Twelve - Museum

11.4K 516 76
                                    

Chapter Twelve – Museum


Kara woke up earlier than expected because of her grandmother's voice. "Iha, gumising ka. May bisita ka."

"What? Sino po Nana?"

"Yung kaibigan mong lalake. Teka, hindi mo siya inimbita dito?"

Kumunot ang noo ni Kara ng makitang 8 am pa lang ng umaga. She's so sleepy and since it's Saturday, she slept a little late last night. Akala niya'y makakatulog siya hanggang tanghali.

"Who is it?"

"Rain daw ang pangalan niya." Tumaas ang isang kilay si Kara.

"I'll be right there, Nana. Please offer him some drinks."

"Nagawa ko na apo. Maligo ka na ng makababa ka na."

Tumayo na siya at agad nagayos. Pagkatapos maligo ay nagsuot siya ng isang white dress at ipinusod na ang kanyang buhok.

"Hmmmm. Rain's quite determined," She mumbled before she went out of her room.

"At yun na nga, nadapa siya! Tawa kami ng tawa noon!" rinig niyang pagkukwento ng kanyang lola.

"Nana, I told you to stop telling my friends about my childhood days," biro ni Kara nang makalapit na ito sa kanila. "Hey Rain!"

"Good Morning Kara," bati nito na may malaking ngiti sa labi.

"Ang aga mo yata. Anong meron?"

Biglang tumunog ang telepono sa bahay. "Maiwan ko muna kayo," her nana said.

"Yayayain sana kita lumabas kung okay lang," Rain said.

"Sure. Wala naman akong lakad ngayon. Saan tayo pupunta?"

"It's a surprise."

Kara smiled widely. You can't surprise me, Rain. I know your whereabouts. I know exactly where are you planning to take me.

"Do you want to eat breakfast first?"

"Drive-thru na lang. Mahaba pa ang byahe natin."

Oh rain. You are so predictable.

"Let's go then." Nagpaalam na si Kara sa lola niya at agad na silang sumakay sa kotse.

"I didn't know you drive."

"I thought you know everything," nakangising sagot ni Rain. Ngumiti na lang siya at nag-seatbelt na.

"What do you want to order?" tanong ng binata ng nakapila na ang kotse nila sa drive-thru ng isang fast food chain.

"Nuggets only. Papapakin ko lang." Pagkatapos nilang bumili ay agad kumain si Kara. They were laughing because she's pretty hungry.

"Ganyan ka ba talaga mag-drive? Mabagal?"

"No. Kasama kasi kita. Ang gusto ko lagi kang safe." Such a gentleman.

Ilang oras din ang naging byahe nila. Nakapagpatagal pa lalo ang traffic sa edsa.

"Welcome to the museum!"

"Cool," Kara pretended to be amused.

"It's my father's," Rain said as he parked his car at the side. Nauna siyang bumaba upang pagbuksan ng pintuan si Kara.

"Talaga? Astig!"

"I requested it and I was surprised he really invested here in the Philippines even though he's working in Korea."

Alluring Kara JadeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon