Hero

785 34 2
                                    

Chapter 11
Hero

His POV:

Hindi ko alam kung gaano katagal na kong nandito sa labas ng church at nakaupo sa bench. Nagpanggap akong nagbabasa ng magazine, pero ang totoo props ko lang yun para makapag-spy kay Fall at sa kasama nya. Sabi kasi ng Royals, isa daw sa tricks para mapasagot ang isang babae, dapat alamin mo ang mga hilig nila. Kaya heto ako ngayon, spymode.

Pero mukhang hindi lang sya ang makikilala ko ngayon. Sino naman kaya ang kurimaw na lalaking 'to na kanina pa nagpapaiyak kay Fall? Hindi nya dapat pinapaiyak si Fall, dahil ako lang ang may karapatang gawin yun! Bleh.

Pakiramdam ko tumataas ang dugo ko sa mga pambobola ng lalaking 'to. Lalaki din ako kaya alam kong niloloko lang nya si Fall. Pero hanga ako sa ipinapakita niyang katapangan sa kabila ng pagtataboy sa kanya ni Fall.

Pero sorry na lang dahil, hindi ako papayag na maagaw nya sakin si Fall. Akin na sya. Akin lang.

Cool na cool akong naglakad palapit sa kanila habang parehong nakapamulsa ang mga kamay ko.

"Baby Fall?"

Pareho silang gulat na napatingin sakin. Syempre dahil sweet akong tao, tinawag ko siyang baby. Hehehe.

"S-still?" nagtatakang sabi ni Fall habang pasimpleng pinapahid ang luha sa pisngi niya.

Sus, di mo na maitatago sakin ang lahat. Napanuod ko kaya lahat. Tsk.

Lumapit ako at inakbayan si Fall. Si Fall naman gulat na napatingin sakin ng masama dahil sa ginawa ko.

'Hoy! Sira ulo anong baby?' Bulong nito sakin.

'Pasensiya ka na pero kailangan kong gawin to para di ka na guluhin ng lalaking to.' Ganting bulong ko din sa kanya. Lalo tuloy kaming nagmukhang sweet.

Ngumiti ako ng nakakaloko at niyakap ko si Fall. Yung ngiting halos mawala na ang mga mata ko.

"Baby! Namiss kita, nandito ka lang pala. Kanina pa kita tinatawagan baby e."

Nakita kong gulat na gulat yung lalaking yun sa ginawa ko, na hanggang ngayon ay nakaluhod pa rin. Si Fall naman mukhang di na makahinga.

Bumitaw ako sa pagkakayakap kay Fall. Nakangiti parin ako at hinawakan ko yung isang kamay niya at saka ko hinarap yung lalaki.

"Oh bakit may nakaluhod dito? Mukha bang poon yung baby ko? Duon ka sa church lumuhod para mas marinig ni God ang prayers mo." Sabi ko na may tonong pang-aasar.

Napakunot noo si Fall at akmang magsasalita na pero pinigilan ko siya at tinakpan ko yung bibig niya. At ngitian lang ito ng nakakaloko.

'Wag kang magulo dyan...' Senyas ko rito habang pinanlalakihan pa ito ng mata. Tapos ay sumulyap ako dun sa lalaki at muling ngumiti para di ito makahalata.

Mabilis na nag-iba yung muka nung lalaki. Tumayo ito at ipinagpag ang pantalon niyang nadumihan dahil sa pagluhod niya.

"Kaya naman pala. May iba ka na, sana sinabi mo agad." Galit na sabi niya habang masama ang tingin sakin.

Kung nakakasakit lang ang tingin malamang duguan na ko dito dahil sa talim ng tingin niya sakin.

Tumalikod na siya at naiwan kami ni Fall. Hahabol pa sana si Fall pero pinigilan ko sya at hinaltak palapit sakin. Kaya nagkadikit ng di sadya ang mga labi namin, sakto naman na humarap yung lalaki at gulat na napatingin samin. Wala yun sa plano pero nagustuhan ko na rin.

"Bakit mo ginawa yon?!" bulyaw sakin ng tigre nang maiwan kaming dalawa.

"Just thank me." Cool na sagot ko.

"Thank you??"nakataas ang isang kilay na tanong niya.

"Welcome." Pang-aasar ko.

"Alam mo ba kung anong ginawa mo? Sinaktan mo sya! Sigaw nya at nagwalk out.

"Ikaw na nga tinulungan ko galit ka pa." Tuya ko dito. Tumigil siya sa paglalakad.

"What?! Tinulungan? Anong pinagsasabi mo?!" sigaw niya.

Konti na lang mababasag na yung eardrums ko.

"Slow mo naman. Diba ayaw mo na sa kanya? Tinulungan lng kita para di ka na niya kulitin. Kung sinaktan ka niya ng isang beses, uulit-uulitin niya pa rin yun. Kaya bakit mo siya patatawarin dahil lang sa lumuhod siya? Kahit sino kayang lumuhod, pero hindi lahat sasaktan ka." Mahabang paliwanag ko.

Saglit siyang natigilan. Nagbago bigla yung mood niya, lumungkot yung mga mata niya. That's it. Be true.

Alam kong naggagalit-galitan lang siya sakin para di ko mahalatang nasasaktan siya. Pero sa nakita ko kanina, I know she's not okay.

"Bakit ka ba nangingielam?!" Sigaw niya ulit.

"Trip ko lang." sagot ko.

Sa totoo lang di ko rin alam kung anong pumasok sa isipan ko kanina e. Basta ginagawa ko lang kung anong maisipan ko, bat' ba?

"Baliw ka!" she shouted then naglakad na siya pero hindi ko siya hinayaang makalayo. Hinila ko siya at muling niyakap, this time mas mahigpit.

Somehow I remember how my Dad suffer when he found out that my Mom is cheating. I don't wanna to see another one suffering.

Naramdaman ko ang pagpupumiglas niya pero di ko siya pinakawalan.

"Wag mong idaan sa galit ang sakit na nararamdaman mo. Umiyak ka kung gusto mo. Tandaan mo tao ka lang at nasasaktan ka. Don't act like a brave one, i know you're not."

Follow me..
©iamnsc

When The Badboy Falls (BTS Kim Seok Jin Fanfic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon