Eighteen - Proving

10.4K 433 73
                                    

Chapter Eighteen – Proving


"Is it true na kayo na raw ni Katie Piper at nililihim niyo lang sa public all this time?" tanong ng isang media na hinahabol si Marcus habang naglalakad ito sa street. Nagkakagulo ang lahat upang makakuha ng statement from him.

"No. We're just friends," seryosong sagot ni Marc.

"Pero may mga picture na kumakalat sa internet ngayon. Pinuntahan mo daw siya kagabi ngunit umalis ka ng madaling araw. Anong ginagawa mo doon?"

"No comment. Excuse me lang," sabay sakay niya sa kanyang kotse.

Pinatay na ni Kara ang television at uminom ng hot chocolate na ginawa ng lola niya for her.

"Hindi ba't siya 'yung isa sa mga kaibigan mo, iha?"

"Yes nana," simpleng sagot niya lang.

"Nagaway siguro sila nung Katie na iyon."

"Paano niyo po nasabi?"

"Kasi iha, hindi aalis 'yan ng madaling araw kung ayos lang sila."

Siguro nga ay nakipag-break na siya kay Katie. Ginawa niya ang gusto ko. He really proved to me he loves me.

Tumayo na Kara at kinuha na ang kanyang bag. "I'll see you later nana. Love you!" Hinalikan na niya ito sa pisngi at nagmadali ng lumabas ng bahay.

"I guess he's a man of his word," Kara mumbled while thinking of Marcus.

***

That day, laman ng usapan sa buong campus ang pangalan ni Marc. Everyone's talking about him.

"So totoo pala na may relasyon sila?"

"Hindi nga daw, magkaibigan lang daw. Kulit!"

"E bakit siya pumunta sa place ni Katie kung wala?"

"Malay mo nag-hangout lang"

"Inabot siya ng madaling araw teh!"

"Siguro friends with benefits haha!"

Umupo si Kara sa tabi ni Joanna na hirap na hirap maglagay ng lipstick.

"How do you do it, Kara? Bakit pag sa'kin, laging lagpas?"

"It's all about practice. Hey, have you seen Marc?"

"Feeling ko aabsent siya," Binaba na ni Joanna ang lipstick at pinunasan na lang ang lips niya gamit ng tissue. Suko na siya dahil talagang hindi siya marunong gumamit non.

"Paano mo nasabi?"

"This isn't the first time na naging laman ng social media at ng news si Marc. Kahit noong una palang nagkakilala sila ni Katie ay naging usap-usapan na sila. For sure, grounded na naman 'yun by his father. No phone, no laptop at pinag-stay lang sa condo niya."

Kara nodded. "Maybe I should visit him later."

"You can't" Napalingon sila kay Jarvis na kakadating lang.

"What do you mean I can't?"

"Angel, may mga bodyguards na magbabantay kay Marcus. Pinagbalaan na kasi siya ng papa niya na mag-lie low muna sa ngayon pero hindi siya nakinig. Nakailang strike na siya that's why tito is teaching him a lesson."

"Hanggang kailan naman 'yan?"

"I don't know. Maybe a week or two. Why?"

"Just curious." Alam ni Kara na nagseselos si Jarvis kaya hindi niya na sinabing nagwo-worry siya kay Marcus. Dumating na rin namang professor nila kaya natahimik na silang lahat.

Alluring Kara JadeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon