Sleep in your arms

747 30 3
                                    

Chapter 23
Sleep in your arms

Her POV:

Ilang araw nang hindi nagpaparamdam si Still. Nag-aalala na ko sa kanya at hindi ko na alam kung anong iisipin ko.

Ilang beses na kong nagtext sa kanya at tumawag pero hindi niya sinasagot ang phone niya.

Ano kayang nangyari sa kanya?

Kaunting hakbang na lang malapit na ko sa bahay. Kakatapos lang ng duty ako at nakakalungkot dahil ilang araw na kong nangungulila kay Still.

Nakakamiss din pala ang kayabangan at kakulitan niya. Lalo na yung mga kasweetan niya. Yiee!

Napahinto ako nang may makita kong lalaking nakaupo malapit sa gate namin. Nakayuko siya at parang pamilyar.

Tumakbo ko at nasabik na makalapit sa kanya. Di ako pwedeng magkamali. Si Still yun..

Nang makalapit ako ay ngiting-ngiti ako at inaasahan kong nakangiti din siya pero ibang Still ang nakita ko ngayon.

Maga ang mga mata niya at halatang wala pang tulog.

Posible kayang alam nya na ang lahat?

Naupo ako sa maliit na batong kinauupuan niya at binitawan ang bag na hawak ko.

Nakayuko pa rin siya at walang imik.

"S-still?" tawag ko sa kanya.

Agad niya kong kinabig nang mga braso niya at niyakap ng mahigpit. Dinig na dinig ko ang bawat paghikbi niya.

"B-bakit?" takang tanong ko. Kinakabahan na ako sa ikinikilos niya.

Mas hinigpitan niya pa ang pagkakayakap niya sakin at mas naramdaman ko ang kalungkutan niya.

Hinayaan ko lang siya gawin iyon. Matagal din siyang nakayakap sakin. Pakiramdam ko nakukuryente ang buong katawan ko dahil sa pagkakadikit ko sa kanya. Pero hindi iyon ang mas dapat kong bigyan ng pansin kundi si Still.

"May nangyari ba?" mahinahong tanong ko nang pakawalan niya ako mula sa mga bisig niya.

"Fall.. Wala na.. Wala na si mama.." umiiyak na sagot niya.

Para akong binuhusan ng nagyeyelong tubig sa narinig ko. Saglit akong natigilan at pakiramdam ko kinilabutan ako sa narinig kasabay nun ay nanlamig ang buo kong katawan.

Kailan lang nang magkausap kami nito. Excited pa naman sana akong isama si Still sa hospital. Ngunit mukhang huli na para dun.

Bakit naging napakalupit naman ng pagkakataon para sa kanila ng mama nya?

Kaya pala ilang araw itong hindi nagparamdam. Kaya pala kahit anong tawag ko rito ng araw na yun, hindi sya sumasagot.

Naramdaman ko ang mainit na luhang dumaloy sa mga mata ko. Nalulungkot ako ng labis para sa kanya.

Muli ko siyang niyakap nang mahigpit. Alam kong kailangan niya ako ngayon, higit kanino man. Pinaka-masakit sa lahat ang mawalan ng ina dahil ito ang nagluwal sa atin.

Pinahid ko ang mga luha niya at saka tumingin sa mga mata niya.

"You'll be okay.."

Ngumiti ako at tumango naman siyang parang bata. Hindi ko akalain na ang mayabang at makulit na si Still ay umiiyak ngayon sa harapan ko. Nasasaktan din ako para sa kanya.

Inaya ko siya sa loob ng bahay at pinatuloy.

Pinagpalit naman ni mama si Still ng damit para mapreskuhan ito. Sinabi namin kay mama ang nangyari at agad naman nitong niyakap si Still.

When The Badboy Falls (BTS Kim Seok Jin Fanfic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon