Epilogue

13.7K 416 86
                                    

Epilogue


After 4 years.


"AHHHHHHHHHHHHH!"

"JARVIS! JARVIS! JARVIS!"

"J-FALLEN! MAHAL NAMIN KAYO!"

"OHMYGHADDD!"

"NANDITO NA DAW SILA!"

"DUMATING NA ANG KOTSE NILA!"

"ANO? SINO MAY SABII?"

"YUNG MGA FAN SA LABAS!"

"WAAAAAAHH!"

Natatawa na lang si Jarvis sa kanyang mga narinig. Naka-disguise siya ngayon at suot-suot ang bear mascot niya. It is his band's first concert today kaya naman nagkakagulo talaga ang mga tao. Matagal na nilang hinintay ito.

"Ay ang cute oh! Pa-picture tayo! Bilis" Tumigil sa paglalakad si Jarvis ng may lumapit sa kanyang mga dalaga. After a few takes ay nagpasalamat na ang mga ito kaya nakaalis na rin siya.

He wanted to see for himself how cool the crowd is. Tsaka pampawala na rin ng kaba ang makita niya na ng malapitan ang mga fans niya.

Malapit na sa kabilang door si Jarvis ng matisod siya at matanggal ang ulo ng bear costume na suot niya.

"Hala kawawa naman si kuya!"

"Teka tulungan natin"

His eyes widened in shock. Agad siyang tumayo ngunit sobrang bigat ng mascot kaya nahirapan siya. Nung naitayo na siya ng mga babae ng maayos ay nanlaki ang mga mata nito.

"Hehe hi," bulong niya.

"OHMYGHADDDDDDDDDDDD!"

"JARVISSSSSSSSSSS!"

"WAHHHHHH!"

Nagsigawan na ang mga tao at nagtatalon. Niyakap siya ng ilan at pinagkaguluhan na. Mabuti na lang at matangkad siya kaya nakita niya ang mga security team. Sinenyasan niya ang mga ito kaya nahila siya agad papasok sa backstage.

"ANONG NAISIP MO AT DOON KA PA TALAGA SA HARAP DUMAAN? KANINA KA PA NAMIN HINAHANAP! MABUTI NA LANG TALAGA AT MABILIS ANG MGA GUARDS KUNDI------"

"Chill. I'm okay," tatawa-tawang sabi ni Jarvis sa manager niya.

"Napaka-pasaway mo kahit kailan. Sakit ka sa ulo!"

He took off the body suit and then he headed straight to his dressing room.

"You were supposed to be relaxing here para mas maganda ang boses mo mamaya. Pero ano? Talagang ipinain mo ang sarili mo sa mga wild fans mo----"

"Nabo-bored kasi ako. I just want to have fun."

Panay practice na lang ang ginawa ko for the past months ever since nag-sign ako sa contract. Oo masaya at lumalaki lalo ang fanbase ko at mas sumisikat ako pero nawawala na rin ang freedom ko paunti-unti.

I miss the old me. Yung carefree at walang pakielam sa mundo na Jarvis. Yung sira ulong malakas mang-trip.

"You call that fun?"

"Obviously, hindi mo pa ko masyadong kilala. Nung college student pa ko----"

"That was a long time ago, Jarvis. Singer ka na ng isang banda ngayon. Be professional."

He frowned and stared at himself in the mirror.

"Bring me some food and water please," sabi na lang niya. "I'm kinda hungry."

Alluring Kara JadeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon