Nine - Frustrated

15.3K 579 97
                                    

Chapter Nine – Frustrated


Kung makangiti ang Aiken Four ngayon ay tila ba nanalo sila sa lotto. They had wide smiles all over their faces the moment they heard the dismissal bell rang loudly. Senyales kasi ito na tapos na ang klase nila kaya makakapunta na sila sa bahay ni Kara.

"Ayos! Tara na. Excited na ko!" Bash smirked.

"Pina-cancel ko talaga 'yung photoshoot ko ngayon para dito," Marc shared.

"Buti nagawa ko na 'yung project ko. Atleast free na ko tonight," Rain said.

"Kahit na grounded ako, pupunta pa rin ako sa bahay niyo," natatawang sambit ni Jarvis.

Tumawa lang si Kara at tumayo na rin. Inayos niya muna ang kanyang bag bago siya naglakad palabas. Of course, nakasunod na naman ang A4 na parang mga tuta.

"So? Saan ba itong bahay niyo?"

"Bahay? Bash, hindi. Mansion 'yun."

"Sus. Masyado mong pinapahalatang stalker ka, Marc."

"Oo nga. Alam na naman nating lahat na malaki ang bahay niya."

"I guess you guys really did your homework. Kamusta nga pala ang pag-stalk niyo sa buhay ko?" biro ni Kara.

"We heard a lot."

"But it doesn't matter at all."

"Tungkol sa amin naman ang pagusapan natin dito."

"Kilala mo ba talaga kami?"

Kara Jade stopped walking. Nasa hallway na sila kaya naman napakadaming estudyante ang tumitingin ngayon sa kanila. "Yeah, I do."

"Prove it," paghahamon ni Bash.

"Oo nga. Ano bang alam mo sa'min?" Marcus asked.

"We hope you won't be offended. Gusto lang namin malaman dahil curious kami," Rain explained.

"Bukod sa mga pangalan namin, ano pa ba ang alam mo?" Jarvis insisted.

Umiling at tumawa si Kara ngunit hindi siya kaagad nagsalita. Instead, she walked away. Nagtatakang sumunod ang apat hanggang sa makarating sila sa parking lot kung saan mas kakaunti na lang ang mga tao. Umupo si Kara sa hood ng kotse ni Jarvis bago ito nagsalita.

"Now why should I answer any of your questions?" tanong niya habang tinitignan ang mga kuko niya sa kamay. Her newly painted red nails matches the color of her lips. "It's not like I owe you guys an explanation, right?" She continued.

Natahimik ang Aiken Four. Pare-parehas silang nagisip ng dahilan ngunit ni isa ay walang umimik. Kara smiled and stood up before staring at them intently. Kinabahan sila bigla dahil ngayon lang nila nakitang magseryoso ito nang sobra. She's looking at them like she's about to say something cruel, but then her angelic smile suddenly came back.

"Dadating din tayo diyan. Wag kayong magmadali."

Nagkatinginan ang apat. Hindi nila alam kung ano ang dapat nilang maging reaksyon sa sinabi ni Kara. They all doubt her honesty. Kahit gusto nila ito ay may parte sa kanila na nagdadalawang isip kilalanin ang napaka-misteryosong babae sa harapan nila.

"You're lying."

"I think you're just fooling around."

"You know nothing."

"You're just bluffing."

Tumaas ang isang kilay ni Kara Jade. "Fine. Sige magsasalita na ko. Ayoko kasing may mga nagdududa sa'kin."

Alluring Kara JadeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon