My Boyfriend?

1K 48 2
                                    


Chapter 5
My Boyfriend?

His POV:

Nakapark ang kotse ko sa labas ng bar. As usual, balak ko nanaman sanang pumick-up ng chix.

"Liyan, asan na?" tanong ko sa kausap sa phone. Inip na kasi ko. 20 seconds na kasi ko dito sa labas, hindi dapat pinaghihintay ang mga gwapo.

"Pare- ..uuhhh.. Wait- Ummmh.. Shit!" paputol putol na sagot niya at saka tuluyang binaba ang tawag ko.

Letse! Kaya naman pala e, nauna ng pumick up ang loko. Pss. Nasayang lang ang paghihintay ko. Ayoko pa naman sanang umuwi.

Aalis na sana ko ng may makita kong dalawang lalaking lasing sa di kalayuan. May batang babae na naglalakad sa harapan nila. Nasa 5'2 ang height nito, medyo chubby ito at cute. May dala itong bagpack at isang payong na kulay pula. Sa tingin pa lang alam ko na ang nasa isip ng mga balugang nakasunod sa batang babae.

At maya-maya pa, ayun na nga. Nakapalibot na sila sa batang babae. Habang yung bata naman mukhang natatakot na, bahagya itong napaatras.

"Shit!" bulalas ko at bumaba agad sa kotse ko at nilapitan sila.

"Hoy itigi-?" naputol ang sasabihin ko ng biglang paghahampasin ng batang babae ng payong na dala niya yung dalawang lalaki.

"Mga unggoy! Lumayo kayo sakin, kadiri kayo! Isusumbong ko kayo sa ate ko! Mga manyak!!" sigaw ng batang babae. Hindi ako makapaniwalang napatitig sa batang babae at sa panay ang ilag na dalawang lasing. Mukhang nahimasmasan yata sila sa lakas ng mga hampas nung bata.

"Oh! Narinig niyo? Pipiliin niyo ang pagtitripan niyo sa susunod! Layas!"

Pinagsisipa ko sila at nagsitakbuhan ang mga loko. Mga weak naman pala, natakot sa bata. Tss..

"Okay ka lang?" tanong ko sa batang babae.

"Opo, salamat kuya." Nakangiting sagot niya.

"Ang tapang mo pala ha, sa susunod wag ka ng dadaan dito ng mag-isa. Saan ba ang bahay mo, ihahatid na kita?" tanung ko. Saglit siyang nag-isip at tiningnan ako. Mula ulo pababa sa paa.

"Gwapo ka naman kuya at sa tingin ko, hindi ka mukhang gagawa ng masama. Doon po, medyo malapit lang dito." Sabi niya at saka hinila ang braso ko.

Napangiti naman ako sa kanya at ginulo ang buhok nito, mukhang magkakasundo kami. Buti pa ang mga kabataan, marunong makaappreciate ng kagwapuhan ko. Naalala ko tuloy bigla yung babaeng bwisit nung isang gabi. Ah! Nvrmnd! Pag nakita ko talaga yun ulit, lagot siya sakin!

"Kuya, dito!" turo niya sa isang gate na kulay pink. Hindi kalakihan ang bahay nila pero masasabi kong maganda ito kahit papaano at napakalinis ng paligid. Agad siyang nagdoorbell at maya-maya pa ay may sumagot sa loob.

"Sino yan?" tanong ng boses ng babae.

"Ang bunso mong maganda." Sagot naman ng batang kasama ko. Aba't mukhang nagmana sakin 'to ng self confidence.

Pero di nga maitatanggi maganda nga siya. Yet, wala sa bokabularyo ko ang pumatol sa bata.

"??"

Bumukas ang pinto at gulat na napatingin sakin ang matandang babae. Palipat-lipat ang tingin niya samin ng batang kasama ko.

"Fia?! Diba sinabi ko na sayo wag kang gagaya sa mga pabebe diyan na nagboboyfriend ng maaga, ano ka ba naman anak?" malungkot ang boses na sabi ng matandang babae.

Ano bang pinagsasabi niya? May mali yata?

"Ma, huwag ka ngang OA. Di ko siya boyfriend." Sagot naman ng batang babae at saka hinila na ako papasok sa bahay nila.

When The Badboy Falls (BTS Kim Seok Jin Fanfic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon