Fifteen - Downfall

10.9K 466 89
                                    

Fifteen - Downfall


"Yes, that's true. She pulled my hair this afternoon." Kara confessed.

"Bakit naman po gagawin iyon ni Ms. Harper?"

"Because she hates me. Malaki po ang gusto niya kay Jarvis, who apparently is courting me."

"So in other words, may dahilan ka upang gumanti sa kanya? 'Di ba? Kasi sinaktan ka niya?"

"Excuse me. Hindi na pagtatanong 'yan. You're already accusing my client," seryosong sabi ng lawyer ni Kara. Her grandmother immediately called this guy as soon as they arrive at the police station.

Kara shook her head. "I'm not the kind of person who's fond of revenge. I usually just cry."

Tumango ang police officer at binasa pa ang ilan sa mga papel na nasa lamesa.

"And where were you between five to seven o' clock?"

"I'm with my friend, Joanna Miller. Nilibre niya po ako dahil gusto niyang mapagaan ang loob ko."

"Saan kayo mismo nag-stay?"

"Nasa town po kami, sa Vikings."

"Okay ma'am. Thank you for your statement."

Tumayo na si Kara at lumabas na ng kwarto. Nakita niya doon ang mga kaibigan niya; Joanna, Bash and Marcus. Wala pa si Rain at Jarvis ngunit nandun na si Victoria na iyak ng iyak ngayon.

Umupo si Kara sa tabi ni Joanna.

"Bash Aldaine Montealegre?" pagtawag ng police na nag-interview kay Kara.

"That's me."

"Dito po tayo, sir." Bash gave her a tight smile before he went inside the room. Kasama niya rin ang lawyer niya. Nandoon ang father ni Bash na mukhang disappointed sa mga pangyayari.

"Iha, tara na. Umuwi na tayo." Dumating na ang lola ni Kara. Lumabas kasi ito saglit dahil may kausap sa telepono kanina. "How'd it go?"

"They just asked me a few questions."

"That poor girl. Ano nga ulit ang pangalan niya?"

"Harper Hayes po."

"Everything's settled. Tatawagan na lang daw po kayo ng mga police in case your statement proves that you have something to do with what happened. Kapag pinapunta po ulit kayo dito, sabihan niyo po ako kaagad," Their lawyer said.

"That's good. Mabuti ay hindi ka nila ide-detain dito sa presinto. Let's go home, apo."

"Nana, I can't go with you. Walang kasama si Joanna. Also, she needs our help. Wala po siyang lawyer."

"Where are your parents?" tanong ng matanda.

"Cannot be reached po," sabay angat ni Joanna ng phone niya.

"Kara's lawyer can be yours too." Sinenyasan ni Lola ang lalake at agad naman itong tumango.

"Please help her and after that, send her home. Make sure she's going to be safe. Oh pano iha, uuwi na kami ng apo ko. Gabi na at gusto ko ng matulog." Ngumiti si Lola sa kanila.

"Salamat po ng marami."

"Everything's going to be alright." Niyakap ni Kara si Joanna ng mahigpit. "Wag kang kabahan. Wala ka namang ginawang masama. Okay?"

Joanna nodded.

Tumayo na si Kara ng maayos at aalis na dapat sila ng may marinig silang sigaw ng isang matandang lalake na naka-suit and tie pa. "WALANG MODO KA TALAGA!"

Alluring Kara JadeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon