Surprise Gift

787 32 2
                                    

Chapter 24
Surprise Gift

Ilang linggo na ang nakakalipas simula noong mailibing ang mama ni Still. Nakikita kong nakakangiti na siya ulit pero alam kong nalulungkot pa rin siya base sa kinikilos niya.

Napangiti ako habang inaayos ang lyrics ng kantang magtatatlong araw ko nang kinakabisa. Yakap ko ang gitarang hiniram ko pa sa pinsan ko habang nakaupo sa bench na nasa labas ng isang coffe shop.

Hindi talaga ako sanay tumugtog pero dahil gusto ko siyang mapasaya. Naisip kong gawin to. Effort lang ang kailangan at ang kapalit nun ay ang pagbabalik ng mga ngiti niya.

(guitar strumming..)

Pinagpatuloy ko na ang ginagawa kong pag-aaral. Kabisado ko na ang chords at lyrics. Ang kailangan na lang ay linisin.

Pinikit ko ang mga mata ko at nagsimulang kumanta..

'Sa hindi inaasahang pagtatagpo ng mga mundo..'

"Baby?!"

Nagulat ako sa biglang pagdating ni Still. Ibinaba ko ang yakap kong gitara at sinalubong siya ng matamis na ngiti. May dala siyang plastic na may lamang jolibee, nakastyro iyon pareho at may pangalan na nakasulat sa ibabaw.

"Baby Fall." Ang nakasulat dun sa isa. At, "Baby Still" naman dun sa isa pa.

Napangiti naman ako at excited na humalik sa pisngi niya. Hindi talaga siya nawawalan ng paraan para pasayahin ako. Pero palagi na lang bang siya ang mag-eeffort?

Gusto ko ring may magawa para mapasaya ko siya.

Naniniwala akong hindi lang puro boys ang dapat mag effort sa isang relationship. Girls must too.

Tahimik lang kaming kumakain. Pakiramdam ko talaga ibang tao ang kaharap ko ngayon. Gusto ko na talagang bumalik yung dating Still na minahal ko.

Ganito na siya mula noong mailibing ang mama niya.

May naisip ako at agad na nagmasid sa paligid. Sa aking palagay ay perfect ang panahon, lugar at araw na to para ibigay ang surprise ko sa kanya.

Uminom ako ng tubig at napatingin sa hawak kong bottled water.

Ngumiti ako at muling tumingin sa kanya.

"Baby, may surprise ako sayo. Sana magustuhan mo." Nakangiti kahit kinakabahang sabi ko.

Umaliwalas ang muka niya at halatang nagtaka sa sinabi ko. Ito ang unang regalong ibibigay ko sa kanya.

"Ano yun?" tanong niya.

Inabot ko ang gitara at muling inilagay sa kandungan ko. Huminga muna ako ng malalim at saka ngumiti ng bahagya.

Nakakunot naman ang noo ni Still habang nakatitig pa rin sakin.

I clear my throat and I saw the glimpse of his smile.

Maybe I look crazy right now but I don't care. All I care about was to make him happy.

(Guitar strumming)

Napatingin ako sa bottled water na hawak niya. Dun nagsimula ang lahat. Nakilala ko siya sa di inaasahang pagkakataon at minahal.

Ngumiti ako at kasabay non ay sinimulan ko na ang pagkanta..

' Sa hindi inaasahang pagtatagpo ng mga mundo. May minsan lang na nagdugtong, damang-dama na ang ugong nito.'

Nakatitig lang siya sakin ngunit walang emosyon sa mga mata niya. Gusto lang naman maging masaya siya ulit at marealize na may nagmamahal pa sa kanya at ako yun.

When The Badboy Falls (BTS Kim Seok Jin Fanfic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon