With you

831 34 8
                                    

Chapter 7
With You 

Still Kein Zavier

Napahagalpak ako ng tawa sa sinabi niya. So all this time pala iniisip niyang gagahasain ko siya? Grabe naman to sakin!

Why would i do that, kung pwede namang mangyari iyon ng pareho naming kagustuhan?

Inakbayan ko siya at isinandal sa balikat ko ang ulo niya. Hindi naman ito nakatutol, marahil ay dahil na rin sa pagkabigla.

Oras na para sa surprise na inihanda ko. Watch and prepare to fall.

"Wow.." Amazed na aniya.

Sinunod ko yung payo ni Rlyn na isurprise ko daw siya. Mahilig daw kasi sa surprises ang mga babae. And by seeing this woman's reaction, mukhang tama nga sya.

Napatingin lang ako sa kanya habang siya naman, masayang nakatingin sa langit.

"Ang ganda." Sabi pa niya.

The time almost stops when I saw her eyes. Punong puno yon ng emosyon. Emosyon na gusto kong maunawaan.

She smiles the brightest, and her eyes shines like a precious star. Hindi ko maalis sa kanya yung tingin ko. Pero parang nagugustuhan ko din yung ganito somehow.

Ang cute niya kasi, parang batang ngayon lang nakakita ng fireworks.

"Oo nga.." Wala sa loob na nasabi ko habang tila natigil ang pag-ikot ng mundo ko sa kanya.

'Hey! What am i saying?!'

Hindi ako attracted sa kanya ha. Dun sa ngiti niya at cute na mata niya? No way! Never akong maattract sa mga babae. Hindi nga ba?

"Ang ganda mo.." sabi ko na hindi pa rin inaalis ang tingin sa mga ngiti niya. Tapos napangiti din ako. Kasabay nun ay pakiramdam ko, namanhid ang mukha ko.

But damned! This is not me! Ano bang sinasabi ko? Sinasapian yata ako?

"Ha?" gulat na aniya at napatingin siya sakin kaya nagtama ang mga mata namin.

Nakita kong nagulat siya na makitang hindi ako sa langit nakatingin kundi sa kanya, kaya pinamulahan nanaman ito ng mukha.

Para naman akong binuhusan ng malamig na tubig sa mga titig niya at agad na ibinaling ang tingin ko sa langit.

"N-nung f-fireworks." dugtong ko. Why am i stammering?

Hindi na siya kumibo at ibinalik sa langit ang atensyon niya. Titig na titig siya sa colorful fireworks hanggang sa matapos ito.

"Nagustuhan mo?" I asked bago tuluyang tumayo.

"Hmm, maganda siya.." walang ganang sabi niya.

"So, di mo nagustuhan?" tanung ko tapos nagpout ako. Nahirapan kaya ako sa paghahanap ng fireworks sa Bulacan. It's takes so many hours para hanapin yun.

"Arte nito! Oo na, nagustuhan ko na." pag-amin niya tapos ay agad siyang nag iwas ng tingin.

Napangiti ako at nayakap ko siya ng mahigpit. My effort wouldn't be wasted.

Bumitaw din ako agad at napakamot na lang sa batok nang marealise kong di ko sya dapat niyakap. May sapi nga yata ako.

Nakita kong namumula siya pero hindi ko na lang sinita. Naalala ko kasing nagalit siya last time na sinita ko yung pagbablush niya. If I know kinikilig lang yan sa kgwapuhan ko.

Ilang saglit pa at inaya ko na siyang sumakay sa kotse. Hindi ko pa sana sya aayain, kasi kami naman ang magfi'fireworks. Kaso baka magtiger mode nanaman sya, mahirap na!

When The Badboy Falls (BTS Kim Seok Jin Fanfic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon