Thirteen - Family or Her

12.1K 473 76
                                    

Chapter Thirteen – Family or Her


"Yup. Wear something sexy!" masiglang sagot ni Blake sa isang stranger na nakasalubong niya lang sa hallway. She's been inviting everyone she sees to her party tonight, hosted by of course, Victoria and Harper.

"Hey," bati ng kanyang kuya na naglalakad palapit sa kanya. Blake immediately put the invitations back to her bag.

"Hi Kuya!"

"Ano 'yung naririnig kong may party daw sa bahay mamaya?"

"Ah yes. Don't worry, nagpaalam na naman ako kay Dad. He said it's okay. Besides, sila ate Vic naman ang sasagot sa lahat ng pagkain at drinks dun."

"Why aren't you giving me an invitation then?" nakangiting sabi ni Bash.

"You suck. Bahay naman natin 'yun. You don't need one." Tinulak niya si Bash kaya naman tawang-tawa ito sa kanya.

"My sister's trying to be a grown up woman now huh," He teased.

"Shut up."

"Wag na wag ko lang talagang makikitang may kahalikan ka don mamaya, sinasabi ko sa'yo---"

"Will you please chill? Wala akong balak na ganun."

"Why are you throwing a party by the way? Anong meron?"

"Wala naman. Ang boring na kasi ng week ko and I need to gain more popularity. Everyone needs to know who I am lalo na at palapit na naman ang volleyball game ko."

Kumunot ang noo ni Bash doon. Napapagaya na talaga siya kay Vic. Kelan pa naging issue sa kanya ang pagiging sikat?

"My room's here. See you later kuya!" Yumakap na si Blake at pumasok na sa classroom niya.

Bash sighed. Hindi ko man lang napagsabihan. 'Di bale, mamaya na lang.

"Sup bro?" bati ni Jarvis na nakasabay niya sa paglalakad papunta sa classroom nila.

"Hinahanap ka ni Sir. Honra ah."

"Oh bakit daw?"

"Yung assignment mo daw kasi, halatang xinerox lang. Lagot ka."

"Hala. Wala naman siyang sinabing bawal. Tsk detention na naman 'to," nagkakamot ng ulo na umalis si Jarvis. Natawa na lang si Bash at pumasok na sa loob.

"Hey Kara, good morning." He immediately greeted her. Katabi nito si Marcus na nakikipagkwentuhan sa kanya. Umupo na si Bash sa tabi ni Kara bago ngumiti.

"You guys going to Blake's party tonight?" tanong ni Bash sa kanilang dalawa.

I don't mind if Marc's flirting with her. As long as she's not captivated by him, I'm cool.

"Of course," sagot ni Marcus.

"Party? What party?" nagtatakang tanong ni Kara.

"Hindi ka ba niya nabigyan ng invitation?" Bash asked her.

"I saw her this morning pero nilagpasan niya lang ako. Invitations pala 'yung mga pinamimigay niya, I thought flyers."

Kumunot ang noo ni Bash. Imposibleng hindi sinadya ni Blake na hindi imbitahin si Kara. Lahat kinausap niya, maski 'yung mga hindi niya pa nakilala pinapapunta niya sa bahay.

Sakto biglang dumating sila Victoria at Harper. Agad hinawakan ni Bash ang wrist ni Victoria bago pa man ito makalagpas sa kanya. "Vic, be honest with me."

"Sure babe. What is it?"

"Sinabihan mo ba ang kapatid ko na wag imbitahin si Kara?"

Nagbago agad ang expression ng mukha nito. She looked at Kara before she looked at Bash again. "Yeah. So what?"

Alluring Kara JadeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon