Chapter Twenty One - Clues
Hindi makatulog ng maayos si Bash kakaisip kay Joanna at sa kaibigan niyang si Rain. It also didn't help the situation that Blake didn't go home again tonight.
Nag-leave lang ito ng message na nakitulog sa mga kaibigan niya at wag muna siyang kukulitin dahil problemado siya ngayon.
"It's been two days. Hindi ito gawain ni Blake," worried na sabi niya sa sarili.
Tinawagan niya kanina ang parents nila ngunit ang papa niya ay busy samantalang ang mama niya naman ay kumakampi kay Blake. Ani nito 'Hayaan mo muna ang kapatid mo. Nagdadalaga yon. Ang mahalaga, ina-update niya tayo'.
Tumayo na lang si Bash mula sa pagkakahiga sa kama niya at bumaba papuntang kitchen upang uminom ng tubig. Sobrang tahimik sa paligid dahil tulog na ang mga maids nila. Ang mga bodyguards naman nila ay nasa labas.
Since he's really feeling anxious, he decided to call Joanna's phone. Nakuha niya iyon mula sa kaibigan ng papa niya na IT expert.
Isang inaantok na boses ang sumagot sa telepono. Sh*t. 2 am na pala...
"Hello?"
"Si Bash 'to. Sorry kung nakakaistorbo, 'di kasi ako makatulog. Pwede ba tayong magusap? Please."
Ang tagal nanahimik ni Joanna. "Anong paguusapan natin?"
"Tungkol sa nangyari kanina sa burol ni Vic."
"I don't know what you're talking about. I'm hanging up. Bye."
"Wait lang----"
Agad siyang binabaan nito ng telepono. Sinubukan ulit ni Bash tumawag pero mukhang blocked na ang number niya sa cp nito. Sa inis ay muntikan na niyang ihagis ang cellphone niya.
"Taragis naman Joanna! Ano ba kasing nililihim mo?"
Kinabukasan ay maagang pumasok sila Jarvis at Marcus. Male-late ng kaunti si Bash dahil kakagising lang daw nito. Napuyat nga kasi siya.
"So anong plano? Paano natin mapapaamin si Joanna?" tanong ni Marc.
"Easy lang 'yan bro. Takutin natin siya. Lahat naman ng taong takot, umaamin."
"And how exactly are you going to do that?"
"Watch and learn." Pagkakitang-pagkakita nila kay Joanna ay tinakpan agad ni Jarvis ang bibig nito at hinala papasok ng isang classroom. Marc looked around to check kung may nakakita ba sa kanila bago siya sumunod sa loob.
"Spill," utos ni Jarvis. Nanginginig ang mga kamay ni Joanna habang tinititigan ang dalawa.
"Ano bang kailangan niyo sa'kin?"
"Just tell us where the heck Rain is!" buwisit na sabi ni Jarvis. Kahapon pa maiinit ang ulo niya.
"Hindi ko nga alam!"
"You can't fool us. Halatang-halatang may alam ka. Oy, kung mahal mo pa ang buhay mo, umamin ka na."
Nanlaki ang mga mata ni Marcus dahil nagluha agad ang mga mata ng weirdong classmate nila. Lumapit siya kay Jarvis at tinulak ito ng kaunti. "Dude, wag ganyan."
Yumuko si Marc at hinawakan ang kamay ni Joanna. "I know you like Rain. Pero hindi ibig sabihin niyan ay kailangan mo ng pagtakpan ang kung ano man ang ginawa niya. He will never love you dahil si Kara ang gusto niya."
Joanna just bit her lower lip. Mukhang may gusto itong sabihin pero nagpipigil ng sarili.
"Kanino ka ba natatakot?"
BINABASA MO ANG
Alluring Kara Jade
Mystery / ThrillerKara Jade is not like the rest and surely, not going to be one. But being different is what makes every guy in the room swoon over her. They will go on lengths just to have her. Who is she? No one knows. **** Aiken High University is a place where...