin sakin ang kalagayan nito. Hayaan na lamang daw akong magalit dito para hindi ako masyadong masaktan sa pagkawala nito.

Ang masakit pa ay may cancer raw itong Leukemia.

Ang lakas ng kabog ng dibdib ko habang nasa daan ako papunta sa hospital.

Kaya pala malungkot si Dad nung kinausap ko siya.

'Bakit Mom?'

'Bakit kailangang mangyari ang lahat ng ito?!'

Ilang minuto pa ang nakalipas at sa wakas ay nakarating din ako sa lugar kung saan ay naroon si Mom. Dahan-dahan kong binuksan ang pinto at tumambad sakin ang mapayapang mukha ni Mama.

"Ikaw siguro ang anak niya?" Bungad na tanong sakin ng nurse.

Tumango lamang ako at takang tumingin sa nurse.

"Palagi ka niyang kinukuwento sa mga nurses na na-aassign dito." Pagpapatuloy niya.

Tumingin ako kay Mama at pinagmasdan siya. She looks so pale. Hindi na ganun kapula ang labi niya at malaki ang ipinayat niya.

Ayon pa sa nurse ay six months na siyang nakaconfine dito at wala daw pagbabago sa kanyang kalagayan.

Kung gayon ay matagal nya na palang itinatago sakin ang kundisyon nya? Nais kong magalit sa sarili ko dahil hindi ko agad sya hinanap nung panahong nalaman ko ang totoo kay dad. Pero batid kong wala ring magagawa yun sa sitwasyong ito.

Pinagmamasdan ko lamang ito, at napansin kong medyo mataas na rin ang hair line niya at ayon sa nurse ay nalalagas na raw kasi ang buhok nito.
Nakaramdam ako ng kirot sa puso ko. Mahimbing siyang natutulog ngayon.

Naroon ang takot ko na baka hindi na siya magising. Hindi pa ko nakakahingi ng tawad sa kanya.. Naupo ako sa isang upuan sa tapat ng kamang hinihigaan niya.

Lumabas na ang nurse at naiwan kaming dalawa ni Mama sa kwarto.

"Mom.." malungkot na tawag ko sa pangalan niya.

Marahan kong hinawi ang ilang hibla ng buhok na humaharang sa kanyang mukha. Kinuha ko ang isang kamay niya at marahang hinagkan iyon.

"Mom, i'm sorry.."

Naramdaman ko ang mainit na luhang dumadaloy mula sa mga mata ko ngayon. Kasabay ng pagkabasag ng boses ko. Ang sakit ng nararamdaman ko ngayon. Hindi ko inaasahan na mangyayari ang lahat ng ito. Ni hindi ko naisip na may sakit pala siya.

Tahimik ko lamang siyang pinagmamasdan. Nanghihinayang ako sa mga panahong nagalit ako sa kanya at iniwasan ko siya.

Ilang beses niya kong pinuntahan sa bahay ngunit palagi akong nagkukulong sa kwarto dahil ayaw ko siyang makita. Nagtanim ako ng galit sa sarili kong ina. Napakasama kong anak..

Walang tigil ang pagdaloy ng mga luha sa mata ko. Sa buong buhay ko ay ngayon lamang ako umiyak ng ganito.

"Mama, magpagaling ka.." bulong ko habang patuloy pa rin ang pagluha ko.


~
WTBF

When The Badboy Falls (BTS Kim Seok Jin Fanfic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon