Chapter Eight – Investigate
Instead of focusing on their school works, they studied Kara. Lahat ay ginawa nila upang magkaroon sila ng impormasyon tungkol sa pagkatao ng misteryosong babaeng kinahuhumalingan nila.
"She's definitely clean," bigla na lang sambit ni Bash habang ngumunguya ng kinakaing chichirya.
Wala kasi silang klase ngayon sapagkat kasalukuyang tumatakbo ang programa para sa meeting de avance ng mga student council. At dahil hindi naman interesado ang Aiken Four dito ay tumambay na lang sila sa garden ng school kaysa manuod sa gymnasium.
"Anong clean? Gulo mo uy," Marcus frowned.
"Oo nga, mukha naman talaga siyang malinis ah," Jarvis commented.
"Ambobo niyo. I think Bash is talking about Kara's health," Rain said with a bored tone.
Nagkatinginan sila Marcus at Jarvis sabay humagalpak sa tawa.
"Exactly. According to my investigator ay hindi nagte-take ng drugs si Kara at hindi rin ito mahilig uminom ng alak at manigarilyo. Tol, paabot nga nung C2." Hinagis ni Jarvis ang C2 kay Bash bago ito humiga at tinitigan ang langit.
"Sus. 'Yan lang nalaman mo? Mahina ka," asar ni Marcus.
"Bakit pre? Ano bang maipagmamayabang mo?"
Umayos ng upo si Marc. "Kara's living with her grandmother because her whole family died in a fire accident a few years ago. Namatay doon ang mga magulang at ang babaeng kapatid niya."
Napatayo si Jarvis sa gulat at natahimik naman sila Bash at Rain.
"Whoah," bulong ni Bash. "Ang tanga naman nung kinausap ko. Bakit hindi niya nalaman 'yan?"
"See? Kasi nga mga bulok kayo."
Tinignan nila ng masama si Marc kaya tumawa ito.
"All I know is that she's rich. Haciendera ang lola niya at madami silang mga lupain sa probinsya. Kaso dito na sila tumira dahil gusto siyang mabigyan ng lola niya ng magandang edukasyon," Rain shared.
"Haciendera? Nice. Kaya pala nakapasok siya dito sa Aiken High," Bash smiled.
"Oh ikaw Jarvis, ano madadagdag mo?"
Uminom muna si Jarvis ng sprite bago ito nag-fake cough, kunwari ay nire-ready niya ang kanyang lalamunan. "Wala."
Nanlaki ang mga mata ng tatlo.
"Anong wala? G*go ka ba?" Hinagis pa ni Bash ang empty bottle ng C2 sa pagmumuka ni Jarvis.
"Yabang yabang mo kahapon tapos wala?" napapailing na sambit ni Marc.
"Seryoso ba 'yan?" Rain couldn't determine if his friend's only making fun of them.
Jarvis chuckled. "E kasi nakatulog ako pagdating ko sa bahay kahapon. HAHAHA peace na!"
Napa-face palm na lang ang tatlo sa kalokohan ni Jarvis. Wala talagang maasahan sa isang ito.
"Ah may idadagdag pa pala ako. Kara's smart. Mula nursery hanggang highschool ay matataas ang grades niya. Valedictorian siya palagi at napaka-active sa mga extra-curricular activities," Bash said.
BINABASA MO ANG
Alluring Kara Jade
Mistério / SuspenseKara Jade is not like the rest and surely, not going to be one. But being different is what makes every guy in the room swoon over her. They will go on lengths just to have her. Who is she? No one knows. **** Aiken High University is a place where...