Pregnant?

838 32 1
                                    

Chapter 20
Pregnant?

His POV:

Sa wakas, nasabi ko din sa kanya lahat. Matapos ang first kiss namin ay nakita kong pulang pula nanaman ang cheeks niya.
(♡˙︶˙♡)

Iyon na yata ang best kiss na naramdaman ko. Smack lang iyon at seconds pero yung tibok ng puso ko sobrang bilis. Ganun yata kapag inlove.

Korni ko na ba? Hay.. Fall kasalanan mo to e. :3

Ngumiti ako at naghintay ng sagot niya. Ngumiti din siya at hinaplos ang pisngi ko.

"Fall, can you be mine?" bulong ko habang nakatitig pa rin sa mga mata niya.

"Hmm, pag-iisipan ko muna.." sagot niya.

What?? Pag-iisipan pa? Sa gwapo kong to, nagdalawang isip pa siya? -__-

"Sige.." sagot ko at saka yumuko ng bahagya.

Tumingin siya sa bintana at parang may iniisip.

Ano yun? Naghihintay ba siya ng sign? Kulang pa bang sign yung kagwapuhan ko? XD

Ilang saglit din siyang nag-isip. Nakita ko pa ang paghinga niya ng malalim na naging dahilan ng pagkabog ng dibdib ko.

Mukhang nakapagdecide na siya.

Wala na.. 

Busted na ko..
O( ╥ ﹏╥ )o

Okay lang.. Tatanggapin ko nang maluwag Fall. Wag ka na mahiyang bustedin ako. 

(╯_╰)

Alam ko naman yung balugang Paul pa rin na yun ang pipiliin mo e. :'(

(ㄒoㄒ)

"Hmmm, yes." Sagot niya at saka ngumiti ng matamis.

"Okay lang naman kung bus-" naputol ang sasabihin ko at agad na nanlaki ang mga mata ko at muli ko siyang tiningnan. Akala ko kasi "NO" ang sasabihin niya?

"Ano ulit?!" Gulat na tanong ko.

"Yes, sayong-sayo na ko.." she smiled.

"Pucha!" sigaw ko.

(ノ*>∀<)ノ♡

Binuksan ko yung bintana at dinungaw yung ulo ko sa labas. Nakita ko si kuyang nakamotor at sumigaw.

"Kuya! Kami na daw!!" :3

Nakita ko yung matandang babaeng nakasakay sa tricycle at sinigawan ko din.

"Manang, sinagot niya na ko!!"

Ngiting-ngiti ako at tuwang-tuwa. Nararamdaman kong hinihila ko ni Fall papasok sa kotse pero di ko yun pinansin. Kasi gusto kong malaman ng buong mundo na girlfriend ko na sa wakas yung babaeng mahal ko.
(。'▽'。)♡

"Guys! Girlfriend ko nato!" sigaw ko. Inakbayan ko siya at saka hinalikan sa pisngi. Nagtatawanan yung ilang mga nakarinig sakin habang nakangiti naman yung iba. Halo-halong expression pero wala akong pakielam basta ako masayang-masaya.

"Tama na yan, nakakahiya." Pigil ng baby ko sakin. Tumingin ako sa kanya at tumawa ng malakas.

Kasi naman, nagbablush nanaman siya.

"I love you baby.." ♡

"I love you too." -siya.

Matapos nun ay natapos na rin ang parada. Hinatid ko na siya at deretsong umuwi agad samin. Masayang binalita ko kay Dad ang nangyari. Masaya din siya para sakin pero somehow may lungkot akong nakita sa mga mata niya.

When The Badboy Falls (BTS Kim Seok Jin Fanfic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon