Chapter Twenty - Burial
Halos tulala si Kara habang kinakausap siya ni Mrs. Fontanilla.
"What are you feeling right now?" tanong nito.
"I don't know. I can't explain it."
"Well then just tell me what you're thinking."
"Vic's face," naluluhang sabi niya.
"Anong itsura ng mukha niya, Kara?"
"Bilog na bilog ang namumulang mga mata niya at halatang sumigaw siya bago siya malagutan ng buhay. I can imagine her shouting for her life. It's horrible. How can someone kill her? Alam ko hindi mabuti si Victoria sa mga tao sa paligid niya but she doesn't deserve this."
Tahimik na may isinulat si Mrs. Fontanilla sa kanyang hawak na papel.
Yumuko si Kara at pinikit ang kanyang mga mata. She wanted to hold her tears.
"I think that's enough for today. Kaya mo bang pumasok sa mga klase mo o gusto mong bigyan kita ng excuse letter para makauwi ka na agad?"
"I'm good. Salamat na lang po. I'd rather be with a lot of people than stay at home."
Tumayo na si Kara at kinuha na ang kanyang bag. Paglabas niya ng guidance office ay lumapit kaagad sa kanya si Bash. "Kumusta?"
"Kayo dapat ni Blake ang tanungin ko niyan. Nakausap mo na ba siya?"
Umiling si Bash. "Hindi siya umuwi kagabi."
"Ano?"
"Pagdating ko sa bahay, ang sabi sa'kin ng mga katulong namin ay wala pa daw siya. So I called her but she's not answering her phone. Nag-worry ako pero buti ay nag-text siya na nakitulog daw siya sa kaibigan niya."
Kara frowned. Ayaw niyang magisip ng kung ano-ano pero may biglang pumasok sa utak niya na maaaring hindi si Rain ang pumatay kay Victoria kundi si Blake.
They both hated her. At masyado naman yatang timing na hindi umuwi ng bahay nila si Blake kagabi.
Hindi naman siguro niya magagawa 'yun...
"Pumasok ba siya? Gusto ko sana siyang kausapin," Kara asked.
"She told me she's sick kaya umuwi na lang siya sa bahay ngayon. Parang naulanan yata kagabi kaya nilalagnat." Mas lalo ng nagduda si Kara.
"Please tell her to take care of herself. Paano Bash, mauna na ko. Male-late na ko sa susunod kong klase."
"Hatid na kita sa classroom mo."
Umiling si Kara. "Hindi na. Kakausapin ka pa ni Mrs. Fontanilla 'di ba? Kayo ng Aiken Four?"
"She can wait. Halika na----"
"Will you just stop?" pagalit na sabi ng dalaga.
Natigil si Bash. "Galit ka sa'kin?"
Hindi sumagot si Kara. Instead ay naglakad na lang siya palayo. Ngunit hindi naman nakatulong ang mga bulong-bulungan ng mga tao sa paligid niya. Madaming usapan ang kumalat na silang dalawa daw ni Marc ang pumatay kay Vic pero meron din namang mga estudyanteng pinagtatanggol silang dalawa.
"It can't be her. Nakita ko siya that night. Galing pa nga siya sa clinic nun e."
"Sabi nila si Marc daw."
"I saw him that night. Nagtatakbo siya. Hinabol pa nga namin e kasi magpapa-picture sana kami kaso nagkita na sila ni Kara."
"Kung hindi silang dalawa, e sino?"
BINABASA MO ANG
Alluring Kara Jade
Mystery / ThrillerKara Jade is not like the rest and surely, not going to be one. But being different is what makes every guy in the room swoon over her. They will go on lengths just to have her. Who is she? No one knows. **** Aiken High University is a place where...