Missing you

834 36 2
                                    

Chapter 12
Missing you

Her POV:

Tulala lang ako sa kisame habang nakahiga sa kama ko. Kanina pa ko gising pero wala pa rin akong balak bumangon. Rest day ko kasi ngayon kaya gusto kong sulitin ang ang pamamahinga.

Hindi pa rin mawala sa isip ko ang mga nangyari last week.

One week na ang nakakalipas simula noong tapusin ko na nang tuluyan ang lahat samin ni Paul. Pero di gaya ng dati, masaya na ko kapag naiisip ko siya. Alam ko kasing ngayon ay wala na ang mga tanong sa isipan ko dahil tuluyan nang natapos ang lahat samin. Hindi ko na rin kailangang umiwas sa tuwing makakasalubong ko siya.

Lihim din akong nagpasalamat kay Still dahil pinagaan niya ang pakiramdam ko. Hindi ko alam kung anong nakain niya at saan lupalop niya nakuha ang mga sinabi niya sakin ng araw na yun. But somehow,
bahagyang nabago ang tingin ko sa kanya. Mabait naman pala siya kahit paano.

Playboy at manyak lang talaga..

Tumayo ako mula sa pagkakahiga at nagpunta sa lumang tokador. May malaking salamin doon at may mga pictures doon na nakadikit. Mabuti at wala kaming pictures ni Paul together kaya hindi na ko mamomorblemang itapun pa yun. Ang ibang nasa pictures ay ako, kasama si Mama at Fia. Ang iba ay ako kasama ang mga classmates ko, meron din namang solo pictures ko pero may isang nakaagaw ng pansin ko.

Picture ni.. Still?!

Paanong nagkaroon ako nito? May kaunting alikabok na ito nang hawakan ko. Pinagmasdan ko pa yun ng ilang sandali at napansin kong may maliliit na letters sa bandang ibaba nito.

"Gwapo ako. :D"

Parang alam ko na kung sinong may gawa nito.

>.<

Tumingin-tingin ako sa paligid pero wala namang tao. Pumunta ko sa sala, kusina at banyo pero walang Still na nagpakita sakin.

Kailan nya kaya nilagay 'to dito? At bakit nya ginagawang album ang kwarto ko?! Ang lalaking yun na bigla na lang di nagparamdam simula nung nangyari sa church! Lagot sya sakin!

Gusto ko sanang tanungin si Fia pero naalala kong wala nga pala siya ngayon dahil fieldtrip nila.

Lumabas ako ng bakuran at nakita ko si Mama na nakikipag-usap sa kapitbahay. Lalapitan ko na sana si mama para itanong kung nagpunta ba rito ang mokong na yun nang biglang nagring ang phone ko.

Unregistered number?

Nakakapagtaka. Lima lang kasi ang alam kong nakakaalam ng number ko which is tanging laman din ng phone contacts ko. Si Mama, si Papa, si Fia, Zoey, at yung 8888.

'Calling 09988101152....'

AcceptDecline ×

"H-hello?" -ako.

"Goodmorning baby ko!" Masiglang bati ng nasa kabilang linya.

Speaking of mokong. Tama! Naalala kong binigay ko nga pala sa kanya yung number ko. Na dapat pala hindi ko ginawa, nahuhulaan ko kasing mangbubuwisit lang ang isang 'to.

Bumalik ako agad sa kwarto at naupo sa kama ko.

"Baby mo muka mo!" Mataray na sagot ko.

"Sungit naman ng Baby Fall ko.."
Naiimagine kong nakapout sya habang nagsasalita.

Teka, bat ko ba sya iniimagine?!

"Nagparamdam ka pa?" inis na singhal ko with sarcasm tone.

Isang linggong hindi nagparamdam tapos ngayon parang timang na tatawag? "Iyiiie.. Miss niya ko.." nang-aasar na sabi niya, na agad namang ikinapula ng pisngi ko.

"Asa!" Sagot ko. Tumawa lang siya sa kabilang linya na tila nang-aasar pa.

"Nakita mo na ba?" tanung niya.

"Alin?" takang tanung ko.

"Yung gwapo kong picture?" Aniya pagka'y humalakhak pa ito sa kabilang linya.

Pss. Sabi na siya naglagay nun e. Ano nanaman kaya trip nito?

"Nilagay ko talaga yan diyan kasi alam kong mamimiss mo ko, five days ago. May inasikaso lang ako sandali kaya ngayon lang ako nakapagparamdam." Aniya, na tila nabasa ang isip ko.

Kapal talaga ng tinga neto enu? Sarap sungalngalin!

Pero teka? Five days na pala tong nandito? Kelan naman kaya siya nagpunta? Wala man lang nag-inform sakin.

"Sinabi ko sa Mama mo na wag nang banggitin sayo na nagpunta ko. Para naman mamiss mo ko. Ano effective ba?" Tuya nito.

Mind reader ba siya? O nahalata lang niyang nag-iisip ako kaya ang tagal ko sumagot? Wtvr!

"Assuming ka masyado. Di kita namiss!" Pagtanggi ko.

"Ganyan naman kayong mga babae e. Lagi niyo dinedeny feelings niyo." Defensive na sagot niya.

"Muka mo, iba ako! Iba yung mga chix mo!" Sagot ko. Bakit ba ang lakas mang asar nito?

"Bakit, alien ka ba?" tumatawang sagot niya.

"Gagu." Sagot ko.

"Awts! Teka, sinong chix ko? Naks, selosa pala ang baby ko. Hahahaha!" Pang aasar pa nito.

"Iyiiiee, selos siya."

Otomatikong nanlaki ang mga mata ko at ini-end ng call. Nagseselos ba talaga ang dating ko?!

'Call ended..'

Pero ilang segundo pa lang ang nakakalipas ng muli nanamang tumunog ang ringtone ko.

'Calling 09988101152....'

Accept √ Decline ×

"Ano ba?!" sagot ko matapos sagutin ng tawag niya. Ba't ba ang bilis ko maiinis sa mokong na'to?

"Wala akong chix. Yung mga babaeng tinutukoy mo. Mga nagkakagusto lang yun sakin, tapos kinukulit ako kaya pinapatulan ko nalang. Intindihin mo naman mahirap maging gwapo." Pagyayabang nya sa kabilang linya. Kaya naman napa-facepalm na lang ako sa kahanginan nito.

"Wala ka bang magandang sasabihin?" inis na tanong ko imbis na sagutin ang kayabangan niya.

Pero somehow parang biglang humupa yung galit ko. Effective yata yung kahanginan nya.

O nakalma lang ang utak mo sa sinabi niyang wala raw siyang babae?

Manahimik ka dyan brain!!

"Meron." Sagot niya.

"Talaga?! Siguraduhin mong di na kahanginan yan." Iritang ani ko.

Narinig ko pang tila huminga ito ng malalim bago muling nagsalita.

"Alam mo namiss kita.."

//O.o//

Seriously?

Shut'up brain! At ikaw naman heart mamaya ka na kiligin please!

©iamnsc
°Enjoy reading!Ü°

When The Badboy Falls (BTS Kim Seok Jin Fanfic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon