A mother's love

753 30 3
                                    

Chapter 22
A mother's love

His POV:

Nandito ako ngayon sa church. Nakaluhod. At sa unang pagkakataon, humihiling ako sa diyos na sana..

Wag niya munang kunin si Mama.

Wala pa kong tulog at kain, pero kahit ganun wala pa rin akong balak sumuko. Lalo na ngayon na mas lumalala pa ang kondisyon ni Mama.

Kitang-kita ko ang paghihirap sa muka niya. Ang sakit na nararamdaman niya sa bawat injections at gamot na inilalagay sa katawan niya. Pakiramdam ko wala akong magawa ngayon para sa kanya.

Si Dad at ang pangalawang asawa ni Mom ang magkasama ngayon. Nagkasundo sila para kay Mama. Wala na rin naman daw maidudulot na maganda ang pag-aaway nila. Baka makasama pa ito sa kalagayan ni Mama.

Hanga ako sa katatagan ng loob na ipinapakita ni Dad. Hindi ko makita ngayon ang mga luha sa mga mata niya pero alam ko bilang anak niya kung gaano niya kamahal si Mama. Marahil ay higit pa sa sakit na nararamdaman ko ang nadarama niya ngayon.

Ramdam ko ang malamig na hangin na dumadampi sa balat ko. Kulob ang buong chapel pero nakakapagtakang nilalamig ako.

Mula sa kinaluluhuran ko ay naramdaman kong may lumapit sakin.

Tinapik niya ang balikat ko at sa pagharap ko ay nakita ko ang muka ng pangalawang asawa ni Mama.

Dapat ay magalit ako sa kanya, pero nang makita ko ang muka niya at mga mata niyang namamaga, na marahil ay dahil sa kakaiyak. Hindi ko na nakuha pang sumbatan siya o anu pa man.

"Anong kailangan mo?" tanong ko.

Bahagya siyang ngumiti at may dinukot na ilang mga puting papel mula sa kanyang pantalon.

"Ginawa ito ng Mama mo noong malakas pa siya.. Tuwing gabi ay ginagawa niya ang mga ito. Hindi pa ito ang lahat ngunit alam kong sapat na ito para malaman mo ang mga nais niyang iparating sayo.."

Pagkasabi niya pa lang noon ay nakaramdam na ko ng matinding kaba. Mula noong umalis si Mama sa bahay ay inisip kong kinalimutan niya na kami ng tuluyan ni Dad pero ngayon ay tila mali yata ang mga iniisip ko.

Tumalikod na siya at iniwan sa mga kamay ko ang ilang piraso ng sulat.

Naupo ako at isa-isang binasa ang mga iyon.

°°°
[December 24 2010

Merry christmas anak! Sana ay nagustuhan mo ang regalo ko sayong motorcycle. Binili ko iyan dahil noong bata ka pa lang ay mahilig ka na sa mga laruang motor. Pinilit ko pa ang Dad mo dahil ayaw niyang ibigay sayo iyan. Sabi ko ay hindi ko na siya guguluhin kapag ibinigay niya sayo ang kaligayahan mo.. Kasi gagawin ko ang lahat para sa'yo anak..

Mahal na mahal kita..

-Mama.]

Napalunok ako sa nalaman ko, ang buong akala ko ay si Dad ang bumili noon para sakin. Bakit hindi ko naisip na noon pa lang ay ayaw na ni Dad na magmotor ako? Napakatanga ko..

Binuklat ko pa ang ilang papel at isa sa mga ito ang lubos na nakapagpaluha sakin.

[September 18,2012

Happy birthday anak, binata ka na talaga. Alam mo, kasing gwapo mo ang iyong Dad noong kabataan niya. Kaya nga siguro minahal ko siya noon ng sobra-sobra. Naalala ko pa anak noong dumating ka sa buhay namin. Iyon ang pinaka masayang araw sa buhay ko. Mas naging masaya ang pagsasama namin ng Dad mo dahil sayo..

Pero anak, patawarin mo sana ko. Kung iniwan kita at sinaktan kita. Anak, maniwala ka hindi ko gustong lumayo at iwanan ka.

Patawad kung wala ako sa tuwing nalulungkot ka, sa tuwing may problema ka at wala kang karamay. Patawarin mo sana ko..

Pero anak, sobrang sakit na kasi ng mga pangyayari. Hindi ko na kayang makasama pa ang Dad mo sa araw-araw. Sa tuwing makikita ko siya.. Nadudurog ang puso ko. Naalala ko kung paanong ang kaisa-isang lalaking minahal ko ay nagawang ipagpalit ako sa iba.

Pero alam mo anak, nang lumipas ang mga araw. Nahirapan akong gumising na wala kayong dalawa sa tabi ko. Akala ko noon ay mababaliw na ako sa kakaisip.

Si Lito, siya ang tumulong sakin na bumangon at mabuhay ulit. Minahal niya ko ng tapat at buong buo kahit na alam niya na ni minsan hindi kayo nawala ng Dad mo sa puso ko.

Still, anak. Walang gabi na hindi ako umiyak dahil hindi ko nagawang subaybayan ka. Walang araw na hindi ka sumagi sa isip ko. Kung minsan ay natutulala na lamang ako sa kakaisip kung papaano pa ba ako mabubuhay at gigising na wala ka sa tabi ko.

I'm so sorry, anak.

-Mama. ]

Ang buong akala ko ay balewala lang kay Mama ang mga nagdaang kaarawan ko. At ang akala ko ay nagmahal siya ng ibang lalaki bukod kay Dad. Pero ngayon malalaman ko na maling akala pala ang lahat ng iyon. Bakit ngayon ko lang nalaman ang lahat ng ito?

Hindi ko na napigil ang mapaluha. Nanginginig ang mga kamay na dinampot ko ang huling sulat na iniabot ni Tito Lito..

[November 3,2014

Anak, mahina na ako at ayon sa doctor ay malala na raw ang sakit ko. Masaya ako dahil sa wakas ay matatapos na ang sakit na dinaranas ko. Ang sakit na wala kayo sa piling ko at ang sakit na kailanman ay di ko na mabubuo ang pamilya natin.

Sana ay makita kita kahit sa pinakahuling araw lang ng buhay ko na nakangiti, para kahit paano ay masaya kong lilisanin ang mundong ito.

Anak, nasasaktan ako sa tuwing pupuntahan kita at iniiwasan mo ko. Hindi ko naman hinihiling na patawarin mo ko..

Ang gusto ko lang sana ay mayakap ka ng mahigpit. Kasi alam mo...

Miss na miss ka na ni Mama..

-Mama.]

Nag-uunahan na sa pagpatak ngayon ang mga luha ko. Wala akong inisip kundi ang sarili ko noon at si Dad. Napakasama ko dahil nagalit ako sa sarili kong ina.

Tumakbo ako pabalik sa kwarto ni Mama. Nais ko siyang yakapin ng mahigpit at sabihin sa kanya kung gaano ko siya kamahal.

Kaunti na lang at malapit ko nang mayakap si Mama.

Agad na kumabog ang dibdib ko nang makita ko na nag-uunahan ang mga nurse at doctor papunta sa kwarto ni Mama.

Tumakbo ako at mas nilakihan ko pa ang bawat hakbang ko. Nakita ko si Dad na nakaluhod habang hawak ang kamay ni Mama.

Umiiyak ito habang si Tito Lito naman ay nakasubsob ang muka sa pader at humahagulgol sa pag-iyak.

Napahinto ako at napabagal ang bawat paghakbang ko. Ilang hakbang pa at nakita ko na ang maaliwalas ngunit maputlang muka ni Mama.

"Hindi totoo to. . ."

"Buhay pa si Mama. ."

"Hinihintay niya ko. . ."

Ang pinakamamahal kong ina, hindi ko na nagawang sabihin sa kanya kung gaano ko siya kamahal. Muling pumatak ang luha sa mga mata ko.. Yumuko ako at niyakap ang malamig na katawan ni Mama.

"Mama.. Nandito na po ako.."

~
Play the song above :)

When The Badboy Falls (BTS Kim Seok Jin Fanfic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon