Last Chapter

822 45 4
                                    

Epilogue

Nakatayo ako ngayon sa harap ng altar. Tahimik at maaliwalas ang paligid. Ang ganda niya sa suot niyang wedding gown. Para siyang anghel na dumating sa buhay namin. Katabi ko si Daddy na masayang-masaya ngayon.

Hindi mali kayo, hindi ako ikakasal. Nandito kami ngayon para sa kasal ni Daddy.

Oo ikakasal na siya, makalipas ang limang taon ay sa wakas nahanap na niya ang babaeng muling magpapatibok sa kanyang puso. Masayang masaya ako para sa kanya. At alam kong ganun din si mama na mapayapa na ngayon sa langit.

Ilang saglit pa ay nakabalik na si Fall galing sa comfort room.

"Baby.." bati niya sakin.

"Baby." Nakangiting bati ko rin sa kanya.

Lumapit siya sakin at naupo sa tabi ko. Magkahawak kamay naming tinapos ang seremonya ng kasal at nakangiting tinanggap ang basbas ng pari.

"Don't you think it is the perfect time?" tanong ko.

"Anong ibig mong sabihin?" nagtatakang tanong niya.

Lumakad ako papunta sa harap niya at lumuhod.

"Fall.."

Tulala siyang nakatingin sakin at hindi makapaniwala.

"Fall.. I want to marry you today and everyday.." hinaplos ko ang mga kamay niya.

"Marry me.." nilabas ko ang maliit na box mula sa bulsa ko at ipinakita ang laman nitong singsing sa kanya.

Nakatulala lang siyang nakatitig sakin.

"Fall.." pagbasag ko sa katahimikan niya.

"S-still.. I'm sorry.."

Parang gumuho ang mundo ko sa sinabi niya.

"H-ha?" takang tanung ko.

"Hi-hindi ko kaya.." malungkot na sagot niya.

Tumakbo siya palabas ng altar. At naiwan akong nakaluhod pa rin.
Pinagtitinginan na ako ng mga tao pero hindi pa rin ako gumagalaw mula sa kinaluluhuran ko.

"Bakit Fall??" napayuko ako at hindi ko na napigil ang pagpatak ng luha.

Tumayo ako at naupo sa kaninang upuang kinauupuan niya. Hinaplos ko iyon na parang naroon pa siya. Pumikit ako ng mariin at napaluha.

"Fall.. Come back.." bulong ko.

Muli kong idinilat ang mga mata ko at bumungad sakin ang kisame ng aking kwarto.

So that was just a dream?

Tumayo ako at patakbong bumaba sa sala. Naroon si Daddy at nakahanda na para pumunta sa simbahan.

Tama, ngayon ang kasal nila ni Tita Elena, nakaidlip na pala ko ng di ko namamalayan. And that was just a nightmare. Bahagya akong nakahinga ng maluwag.

"Still, handa ka na?" tanung ni Dad.

Tumango-tango ako at nagmadaling bumaba ng hagdan.

Nakasakay na kami ni Dad ngayon sa kotse niya. Kitang-kita ko ang kaba sa kanyang mukha.

"Dad, paano ka nagpropose kay Tita Elena?" wala sa loob na tanung ko.

Hindi pa rin nawawala sa isip ko ang masamang panaginip ko kanina.

"Why? Magpopropose ka na ba kay Fall?" tanong niya.

Biglang kumabog ang dibdib ko sa tanong niya. Sasabihin ko ba kay Dad na natatakot akong mareject?

When The Badboy Falls (BTS Kim Seok Jin Fanfic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon