Sixteen – Teamwork
Isang linggo na ang nakalipas ngunit hindi pa rin nagkakaayos ang Aiken Four. Tuwing nagkikita-kita sila sa hallway ng campus o sa classroom ay nagiiwasan sila ng tingin.
"Just talk to them, kuya please!" pagmamakaawa ni Blake. She can't handle seeing her brother and his childhood friends having a fight.
"Go away Blake," iritableng sabi ni Bash habang nagtatali ito ng tirintas ng sapatos.
"I'm not gonna leave your side until you agree with me! You have to talk to them! Apologize----"
"I SAID, GO AWAY!" sigaw na ni Bash.
All his teammates stopped to look at them. They're practicing for the upcoming national basketball game right now, kaya wala sa mood si Bash para intindihin ang pangungulit ng kapatid niya.
"Kuya naman, nagaalala lang ako."
"You don't need to." Pagkatapos ay tumakbo na si Bash palayo kay Blake. Walang nagawa ang kapatid niya kundi magmaktol na lang palabas ng gym.
"Ugh, this is so frustrating. That Kara girl kasi, napaka-epal!"
Habang naglalakad papunta sa locker niya ay nakita niya si Rain. Saktong-sakto!
"Kuya Rain!" She shouted.
Lumapit naman ito sa kanya. "Yeah?"
"Magkaaway pa rin ba kayong apat?"
Rain frowned. "Bakit ako tinatanong mo? 'Di na ba kayo naguusap ni Bash?"
Hindi pinansin ni Blake ang mga tanong nito. "Pwede bang magbati na kayo?"
Hindi na sumagot si Rain. Naglakad na lang siya palayo. Blake ran towards him. Hinabol niya talaga ito. "Ano ba kasing pinagaawayan niyo? Si Kara na naman ba?"
Rain stopped walking. Tinignan niya ng masama si Blake. "Stop bothering me. Okay? Kung apektado kang wala na ang Aiken Four, pwes problema mo na 'yon. Ano 'to, inutos sa'yo ng kuya mo kasi wala siyang mukhang maiharap sa'min?"
"It's not like that. At walang kinalaman si Kuya dito. I just want you guys to go back---"
"Blake, may isa sa aming apat ang nanakit kay Harper at hangga't walang umaamin, hindi mo kami mapipilit pagkatiwalaan ang isa't-isa. You're just wasting your time. I'm sorry."
Bumuntong hininga si Blake habang pinapanuod si Rain mawala sa paningin niya.
"What was that?" Napalingon siya sa gilid niya. She saw Jarvis staring at her.
"Hey," nanlulumong bulong ni Blake. "Kuya, help me. Gusto kong mabuo na ulit ang A4."
Jarvis shook his head. "Kahit naman ako nalulungkot na nasira 'yung pagkakaibigan naming apat. Pero wala na tayong magagawa. We already lost each other."
"It's not too late, kuya Jarvis. Kung maguusap-usap kayo ng maayos, baka malaman niyo na kung sino 'yung bumugbog kay ate Harper."
"Hindi ko ibababa ang pride ko para pilitin silang makipagusap. Kung ayaw nila, e 'di wag. Paano Blake, may klase pa ko. See you later!"
Blake bit her lower lip and forced herself not to cry. Naiinis talaga siya na wala siyang magawa sa sitwasyon. She grew up seeing the four of them always together.
Naglakad na lang siya at umakyat na papunta sa second floor. Papasok na sana siya sa classroom niya ng may mahagilap ang kanyang mga mata.
"Kuya Marcus!" sigaw niya.
BINABASA MO ANG
Alluring Kara Jade
Mystery / ThrillerKara Jade is not like the rest and surely, not going to be one. But being different is what makes every guy in the room swoon over her. They will go on lengths just to have her. Who is she? No one knows. **** Aiken High University is a place where...