Sweetness Overload

804 29 3
                                    


Chapter 13
Sweetness Overload

Abala ako sa paghigop ng paborito kong mainit na beef ramen.

"Sarap nito!" Nakangiting ani ko.

"Oo nga hulog! May ganito palang kasarap na noodles! Hahaha!" Ngiting ngiti na sagot ni Zoey na abala din sa pagkain ng ramen.

"Ramen ang tawag dyan! Uso yan sa korea, kaya nga natuwa ako ng malaman kong meron na rin nyan dito." Ani ko habang humihigop ng mainit at medyo maanghang na sabaw.

"Aba! Mahilig ka para sa korean wa!" Buyo pa ni Zoey.

"Hindi naman, natutuwa lang ako sa galing nilang gumawa ng movies. Love stories at horror kasi ang hilig ko." Nakangiting sagot ko.

Tuwing oras ng break, kaming dalawa ni Zoey ang laging sabay. Palagi kasi syang nakadikit sakin na parang linta.

"Ay oo! Napanuod ko nga yung train to boosan! Hahaha! Ang creepy pero astig ng pagkagawa!" Nagagalak na kwento nya.

"Yep. Isa rin yun sa mga sumikat na movies nila." Sang-ayon ko.

"Hay, kailan kaya ako makakabingwit ng mala'korean na kagwapuhan?" Tila nagda'daydream na aniya.

"Tss. Lalake nanaman! Di ka pa nga nakakamove-on sa ex mo. Maglubay ka dyan Zoey ah!" Saway ko rito kaya mabilis itong napabusangot.

Break na kasi sila nung Gunner, nalaman nya daw kasing may anak na pala ito. Saklap nga eh. Kaya eto, ako na ang palaging kasa-kasama ni Zoey.

"Sige ipaalala mo pa yung pangit na yun!" Nakapout na aniya.

"Hahaha! Ihahanap kita ng mas pangit do' worry!" Biro ko rito.

"Gaga ka talaga ha!" Aniya habang pinipilipit ang leeg ko.

"Aray! Joke lang Zoe! Aray!" Natatawang saway ko rito.

(1 message received)

'Good evening! I'll pick you up at five pm.'

~
Still

Napanganga ko nang makareceive ako ng unexpected message. At galing pa yun sa mokong na yun. Kanina lang ay naglalaro sa isipan ko ang huling conversation namin, ngayon ay heto nanaman sya at mukhang guguluhin nanaman ang tahimik kong mundo.

Napatingala ako sa wall clock at agad na nataranta ng makitang 5minutes na lang at 5pm na. Kinakabahang nagtype ako ng message.

'Hindi pwede!'

(Message Sent)

Aligagang napalinga-linga ako sa paligid at nakahinga ng maluwag ng makasigurong wala pa sya.

(1 message received)

'Dito na kaya ako. Hehehe.' :P

~
Still

Halos lumuwa ang mga mata ko matapos basahin ang dumating na message. Naihagis ko tuloy ng di-oras ang phone ko at sakto namang na-shoot yun sa trash can sa tabi ko.

Leche! Buti di nabasag!

Bwisit na lalaking yun, ano nanaman kayang balak nya?! Bakit ba kasi kinakabahan ako sa tuwing makikita sya? Natatarantang ini-off ko yung monitor, at panaka-nakang sumilip sa labas.

"Huy, sino sinisilip mo dyan hulog?!" Ani Zoey na nakadukwang na sa desk ko. Magkatabi lang kasi ang desk namin. Mukhang napansin nya na ang pagkataranta ko.

When The Badboy Falls (BTS Kim Seok Jin Fanfic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon