He's Back

788 25 4
                                    


Chapter 9
He's back

~
The most burning memories can melt a freezing heart.

°°°°°

"Mag-usap tayo.. Please?"

Sabi ni Paul na ngayon ay nasa harapan ko. Malungkot ang mga mata nitong nakatingin sakin.

"Wala tayong dapat pag-usapan." Walang ganang sagot ko.

Balewalang nilagpasan ko siya at mas binilisan ko pa ang lakad ko.

"Fall! Ikaw ang mahal ko!" He shouted. Napahinto ako at mapait na ngumiti sa narinig ko.

Anu to gaguhan? Mahal mo ko ngayon tapos bukas hindi na uli?

Sawa na ba siya sa bago niyang laruan kaya babalikan niya na yung luma?

"Fall, ikaw lang ang mahal ko. Maniwala ka sakin." He said as he walk infront of me. Anong kabaliwan nanaman ba to?

"Naririnig mo ba ang sarili mo Paul?" sagot ko. Nakatingin lang ako sa kanya. Wala pa ring emosyon na makikita sa mga mata ko.

Simula nung iniwan niya ko, ganito na ko. Parang bato na walang emosyon. Pinangako ko sa sarili kong hindi na ko masasaktan at iiyak ulit para sa mga walang kwentang gaya niya.

"Maniwala ka. Hindi ko ginustong masaktan ka. Y-yung nangyari samin, pinlano niya lahat yun para maagaw ako sayo.." Garalgal ang boses na sabi niya.

'So, ano yun kusang bumaba yung panty niya?! Saka bakit ngayon lang siya magpapaliwanag? Utang na loob! Two years na kaya tayong wala!'

"Sa tingin mo, maniniwala ako sayo?" I answered in a sarcastic voice. Hindi na akong ang dating Fall mo na uto-uto.

"I'm sorry. Bumalik ka na sakin. Please.." pagmamakaawa niya.

'Wow? Ganun lang yun? Kung makapagsalita ka kala mo nahuli ko lang kayo nagbabato-bato-pick!'

Isang mapait na ngiti lang ang isinagot ko sa sinabi niya.

"Fall, gusto kitang kausapin, gusto kong sabihin sayo lahat. Pero paano ko gagawin yon, kung ikaw mismo ang umiiwas?!" pagpapatuloy niya pa at tuluyan ng pumatak ang luhang kanina pa namumuo sa mga mata niya.

F*ck! Ano to? Umiiyak siya ngayon sakin? Tang*na bat parang ako pa masama?

All this time akala ko tanggap ko na lahat. Bakit pakiramdam ko kanina lang nangyari ang lahat?

Humakbang ako palapit sa kanya. Sa totoo lang gusto ko na siyang suntukin.

"So, kasalanan ko pa ngayon? Mongoloid ka pala talaga e. Bakit ba Paul? Bakit ba kasi bestfriend ko pa? Ang dami naman diyang iba! Dinurog mo ko eh! Di ko na kilala ngayon ang sarili ko dahil sayo! Hindi ko na kayang tumawa ng malakas o maging masaya ulit kasi palagi kong naaalala na, yung taong minahal ko ng sobra-sobra.." napatigil ako saglit kasabay ng paghugot ko ng malalim na hininga.

"..tang*na, pinagpalit ako sa bestfriend ko! Alam mo ba kung gaano kasakit yun?!" pagkasabi noon ay niyakap niya ko ng mahigpit.

Nanginginig ako sa sobrang galit at hinanakit. Pinipilit kong alisin ang pagkakayakap niya sakin pero masyado siyang malakas para sakin.
Hanggang sa sumuko na ko at hinayaan siyang yakapin ako.

"I'm sorry.. I'm so sorry.." umiiyak na bulong niya.

Sa mga oras na to dapat ay umiiyak na ko pero hindi. Walang luhang lumalabas sa mga mata ko. Ganun na ba ko katigas?

Maya-maya pa ay binitawan niya na ko at nakita ko ang namumugtong mga mata niya.

"Malelate na ko. Dyan ka na." Pagkasabi niyon ay tumalikod na ko.

"Hindi ako susuko Fall. Nararamdaman kong mahal mo pa rin ako. Sa ngayon, hahayaan kitang mag-isip. Hihintayin kita mamaya sa lugar kung saan tayo unang nagkita.."

Pagkarinig niyon ay tinuloy ko na ang paglalakad ko at nagkunwaring walang narinig.

Hindi na ako ang dating Fall. Wala na ang Fall na nagmahal sa kanya. Ang Fall na tanga at martir. Matagal ko na siyang pinatay. At kailanman ay hinding hindi na siya babalik sayo.

**
Natapos ang maghapon na wala ako sa sarili ko. Pauwi na ako at kasalukuyang naglalakad.
Hindi ko namalayan na dinadala na pala ako ng mga paa ko sa isang pamilyar na lugar malapit sa simbahan.

Eto yung lugar na ayoko nang balikan. Pero dahil masokista ako, bumalik pa rin ako dito.

Dito ko siya unang nakilala, dito sa mismong lugar na to.

Nagsisimula nang dumilim, at nangongonti na rin ang mga tao. Nakaupo lang ako sa isang malapit na upuan habang nakatanaw sa malayo.

Nagbalik sa ala-ala ko lahat. Ang unang pagkikita namin, ang masasayang araw na magkasama kami. Pati mga tampuhan namin at panunuyo niya. Kasama na ang mga selosan at lambingan. Mga paulit-ulit niyang kwento na hindi ko pinagsasawaan noon. At mga ngiti niya sa tuwing pagmamasdan ko siya mula sa malayo. Mga jokes niyang korni pero nakakatawa pa rin kapag sa kanya galing.

Lahat ng iyon, lahat nasira at nawala. Nang dahil lang sa isang pagkakamali.

Malamig na hangin ang dumampi sa balat ko, kasabay nun ay ang panlalamig ng buong pakiramdam ko. Parang bigla akong gininaw. Parang biglang bumigat yung dibdib ko. Parang bigla kumirot yung puso ko kasabay ng pagpatak ng mga luha sa mata ko.

Bakit niya ba ko sinaktan?

May pagkukulang ba ko?

Anong meron sa bestfriend ko?

Bakit ganun lang kadali sa kanya na ipagpalit ako?

Wala ba kong halaga sa kanya?

Mas bumibigat ang pakiramdam ko sa mga tanong sa isipan ko. Nakagat ko pa ang ibabang labi ko ng matanaw ko siyang papalapit sakin.

Si Paul.


©iamnsc

When The Badboy Falls (BTS Kim Seok Jin Fanfic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon